CHAPTER 15

4.4K 73 1
                                    

Tamie's POV

Akalain mo yung nakatagal kaming magkasama ng 2 weeks dito sa bago naming bahay. Saturday kami lumipat tapos Sunday naman yung blessing nung bahay. Okay na rin na dito kami nakatira sa mejo malayo para walang makakita sa amin na magkasama kami sa bahay tutal pareho naman kaming may sasakyan. Kanya kanya kami pagpasok at kanya kanya din paguwi. Sya yung nagluluto at ako naman yung laging tagahugas ng pinaglutuan at pinagkainan namin. Hindi na ako nagreklamo nung turuan nya akong magligpit baka mamaya masabihan na naman akong walang kwenta. Yun pa naman ang pinakaayaw ko, yung may magsabi sa aking wala akong kwenta. May worth anxiety kase ako.

Kahapon, maghapon kaming naglinis. Grabe ang pagod ko. Ganun pala kahirap maglinis ng bahay. Kung nung una, tuwang tuwa ako dahil malaki ang bahay namin, ngayon, hindi na. Inis na inis ako dahil sobra sobra ang naging pagod ko. Nakatulugan ko na nga ang paghihintay sa pagkaing niluluto nya nung gabi. Isipin nyo naman na nagwalis kami ng buong bahay, loob at labas, kulang na lang pati bubong. Tapos lahat pinunasan namin ng basang basahan mula sahig, dingding, pati yung mga hagdan. Tapos tuyo naman. Tapos yung mga bintana. Inayos din namin yung mga lalagyan ng plato. Yung mga kwarto namin. Nun ko lang naramdaman ang mapagod ng matindi.

A/N: TAMIE & ZEKE'S HOME SWEET HOME

A/N: TAMIE & ZEKE'S HOME SWEET HOME

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang pinakamasama pa eh ginising nya ako ngayon ng maaga dahil maglalaba daw kami. Sisimba sana ako ngayong umaga pero sabi nya mamaya na lang daw hapon.

"Tamie, hindi ganan ang pagkusot. Ganito oh." Zeke

Eto kami ngayon at magkaharap sa batya. Naglalaba. Ang arte ng lalaking to. Naiwashing machine na nga namin eh kinukusot pa namin sa kamay para daw malinis. Hindi na ako nagsasalita. Pagod na pagod na ako. Kung ganito kami lagi, hindi na ako magtataka kung malosyang ako at tumanda agad. Grabe akong pagurin ni Zeke. Siguro may 4 hours kaming naglaba. Saktong 12 na nung matapos kaming maglaba at naghanda sya ng lunch namin. Sa sobrang pagod ko, nakatulog na naman ako sa couch.

"Tamie, gising na. Kain na tayo ng lunch." Zeke

Tumayo ako at naghugas ng kamay.

"ouch!" Grabe ang hapdi ng mga daliri at kamay ko. Kita kong mga sugat na. Oh God. Ganito na lang ba talaga ang buhay ko?

"Anong nangyari?" Zeke

"Ano pa, edi nagsugat dahil jan sa paglalaba." Ako sabay upo

"Ganan talaga pag first time." Zeke. Inirapan ko na lang sya at kumain na

After naming kumain eh tumayo na ako at inimis ko na ang kinainan namin. Haii, ansakit naman ng daliri ko kapag nababasa. Tsss.

"Ako na. Magsisimba ka pa diba?" Zeke

"Sigurado ka?" Ako

He nodded kaya naman nagmadali na akong umakyat para maligo at magpalit ng damit. Sa tingin ko malaki ang pangangailangan kong magsimba at magdasal. Baka sakaling isalba ako ng Diyos sa paghihirap kong ito.

A Love That Started In A Gym Dug OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon