Tamie's POV
One week na lang at sembreak na. Finals week na next week. Pero ako, last day ko na ngayon sa school. Nakapagtake na ako ng advance exams. Kinausap ko yung dean at gumawa ako ng kung ano anong dahilan. Buti na lang, kilala si Nicolas Chen at nagamit ko ang pagiging anak nya. It had been 3 days simula nung umalis ako sa bahay ni Zeke. Kinabukasan, nagpapunta talaga ako ng tao dun para maglinis ng bahay nya. Buti na lang nalaman ko kay Cyrus na buong araw nasa school si Zeke so nakapaglinis kami. Sabi ko kay Manang, h'wag na lang syang maingay sa mga nangyari, ako na bahalang magsabi kila Mama. Nakuha ko na din yung wedding picture namin ni Zeke. Tanong nga si Cyrus ng tanong kung bakit daw gugustuhin ko pang makita yun. Sabi ko, gusto kong makita lagi ang mukha ni Zeka baka sakaling maka mukha nya yung anak ko diba? Para naman may maganda akong ala-ala ng pagsasama namin.
Kanina, galing na ako sa office ni Ma'am Issa. Naiinis daw sya sa akin dahil hinayaan kong magbuntis ako. Naflatter talaga ako nung sabihin nyang 'I can't see any other girl who can do Allison, it's you.' Well, Kahit gaano ko pa kagusto yung role na yun, iba na ang priority ko ngayon.
I am here again at the Lounge, waiting for my friends. I think they deserve to know what's happening to me. They have been with me and been my family for the longest time. I'll tell them everything, tutal, aalis na rin naman ako at magpapakalayo. I bought their favorites, caramel macchiato and cinnamon roll for Patchie, hot white chocolate and waffles for Fere, hot double truffle and chocolate cake for Aira, and non-fat green tea and salad for Ishie. Sana lang, this foods make my sin a little acceptable.
SMS To: Sissy Patchie; Sisssy Aira; Sissy Fere; Sissy Ishie
I've got snacks for you.
Meet me at West Lounge.
XoXo
P.s. This is very important.
After mga 15 minutes ay dumating na sila. This is it. Haiii. I hope this girls could forgive me.
"Hi Friend! Long time no see! Anyare na? Wow! Waffles." Fere
"Oh, what's this for? Mukhang mahabang kwentuhan to ah? pastries and drinks? Hmmn." Patchie
"So what makes us here?" Aira
"Girls, bago pa man ang lahat. Nagsosorry na ako. I don't know kung maririnig nyo pa yan mamaya eh, basta sorry." Ako
"Ano bang ipinagsosorry mo?" Ishie
I gave them a weak smile.
"Friend, alam mo, haggard ka ngayon. Grabe, hindi ka na mananalo sa beauty contest. Iwan mo na kasi yang si Zeke, konsumisyon lang yan sa'yo eh." Fere
"FERE!!" Aira
"Joke lang. Eh kase masyado naman kase tayong tensioned here. Chill tayo, ano ba?" Fere
"Fere, diba halos saulo mo na rin yung lines ko sa Burlesque?" tanong ko
"Yepi. Hello?! gustong gusto ko rin kaya yung role mo. Soooo Sexy! Pero anyway, parehas lang naman tayo eh." Fere
"Well, you have it now Fere. You can take Allison. It's yours." ako
"Wait wait lang Tamie. Are you saying na binigay mo kay Fere ang role na pangarap mo?" Patchie
I nod.
"oi Friend, no hard feelings naman ako! 'To naman. Keri lang na ikaw si Allison. Ang sa akin naman basta gusto ko hot and sexy lang din yung peg ng role ko no?" Fere
"No, you have it Fere. If not me, it should be you." Ako
"Teka nga lang Tam, naguguluhan kami eh. Ano bang ipinagsasasabi mo jan? Bakit mo iginive up yung pangarap mong role?" Ishie
"May iba na kasi akong priority ngayon. I'll be a Mommy in less than 6 months." then I smiled
Natigilan sila lahat sa pagkain. Then silence.
"You are saying that you are pregnant?" Aira
I nod again.
"What?! Tamie! Diba, nangako tayo?! Kahit malandi tayo, no sex out of wedlock?! Diba nagpromise tayo na malandi lang tayo? DIba? DIba sabi natin patutunayan nating hindi lahat ng malandi eh pare pareho? Anong nangyari Tam?" Fere
"I'm sorry girls. Fere, tinupad ko yung promise natin. I and Zeke are married for more than 9 months already. I'm sorry." then I started crying.
"Tatiana, can you please do us a very good favor and tell us everything we need to know?" Patchie
So I told them everything. Lahat lahat. Simula nung punishment, nung maulanan ako, nung makita kami sa dug out ng parents namin, nung ipagkasundo kami, nung mahalin ko yung pamilya ni Zeke, nung nakiusap si Zeke na wag ituloy ang kasal, nung naospital si Mama, nung debut, nung kasal, nung magsimula kami hanggang kung paao ko sya nahuli kasama si Heleyna hanggang ngayon na tapos na. Lahat isinama ko sa kwento ko, yung masaya, malungkot, nakakatawa at nakakaiyak.
And now, we are here crying together. Sharing the pain I'm feeling.
"Hayop na Heleyna talaga yun!" Patchie
"Papatayin ko talaga yun Tamie! Isasama ko na yung hayop mong asawa! Anong karapatan nilang ganyanin ka!! You shoul've told us earlier. May nagawa sana tayo. hindi ka sana umabot sa ganyan." Fere
"Tamie! Wag na wag magpapakita sa akin yung dalwang yun! Sinusumpa ko, I'll wreck their necks! lalo na yang hayop na Heleyna na yan! Aba! Sumusobra na sya!" Ishie
"Ano ba girls, calm down. Hindi sila ang dapat nating intindihin ngayon, si Tamie ang dapat nating inaalala, so Tamie, ano nang plano mo?" Aira
"I'll give him annulment. Tapos lalayo na ako. Hindi naman magiging healthy sa anak ko na andito sya." Ako
"Saan ka pupunta Tam?" Patchie
"Hindi ko pa din alam Patch. Basta aalis ako sa isang araw. Bukas, pupuntahan ko yung parents ni Zeke, magpapaalam ako ng ayos." Ako
"Sasabihin mo ba sa kanilang buntis ka?" Fere
"Hindi na lang siguro. Diba nga hindi naman naniniwala si Zeke na kanya to? Ayaw ko namang ipilit. Baka maulit na naman yung ganito. Masasaktan lang ang anak ko." Ako
"Kakayanin mo yan Tamie?" Ishie
"Oo naman. Ngayon pa na dalawa na kami?" Then I smiled and wrap my hands on my tummy.
Oo naman. Kakayanin ko, kahit ano, para sa anak ko. Ipaparanas ko sa kanya lahat ng hindi ko naranasan. Lahat ng pinangarap ko, sa kanya ko lahat yun ilalaan. Nung mejo naglighten na yung mood namen, pinagusapan na lang namen ang pregnancy ko.
"So saan ka naglihi?" Ishie
"Sa black chocolate. Kaya pala kayang kaya ko umubos ng chocolate kahit gaano kadami." Ako
"Nako baka umitim ang inaanak ko! Tigilan mo yang pagkain ng chocolate!" Fere
"Gagi. Tapos na kong maglihi. 4 months na nga diba?" Ako
"Ah. So March ang due mo?" Patchie
"Yep." Ako
Mejo nagtagal pa kaming nagkwentuhan pero nung mejo dumidilim na, naisipan nilang mag overnight sa bahay ko. Baka raw kasi last na namin yun kase pag nanganak ako, siguradong anim na kami. Isa pa, aalis na nga ako at maiiwan ko na sila. I will surely miss this four gorgeous creatures.
A/N: TAMIE
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?