Zeke's POV
Ngayong weekend eh hindi kami umuwi sa Nueva Ecija, trip kasi ng magulang ko na magexplore sa Tagaytay kaya heto kami ni Tamie at namamasyal. Napansin ko lang na parang naging cold and reserved na naman si Tamie. Hindi ko naman alam kung bakit. Wala naman ako maalalang ginawa ko sa kanya na ipagkakaganito nya. Hindi sya masyadong nagsasalita tapos yung ngiti nya hindi umaabot sa mata nya. Ano kayang meron?
"Tamie, gusto mo mag horseback riding?" Ako
"Sige." Tapos tumayo sya
"May problema ba Tam?" Ako
"Ha? Ah wala." Sya
"Bakit ganyan ka?" Ako
She sighed deep. "Wala ano ka ba! Halika na, tigisa tayo ha?" Sya
Kahit hindi ako naniniwala, hinayaan ko na lang.
After nung ride bumalik na kami sa cottage namin. Niyaya sya ni Mama na mamili dun sa souvenir area kaya naiwan kami ni Papa.
"Anak, bakit parang ang tamlay ni Tamie?" Papa
"Hindi ko nga rin po alam eh. Tinatanong ko nga po kung bakit sabi nya wala daw po. Hindi ko maintindihan Pa, nung isang araw lang okay kami eh." Ako
"Anak, mahal mo na ba ang asawa mo?" Papa
Mahal? Parang hindi naman. Pag naiisip ko ang salitang mahal, si Heleyna pa rin ang pumapasok sa utak ko. Si Tamie? Okay naman sya. Hindi ko naman pa nakikita yung pagkamaldita nya. Actually, sweet nga sya eh. Kahit kay Manang. Si Manang tuwang tuwa kay Tamie.
"Alam mo anak, hindi naman pwedeng wala lang yun. Ganan talaga ang mga babae, they will say no were in fact they mean yes, at yang wala, often time, meron talagang problema." Papa
"Eh Pa, ano ba sa tingin nyo?" tanong ko kay Papa
"Anak, palagay ko, yung sinabi nyang wala lang eh defense mechanism nya para sa sarili nya dahil ramdam na ramdam nyang hindi mo sya mahal." Papa
"Pa, anong gagawin ko?" Ako
"Ano bang pwedeng gawin ni Tamie para mahalin mo sya?" Papa
Nagisip ako. Yung katulad ni Heleyna, mabait, matalino, simple, marunong magluto, magaling kumanta, marunong maglambing.
"Isipin mo to Zeke ha, hindi kaya ni Tamie na maging ibang tao para mahalin mo sya. Alam mo ba na naguguilty ako dahil pumayag akong ikasal kayo? Nakikita kong nahihirapan lang sya sa sitwasyon nyo. She's trying her very best to be a perfect wife. I often hear her ask your mother how to do this, how to do that. Pero ikaw, you are not, you did not even try to be. Ayaw mo kasing pakawalan sa isip mo na pagkakamali ang nangyari sa inyo ni Tamie, Anak, give Tamie what she deserves. Balang araw malalaman mo rin kung gaano kabuti ang puso ni Tamie, kung gaano sya karapat dapat na mahalin, at sana anak, wag kang mabulagan. Sana wag dumating ang panahong magsisisi ka na lang dahil wala ka nang magagawa pa. " Papa
"Diba sabi ko naman sa'yo na wag mong madaliin? Pero anak, subukan mong humakbang. Kilalanin mo sya, alamin mo ang mga nakapagpapasaya sa kanya, kung makita mong nagugustuhan mo na sya, subukan mong ligawan sya, hanggang sa mamalayan mong mahal mo na pala sya. Sige na,pupuntahan ko lang ang Mama mo dahil alam kong marami na yung pinamili." Papa
A/N: MR. ARTHUR SANTIAGO & MRS. MARIE SANTIAGO ON THE PIC
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?