Tamie's POV
Tonight is our dance festival. And everyone's so agitated of the show. Lalo na ako. For the past years of mylife, ngayon lang ako nakapuno ng reserved seat for me. Sila Mama, Papa at Zeke. Kahapon pa nasa bahay sila Mama at Papa at excited na din sila na manuod. Kanina ko lang din naramdaman na may nagasikaso sa akin. Yun bang inaayos ang gagamitin ko, magsususklay ng buhok ko at iba pang gawain ng isang supportive na ina. Si Zeke may practice kanina kaya nauna na lang sya sa amin. Nagpromise naman sya na manunuod sya mamaya.
Ang number ko mostly ay interpretative ballet. Dinivide kaming lahat sa 5 groups, each group eh may queen performer. First is hiphop, 2nd is social dance kung saan si Fere ang queen performer, 3rd is jazz, 4th is mixed dance and yung last is interpretative ballet kung saan ako ang queen performer. This dance festival is important sa PAC, dito kasi namin malalaman ang next na magiging Queen of PAC o president. Dito kasi ipapasa ni Ate Kelly yung dancing shoes para sa mamumuno next year.
Nauna na magperform ang hiphop. Well, ang gandang panggising sa audience nun. Magaling sila at sabay sabay. Jazz number is also good.Sila Fere na yung sumunod. They danced latina rumba. And it was steamingly hot. Dito ko talaga gusto sumama na group eh kaya lang natalo ako sa jack en poy namin ni Fere. Hindi kasi kami pwedeng magkasama sa isang group dahil gusto namin parehong maging queen. Then after nila Fere, nagsayaw na ang mixed dance. Mejo matagal yung number nila dahil marami sila dito. On our cue eh pumupwesto na kami. Modern ballet ang gagawin namin, yung may istorya, actually, lahat ng sayaw eh may story at iccombine namin yun sa last dance ni Ate Kelly.
Andito na ako ngayon sa likod ng stage at busy sa pagaayos ng suot ko.
"Tamie, ang supportive naman pala ng bf mo." Lapit nung isang jazz dancer.
"Huh?" Ako
"Si Zeke, ayun nanunuod. Swerte mo ah, hot nung bf mo. Haha.Anyway, goodluck. " Jazz dancer
Napangiti na lang ako, tinupad ni Zeke ang promise nya. Ano kayang magiging reaction nila sa gagawin ko? Nakakatuwa talaga na makita ko sila Mama at Papa. Si Papa, dala dala pa rin yung video cam. Napaka supportive talaga nila.
Every part eh nagpapakita ng mga pangalan at groufie namin. At nung nagstart, marami ang nagulat. Lights off kasi tong part namin. Ako na ang maarte, gusto ko maganda ang number namin. Ang ilaw ay tanging sa stage lang magmumula. Nagsayaw na yung mga kasama ko. If I can't touch the audience awe, I'll make sure I'll touch their heart. Mas gusto ko talaga yung number ni Fere eh kaya lang nga, wala na akong magagawa talo ako sa jack en poy eh. Hindi man ganoon kasexy ang suot ko, alam ko, magiging maganda ang number naming.
Ang story kasi ay may isang lalaking nagmahal sa babaeng malapit nang mamatay. Tapos humiling ng last dance yung babae sa lalaki at habang nagsasayaw sila eh mamamatay yung babae pero pilit paring isasayaw nung lalaki yung babae hanggang matapos yung last dance.Syempre ako yung babae tapos si Ernie yung lalaki, safe naman tong si Ernie kasi bading sya.
Yung simula ng sayaw eh nakaupo kami sa bench. Yung unang tugtog ay yung Suddenly ni Kim Bo Kyung. Puro piano lang, then we danced. Para kami kunwaring nasa party marami kasi kami dito sa stage ngayon. Tapos nagiging konti na lang. Nakakatawa talaga na kung hindi lang bading tong si Ernie eh iisipin kong mahal nga ako nito, emote na emote eh. Nung kami na lang eh nagiba na ng sound, mas naging parang romantic. Only Time by Enya tapos dun na ako parang nanghina, tapos lumayo. Then dinala ako sa parang ospital inihiga sa bed, tapos umiling yung isa naming kasama then nagsayaw si Ernie magisa na para bang ang lungkot lungkot nya. Tapos lumabas ako ulit sa stage. Tapos Iris yung kanta na mas mellow and heart felt. Actually, kami din ang kumanta ng mga song. Ernie sang Iris. Nakakaiyak nga ata talaga tong number namin kasi nakita ko na marami ng nagpupunas ng luha then, yung last dance yung mamamatay na kuno ako. Tapos kanta ulit ni Ernie, Your guardian angel. Ang cue nito eh sa middle part ng song eh mawawalan na ako ng control kasi patay na nga ako. So kunwari ipipilit nyang sumasayaw kami. Hanggang ang final music na. A kiss in the rain ng Celtic Mysts. Yung last scene eh uupo na kami ni Ernie sa bench same position nung first scene. Na nakaakap sya sa akin.
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?