Zeke's POV
Maaga akong gumising para ihanda yung kwarto namin ni Tamie. Tapos naglinis din ako ng bahay. Nung matapos kong ihanda yung bahay eh pumunta ako sa mall, excited na bumili ako ng mga maternity dress nya pati na rin ilang gamit ni Baby. Mas masaya kasi kapag magkasama kaming mamimili ng gamit ng anak namin. Bumili lang ako ng crib at mga mats. Ibilin ko kay Manang na mamalengke tapos iluto lahat ng paborito ni Tamie. Bumili din ako ng madaming chocolate. Sa tingin ko yun ang pinaglihihan nya. Hindi na muna ako umattend ng practice namin. Nagdahilan na lang ako.
Mga bandang hapon eh excited na excited akong pumunta sa bahay nila. Para tuloy ako ulit nanliligaw. May daldala pa akong boquet ng red roses. Antagal kong naghintay sa labas ng bahay nya pero parang wala sya. Tinawagan ko si Mateo para itanong kung nakita nya si Tamie. Sabi nya, hindi raw kasama nila Aira. Nasa restaurant daw kasi sila Aira kumpleto daw except wala si Tamie. Asan na kaya ang asawa ko?
Mejo madilim na pero wala pa din sya. Asan na kaya sya? Asan na kaya nagpunta ang asawa ko? Napansin ko namang may dumating na lalaki. Derederecho lang sya. May susi sya ng bahay ni Tamie? Lumapit ako sa kanya at nakita kong si Cyrus ang lalaki. kailan pa sya nagkaroon ng susi ng bahay ni Tamie?? Ako nga wala eh. Tapos sya meron? Hinintay ko syang lumabas. Parang binuksan nya lang ang mga ilaw tapos umalis na rin sya agad.
A/N: ZEKE :(
Ano bang meron sa kanila ni Tamie? Bakit ganoon sila? 8pm na wala pa rin si Tamie kaya umuwi na lang ako. Bukas na lang, sigurado naman akong papasok yun. Finals namin eh.
Natapos na ang finals at lahat, ni anino ni Tamie eh hindi ko makita. Sabi ni Mateo, hindi rin daw nya nakikitang kasama nila Aira. Lagi lang daw apat ang magkakasama. Imposible namang hindi sya pumasok ngayong week na'to? Finals week to eh. Kaya naman naglakas loob na akong puntahan ang mga kaibigan nya.
"Oh, look who's here." Patricia
"Ow, anong masamang hangin ang nagtaboy sa'yo dito?" Ferella
"Ahmmn, itatanong ko lang kung alam nyo kung asaan si Tamie." Ako
"Bakit mo tinatanong? Diba break na kayo?" Aira
Ang alam nga pala dito sa school ay break na kami. Ewan ko kung sino ang nagpakalat nun pero ang sabi nga eh break na daw kami at iniwan ko na si Tamie dahil nagsasawa na daw ako sa kanya.
"Oonga, atsaka diba sabi nila sawang sawa ka na daw kay Tamie? dahil nga slut sya?" Ishie
"Atsaka ginamit mo lang sya? At nung nakakaumay na eh iniwanan mo na lang dahil sya naman ang nakikiusap sa'yo na gamitin mo sya? Ang pathetic talaga ni Tamie no?" Patchie
"Grabe ka Zeke. Sana diba, hindi kayo nagpakalat ng ganun? Kung slut si Tamie ano pa kaya si Heleyna." Ferella
"Girls." Tumigil naman ang iba dahil sa saway ni Aira
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?