Tamie's POV
Dahil sa sinabi ni Vince kagabi mejo narelax ako. Sana naman okay lang talaga si Zeke. Sana mamaya, pakinggan na nya ang sasabihin ko. Maaga akong gumising para maghanda ng sopas. Magandang pampatanggal ng hangover ang mainit na sopas. Natutunan ko yun nung malasing kami nila Fere kila Ishie tapos pinagluto kami ni Nanay Ara (Mommy ni ishie) ng sopas. Ayun, madaling nawala yung hangover namin. Ang problema ko na lang eh kung paano ako magluluto.
"Hija, ako na lang kaya ang magluto? Umupo ka na duon oh, yung daliri mo puro na band aid eh." Manang
Right. Wala na akong daliri na band aid free. Pero, hindi, dapat ako ang gumawa nito, baka kasi ito na ang first and last time na maipagluluto ko sya eh. Kaya dapat ako na lang.
"Hindi na Manang. Ako na lang po. Para naman matuto ako diba? Maipagamalaki ko kay Zeke na ako ang nagluto nito diba??" Ako
Sana nga. Sana nga magkachance pa ako na maipagmalaki sa kanya to diba? Sana tanggapin nya to. Nagpatuloy ako. Naaawa na talaga ako sa kamay ko, puro paso, cut at sugat. Pero okay lang, para naman to kay Zeke eh. Kaya kahit mapangit na ang buong kamay ko, walang problema. Para kay Zeke, worth it lahat ng sugat na ito.
Sa tulong ni Manang, natapos din ang aking espesyal na sopas. Excited na nagbihis ako at hinanda yung mga dadalhin ko. Nilagay ko na lang sa bag yung mixed na coffee na ginawa ko din kanina. Nagmadali akong pumunta sa condo nya. Hindi na nga ako nagkotse kasi kailangan kong hawakang mabuti yung sopas ko. Nakalagay pa yun mismo sa pinaglutuan kong glass pot. Nakangiti lang ako buong byahe. Syempre naman no, kailangan ko pa rin namang tanggalin yung kaba ko.
Umakyat na ako sa floor nya. Matagal tagal na rin akong hindi nakakapunta dito. Buti na lang nagkaroon ako ng sarili kong susi nung tumira kami dito after nang kasal. Pagkapasok ko, parang may iba sa unit, para bang may nakatira talaga dito. Sa bagay, andito si Zeke eh. Bago ko sya gisingin eh aayusin ko na muna yung mga dala ko, nagpainit pa ako ng tubig kasi wala syang ready na mainit na tubig dito. Nagtimpla ako ng kape. I was smiling the whole time. Dapat siguro magaral ako magluto, masarap pala yung feeling ng ganito, nagpeprepare ako ng almusal ng asawa ko.
Tinimplahan ko na yung dalawang mug tapos inihain ko na rin yung sopas. Naglagay na lang ako ng serving dish tapos iniwan ko na sa stove yung pinakalalagyan. Marami pala akong naluto.
I take a deep breath para magready. Andito na ako sa tapat ng pinto ng kwarto nya. I need to be positive. Kung bubulyawan nya ako, I need to be ready. Be positive Tamie, maeexplain mo din ang side mo. I smiled then I slowly open the door.
Sa halip na magsurprise ako, mas tama atang nasurprise ako. Para akong sinaksak ng ilang ulit. Parang tumigil na ang mundo ko at hindi na rin ako makahinga. My eyes become cloudy.
"Sorry." Sabi ko then isinara ko na agad yung pinto
Ano ba ang dapat kong maramdaman? I was nothing from the start. Eh ano naman kung makita kong nakaupo si Heleyna sa tyan ni Zeke while they are both naked. Ano na man ba ako diba? Sino ba naman ako diba? Nanginginig na ako. Natataranta. Hindi ko alam ang gagwin ko. Nablanko na ang isip ko. Iyak lang ako ng iyak. Narealize ko na lang na kailangan kong umalis sa lugar na to. Kaya nagmamadaling hinagip ko ang bag ko na nakapatong sa coffee table. Tapos naalala ko yung niluto ko kaya pumunta ako sa kusina. At kinuha yun. Hindi ko alam ang dapat kong gawin pero kailangan ko nang umalis dito.
Nagulat ako ng lumabas si Zeke. He's wearing a pair of pants already. Lalo akong nagmadaling makaalis. Baka kasi may sabihin pa sya at hindi ko na kayanin. Pero he held my arm. Ayoko. Ayokong marinig pa yung sasabihin nya. Tama na yung nakita ko. Masakit na yun eh.
"Ba—bakit?" Ako
"Tamie" sabi nya
"gu-gu-gusto mo ba to-tong so-o-o-opahas? hi-i-i-di-ii to-o ma-sa-a-ra-a-ap, a-ko-o a-hang nag-lu-hu-huto-o ni-to-ho." sabi ko while sobbing hard
He still holds my arm. Hinihigpitan nya lalo ang hawak nya. I badly want to run away. Staying here kills me.
"a-a-ano So-ho-hor-ry. Hi-i-i-ndi ko-ho a-la-ham na ma-hay ka-sa-ha-ma-ha ka. So-ho-hor-ry." Ako then ibinagsak ko na yung dala kong sopas at mabilis na tumakbo.
Hindi ko alam kung hinabol ako o hahabulin ba ako ni Zeke. Siguro, gusto nya lang sabihin sa akin na wag kong sasabihin kila Mama na ayaw na nya sa akin. Okay lang, hindi ko naman sasabihin. Mahal ko sya at ayaw ko syang mapahamak. Lutang na lutang na ako nun at hindi ko na alam kung asan ako. I was crying very hard. I feel very vulnerable and weak. Yung sakit na naramdaman ko nung hinayaan ako ni Patrick umuwi magisa while it poured hard, doble ngayon. I think, hindi ko na kaya. Buong katawan ko na masakit at mahina. Napaluhod na lang ako and I saw blood running down my legs. At bago pa man ako makapagreact, I passed out.
Cyrus' POV
Papunta na sana ako sa school dahil may practice daw kami ngayong umaga. Buti na lang at nacancel ang practice namin kahapon, kundi, baka hindi ko nasundo si Mama. Kanina lang ako umuwi kaya naman sa harap ko na lang ng tower ipinark ang kotse ko. Palabas na sana ako nung makita ko si Tamie na bigla na lang napaluhod. Agad akong lumapit sa kanya pero bago pa man ako makalapit, I think she passed out. When I held her, I saw blood in between her thighs. Nagpanic ako kaya nagmadali akong magpunta sa sasakyan at mabilis na pinaandar ito. Ilang saglit lang nasa ospital na kami.
"Sir relative po?"
"Yes, I'm his brother."
"Sir, iaakyat na daw po ang kapatid nyo sa room. Doon na lang daw po kayo kakausapin ni Doc."
After siguro an hour eh iniakyat na si Tamie sa isang private room.
"Hi! Good morning. I am Dr. Fernan " bati nung doctor
"Good morning po Doc. Kumusta na po sya? Bakit hindi po sya gumigising pa?" Ako
"She's okay now. And she's safe. And also, her baby. They are both okay now. She just needs to rest kaya hindi pa sya gumigising but I assure you that she's safe already. Mamaya na lang aakyat yung ObGyne para maremind kayo on what to do." Dr. Fernan
"Okay po Doc. Salamat po." Ako
"Okay Mister. I must go now." At umalis na sya.
Haiii nako, Tam, ano na naman ba ang nangyari sa'yo. Kailangan ko bang tawagan si Zeke para malaman nya? o ano? Haii. Hihintayin na nga lang kitang magising. Madilim na hindi pa rin nagising si Tamie. Nakailang punta na nga yng nurse dito kasi ang gusto daw nung ob-gyne eh yung buntis mismo ang makausap.
"Zeke?" Tamie
"Salamat naman at gising ka na. Ilang oras ka nakatulog ah?! Sandali lang ha tatawagan ko lang yung nurse" Ako
Nagmadali akong lumabas at tinawagan yung nurse para mainform yung ob-gyne na gising na si Tamie.
A/N: TAMIE IN THE HOSPITAL
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?