CHAPTER 13

4.3K 58 1
                                    

Zeke's POV

Dapat ba akong maguilty na iniwan ko magisa ang asawa ko nung pasko? Wala naman syang sinabi eh. Hindi rin naman nya ako binati. Wala rin syang sinasabi kapag umaalis ako. Hindi naman siguro masama ang loob nya diba? Sumama rin naman ako sa kanya pauwi ng Pilipinas eh. Gabi na kami nakarating dito kaya natulog muna kami sa Condo. Tanghali na kaming nagising at napagpasyahan namin na umuwi na lang kina Papa.

Sa ngayon ay nasa byahe kami papunta sa Nueva Ecija. Mukha naman syang excited kanina. First time nya kasing makakarating dun. Sila Mama nga kanina pa rin ang tawag, halata mong excited na rin sa paguwi namin

"Tamie, gising na. Andito na tayo." I woke her up

"Tamie!!!!" Sigaw ni Mama. Kita mo tong si Mama, mas inuna pa talaga si Tamie kesa sa akin.

"Mama. Grabe namiss po kita." Tamie hugged Mama pagbabang pagbaba nya.

"Namiss ko din kayo. Ano anak, kamusta ang Paris? Maganda ba?" Mama

"Opo Ma. Pero next time, sama na po kayo samin ni Papa para mas masaya." Tamie

"So Zeke, ano? May apo na ba ako?" Mama

"Ma, papasukin mo kaya muna ang mga bata?" Papa

"Pa." Bati ko

"Kumusta anak?" Papa

"Okay naman po." Ako

"Good. Pasok na kayo at kanina pa aligaga ang Mama mo. Excited sa pagdating nyo." Papa

"Insan! Bumalik ka na pala." Icy

"Insan. Oo.Kakauwi lang namin kahapon." Ako

"Oh asan na pasalubong ko? Wag mo sabihing wala kundi, aagawin ko na lang asawa mo." Icy

"Sira ulo ka!"Ako

"Oh andito na pala si Zeke eh, napakaganda pala ng naging asawa mo ah." Auntie Ellen

"Ah, Tamie, si Auntie Ellen, Auntie, si Tamie po asawa ko." Pagpapakilala ko

"Hello po." Tamie

"Oi, mamaya nyo na interviewhin ang maganda kong daughter-in-law. Halina kayo at kakain na tayo." Mama

Umupo naman kami sa lamesa at nagkainan na.

"Aba Ate Marie maganda nga ang manugang mo ano? Ano ang pangalan mo hija? " Tita Belle

"Syempre naman." Mama

"Tamie po." Tita Belle

"Chinese ka din ba Tamie?" Tita Belle

"Opo." Tamie

"Parang nagiging destined na makasal ang mga batang Santiago sa mga Chinese ano? Si Hanna, asawa ni Phil eh Chinese din, tapos si Yen na asawa ni Miguel." Tita Belle

"Onga Mama. Magaasawa din ako ng Chinese. At magaasawa din ako ng maaga gaya nilang lahat.Haha." Icy

"Loko." Sabay kurot ni Tita Belle kay Icy

Nagtawanan na lang kami habang nakain. Tama naman sila, maganda ang asawa ko kaya dapat hindi ako manghinayang. Hindi ako lugi sa kasalang ito.

Tamie's POV

Nakaktuwa ang pamilya ni Zeke. Ang saya saya ko dito sa Nueva Ecija. Kung pwede lang talaga eh dito na lang ako titira. Sa 5 days na andito kami eh wala akong ginawa kundi tumawa. Napaka kwela ng buong pamilya nila. Close na close din silang lahat. Ako kase halos hindi ko na kakilala yung mga pinsan ko eh. Mga kapatid ko nga halos di ko na nakakasama.

Kapag pala new year eh halos andito lahat ang kapatid ni Papa sa kanila. Napakalaki ng mansion nila Zeke dito. Sabi ni Manang Rosa, yung kasambahay nila, kay Papa na daw talaga tong bahay pero dahil mabait si Papa eh welcome lahat dito. Yung ibang kapatid ni Papa eh may bahay malapit dito tas yung iba eh nasa malayo. First time ko magnewnew year na may kasamang pamilya at excited na excited na ako. Nung dumating kami dito, natawa na lang ako na nakadisplay na ang wedding picture namin ni Zeke at family picture namin. Sa kwarto namin, mayroon din.

"sðhõ èihèo jiåtîng Santiago ( It seems you love Santiago family that much).Magisang anak ka din ba?" Ate Yen, asawa ni Kuya Miguel na pinsan ni Zeke.

Kahapon sila dumating at close na kami agad. Chinese din sya. May dalawa na silang anak na babae. Parehong maganda. Yung bunso nila eh inaanak ni Zeke.

"bö (No). Sa totoo lang napakarami namin. wø xiñngdð (5 kaming magkakapatid) lahat sila may asawa't anak na." Ako

"lço zuðhôu ma? (So bunso ka)" I nodded

"jðhuè jiêhõn ma (arrange marriage)?" tanong nya sa akin in Mandarin

"chèdiçn (Almost) " Sagot ko.

"chèdiçn ma ?(Panong almost) " Ate Yen

Ikinwento ko naman. We speak in mandarin para walang makaintinding iba if ever na may makarinig. Natatawa ako sa kanya. Ikinwento nya rin kase kung paano sila naging magasawa. Nagsimula din pala silang hindi mahal ang isa't isa. Para tuloy nagkaroon ng maliit na hope sa puso ko na pwedeng maging katulad nila kami. Napakahaba ng naging kwentuhan namin. Andami nyang kwento, nakakatuwa sya.

"Alam mo babylove, kanina pa ako nakikinig sa inyo pero hindi ko maintindihan ang pinagkukwentuhan nyo. Share nyo naman sa kin." Kuya Miguel

"Tsismoso ka. Bawal sabihin. Kaya nga nag iva kami ng lenggwahe dito eh. Asan mga anak mo?" Ate Yen

"Nakina Mama. Naku, Tamie, bigyan mo na ng apo sila Ninong Art at Ninang Marie para hindi nakikiagaw dun kay Mama." Kuya Miguel

Ngumiti na lang ako.

"Tamie, lika na, hinahanap ka na ni Mama." Zeke

"Ba yan Ezekiel! Walang kalambing lambing sa asawa eh. Wala ka man lang bang endearment kay Tamie?" Kuya Miguel

"Onga! Kung ako yan, nako iiwanan kita. Tamtam, maghanap ka na ng iba. Iwan mo na yang si Zeke. Walang kwenta eh." Ate Yen.

"Bakit ba kayo nakikialam jan? Mayron kaming endearment pero pang kwarto lang. Haha." Zeke

"Ewan ko. Bigyan mo na ng apo si Mama mo at nang hindi nakikiagaw kay Mama ng apo." Ate Yen

"Lika na nga Babylove. Iwan na natin jan yang mga corny na yan." Kuya Miguel

Nakangiti akong nakatingin sa kanila. Kung hindi ikinwento ni Ate Yen ang love story nila, aakalain kong simula't simula eh mahal na mahal na nila ang isa't isa. Nakakatuwa silang tingnan. Sana ako din, balang araw makahanap ng ganon.

"Tamie, lika na sa labas, malapit na magnew year." Yaya ni Zeke. Sumunod na lang ako sa kanya palabas habang dala ko ang camera ko.

Nung magcountdown na, nakita ko kung gaano kasaya ang lahat sa bahay na ito. Si Papa, nakaakbay pa kay Mama. Hindi ko maiwasang hindi sila kuhanan ng picture. Isang larawan ng wagas na pagmamahalan. Masaya akong maging parte ng ganito kasayang pamilya.

"Mamaya ka na kumuha ng litrato. Magsindi ka na din ng isa, para sa countdown." Sabi ni Zeke

Nung magcountdown na, inakbayan ako ni Zeke. Nung magawi ang tingin ko kina Mama, nakita kong ang laki ng ngiti nya. Siguro akala nya, okay na kami. Haii. Sana nga, sana. Sana nga hindi lang mga picture na kinuhanan ko ang magtagal.


A/N: VIEW FROM SANTIAGO MANSION

A/N: VIEW FROM SANTIAGO MANSION

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Love That Started In A Gym Dug OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon