Tamie's POV
Haiii, ansarap talaga ng umaga dito.
"Goodmorning baby ko." sabay haplos sa malaki ko nang tyan.
It had been two months mula nung umalis ako. At ngayon, 6 months na akong buntis.
"Maayong Aga, Senyora." Bati nung katiwala ko dito sa villa
"Maayong Aga, Ate Remy. Ta na magkaun na ta." Sabi ko
"Mauna ka na hija. Mag uli nako sa among balay. Naghanap na sa akun ang akung bata." Ate Remy
"Sige. Daghang salamat sa agahan." Ako
Andito ako ngayon sa Cebu. Dito ako nakatira sa villa malapit sa hotel. Dito talaga kami nagstay kapag napunta kami dito. Ngayon, eto ginawa ko nang bahay ko. Naghohome school ako dito, aba, kailangan ko nang makatapos para may mapuntahan naman kami ng anak ko. Excited na ako na lumabas sya. Sabi dun sa ultrasound ko kahapon, lalaki daw ang baby ko. Sigurado akong matutuwa ang Daddy ko, ngayon lang sya magkakaapo nang lalaki. Siguro pati sila Mama at Papa may tagapagdala na sana sila ng apelyido nila, Si Zeke kaya? Ay nako, bawal na nga magentertain ng bad vibes. Bawal sa baby ko. Dapat good thoughts lang para pogi, para mana sa Papa. Haii.
A/N: CEBU
"Maayon na aga sa kegwapa kong Senyora." bati ni Robert"Ay nako Berting. Tumigil ka na nga jan. Ang galing galing mong mambola, hindi mo naman mapasagot ang nililigawan mo. Haha. Anyway, coffee? " Alok ko
"Tamie, it's Robert. Grabe ka naman. Ofcourse, coffee please? Yan lang ang idinayo ko dito eh." Berting
Then I stirred a coffee for him. Ako? Hindi na ako uminom ng coffee, bawal daw sabi ni Doc, kaya ayun, gatas na lang. Ang ganda dito sa villa ko. Mataas kasi ito kaya naman kita yung kalawakan ng dagat.
"Alam mo Tamie, kung ako gyod ang imong sinta, dili man ako magpayag na magisa ka diha sa Cebu." Sabi ni Berting
"Bakit na naman?" Ako
"Kahit man gabalyena na kaw, ke gwapa pa din ui. Ke rami pa rin guguhugma sa nimo." Berting
"Alam mo Berting, kung ako yung asawa mo, hindi ako papayag na umalis ka na hindi ako kasama." Ako
"Unsa man?" Berting
"Napakabolero mo, marami kang babaeng maloloko. Haha." Ako
Si Robert, sya ay anak ni Ms. Agnes, yung general manager ng hotel dito sa Cebu. Actually, tapos na tong si Robert at dito sya sa hotel nagtatrabaho bilang PRman. Sya rin ang tumulong sa akin para maayos ko ang home school ko dito.
Actually, nung umalis ako kina Mama, dumiretso na ako sa airport sa Pampanga. Mula duon, nagpunta ako sa Singapore. Mga 4 days din akong nagpaikot ikot dun, then I went to Hong Kong, then to Macau, I suddenly realized na mas gusto ko pa rin manganak sa Pilipinas kaya bumalik ako pero dito na ako dumiretso.
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?