CHAPTER 52

4.8K 71 0
                                    

Tamie's POV

"Honey. Pagod na talaga akong maglakad. tsk." Ako

"Pero Honey, sabi ni Dra. kailangan mo maglakad lakad para hindi ka mahirapang manganak." Zeke

"ikaw kaya ang lumagay sa katayuan ko? Pagod na talaga ako. Balik na tayo sa bahay!" Ako

"Osige. Halika na, bubuhatin na lang kita." Zeke

"Ayoko ang bigat ko kaya. Maglalakad na lang ako hanggang sa atin, pagod na pagod na ako." Ako

Kasi naman, 9 months na akong buntis. Anytime, pwede na akong manganak at bilin ni Dra. Kim eh maglakad lakad din daw ako. Sabi din ni Mommy na kakauwi lang kahapon. Grabe, excited sila Mommy at Daddy na makita nila ang kaisa isa nilang apong lalaki. Sobrang laki ng tyan ko. Para na akong nakalunok ng malaking pakwan.

Anyway, si Zeke, halos hindi na humiwalay sa akin. Last month kami namili ng gamit ng baby at ayun, sobra sobrang excited. Manganganak pa lang ako eh namili na agad ng walker, high chair at kung ano ano pang toys na pang more than 12 months na. Sobrang excited. Tinanong ko nga kung baka gusto na rin nya ienroll ng college eh. Haha.

Maaga pa ngayon. Halos magliliwanag pa lang pero ganito na agad ang routine namin. Dati, kung ano ang pinakalate na pwedeng gising ni Zeke saka lang sya nabangon, ngayon, nauuna pa talaga sya sa akin. Minsan nga, 4 am pa lang nararamdaman kong bumabangon na sya tapos naghahanda ng almusal namin. Tapos araw araw nya rin akong sinasamahan maglakad. Nung ngang mejo maliit pa ang tyan ko, nakakaabot kami dun kila Kuya Miguel sa kabilang subdivision sa paglalakad. Ngayon, hanggang dalawang kanto na lang.

"Honey, uminom ka ng madaming tubig." Zeke

"Opo na nga po." Ako

After naming mag almusal eh naligo na muna ako. Haii, napapagod talaga ako. Ang bigat bigat ng baby ko. Aiii nako anak, excited na excited na akong makita ka. Nagbihis na ako then umupo ako sa may sala kung asaan ang tulog na si Zeke. Umupo na lang ako sa tabi nya at hindi ko namalayang nakatulog na din ako. Nagising na lang ako nung maramdaman kong may labing dumadampi sa mukha ko.

"Ayan, nagising ka din. Lika na, lunch na?" Zeke

I smiled at him then inabot ko ang kamay nya. I was about to stand nung makaramdam ako ng contractions. Shocks. Ansakit.

"Zeke. manganganak na ata ako." Ako

"Whaaaaatttt??? Nako, ang kotse. sandali lang. Manang!!! yung gamit ni Tamie! Manganganak na si Tamie!!!!!!!!!!!" Sigaw ni Zeke

"Zeke. Bilisan mo na. Shit! Ansakit." Ako

"Oo na honey. Sandali lang. Calm down lang honey." Zeke

"CALM DOWN, CALM DOWN KA JAN???? LECHE KA! ANSAKIT KAYA!!! BILISAN MO NA EZEKIEL!!! ANSAKITT!!" Ako

Zeke's POV

Natatarantang nakarating naman kami sa ospital. Si Manang na ang bahalang tumawag dun sa mga dapat tawagan. I am waiting outside the delivery room. Naglalabor pa daw kasi si Tamie, hindi pa ako pwede sa loob. Kinakabahan na ako. Lord, sana po okay ang mag-ina ko.

"Anak, umupo ka nga dito. Papapasukin ka din naman dun mamaya eh." Mama

"Ma, ganun ba talaga katagal maglabor? Grabe naman yun Ma, 5 hours na si Tam sa loob ah? Bakit sabi dun sa nabasa ko mga 2-3 hours lang daw." Ako

"Hindi pare pareho ang panganganak Zeke. Ako nga sa'yo buong araw eh." Mama

"Ganun katagal? Mahirap ba yun Ma?" Ako

"Oo. Napakahirap." Mama

"Hala, Ma. Baka napapano na si Tam dun sa loob. Baka---" Ako

"Hijo, stop stressing yourself. Nasa loob ang Mommy nyo, hindi nya pababayaan ang asawa mo." Dad

A Love That Started In A Gym Dug OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon