Tamie's POV
Ambilis ng panahon. It's been a month and 20 days mula ng kinasal kami ni Zeke. Wala namang ipinagbago. Ganun pa rin. Hindi ko sya pinapakialaman at hindi rin nya ako pinakikialaman. Marunong na ako sa gawaing bahay except sa pagluluto. Sa ngayon eh may practice ata sila Zeke kase maaga syang umalis. Wala naman akong pasok kaya ako na lang ang mag gogrocery. May mahabang listahan naman ako na ginawa namin ni Zeke kagabi.
Hindi pa talaga ako pamilyar sa mall na ito.Ito na ang mall na pinakamalapit sa bahay namin.Malaki din naman tong mall na ito, yun nga lang, hindi pa ako sanay. Gusto ko sanang magpaayos ng buhok kaya lang wala naman akong alam na magaling dito. Ayoko namang isakapalaran ang magandang kong buhok sa kamay ng hindi marunong at basta na lang.
Naisipan kong bumili muna ng dress. Nung makarating ako sa cashier I saw Ate Yen.
A/N: YEN ON THE PIC. SHE'LL HAVE HER OWN STORY.
"Tamie?"
"Ate Yen!" Ako
"Hi, anong ginagawa mo dito? Malayo tong mall na to sa school nyo ah?" Ate Yen
"Ah, malapit kasi to sa bahay namin ni Zeke jan sa may Lily.Ikaw Ate Yen?" Ako
"Oh really?! Nice naman. Jan kami nakatira sa Rose. Nakakatuwa. San ka after nito?" Ate Yen
"Maggogrocery. Gusto ko sana magpaayos ng buhok eh, may alam ka bang stylist dito?" Ako
"Ay, makilala ako. Magaling sya. Lika, sabay ka na sa akin, magpapaayos din ako eh." Ate Yen
Then umakyat na kami. Andami na naming napagkwentuhan habang papunta pa lang kami sa parlor.
"Good Afternoon Madame Yen!" bati nung receptionist. Mukhang suki na si Ate Yen dito
"Hello. Si Inggo?" Ate Yen
"Andun po sa loob isa na lang po ang sa kanya." Receptionist
"Great! Sunod kami ha? Parehong kay Inggo. Treatment and spa." Ate Yen
"Ah Madame, kapatid mo?" Receptionist
"Hindi, asawa sya ng pinsan ni Miguel. Anyway, she's Tamie. Tam, she's Donna, receptionist dito."
"Hello po Ma'am Tamie!" Donna "Inggo, andito si Madame Yen."
"Pagpasensyahan mo na lang ang kadaldalan ng mga tao dito. Anyway, they are just noisy pero maayos at magaling naman sila dito." Sabi nya in Mandarin
"Okay lang. Atleast I can trust somebody with my salon needs." Ako then we laugh a little
"Oi, Inggo. Look I brought another good paying customer!" Ate Yen
"Oh Madame Yen. Konichiwa. Weii, sisterett mo itey? Prettiness diney." Inggo " hellowchi, Inggo at your service. Anong name mo madame?" tanong nya sa akin.
"I'm Tamie. Tamie Santiago. Sayang nga, I think we'll be perfect as sisters pero no, we're not." Ako
"Aw. Ganonchi? Anyway, anong ipapaandar naten sa mga beautiness nyo?" Inggo
"Saken, hairdye, treatment and footspa." Ate Yen
"Sureness Madame Yen, Sa inyo po madame Tamie?" Inggo
"Uhmmn, saken eh same but with manicure." Ako
"Getlack ko nachi. For a while mga madame." Inggo
Then yun, nagsimula na kaming lagyan ng kung ano ano sa buhok. Marami kaming napagkwentuhan. Tawa lang ako ng tawa sa kanila, Si Ate Yen, naiintindihan nya yung mala alien na language ni Inggo. Ilang oras na rin kaming nasa salon nung dumating si Kuya Miguel.
"Ay hello Fafa Migz. Kamustachii?? Habang tumatagal lalo kang humahawt." Inggo
"Oi, Inggo. Andito lang ako sa harap mo. Makalandi ka ha?" Natatawang sabi ni Ate Yen
"Ay sorry Madame. Pagpasensyahan nachii ang baklang nahumaling sa iyong Fafa." Inggo
"Okay lang naman ako Ings. Masaydo mo namang pinaganda ang asawa ko. Tsk tsk." Kuya Miguel kissed Ate Yen" Ui, Tam. Andito ka din? Kamusta?" Kuya Miguel
"Okay naman. So far. Haha" Ako
"Babylove, dun sila nakatira sa katapat na subdivision naten sa may Lily." Ate Yen
"Oh? Talaga? Malapit lang pala kayo eh. San nga pala si Zeke?" Kuya Miguel
"May practice daw sila eh." Ako
"Ay nako. Ganan din yung isang tao jan nung kakakasal lang namin. Iniiwan ako dahil sa practice ng basketball. Tsk tsk." Ate Yen
" Ui, Babylove. Grabe ka naman. Sinusundo naman kita ah?" Kuya Miguel
Natatawa na lang ako sa kanila nung magring ang phone ko. Nagexcuse na lang ako sa kanila. Tumawag kasi si Zeke. Tinatanong kung nasaan daw ako eh iniwan ko yung kotse. Well, plano ko na mag cab na lang pauwi kase hassle pa. Tinatamad ako magdrive eh. Nung sinabi kong andito sila Kuya Miguel at Ate Yen eh sabi nya susunduin na lang daw nya ako. Tss. Sweet din naman pala ang kumag. After siguro mga 10 minutes eh dumating na din si Zeke.
"Ow, may isa pang hot Fafa. Hello Sir!" Bati ni Inggo.
Paglingon ko si Zeke pala yung sinasabi nya. Nakangiti lang ito. Nakipagkamay kay Kuya Miguel tapos Beso kay Ate Yen then kiss sa akin. Sus! Pretender! Hmmmn.
"Aw. Boyfie mo na pala sya Madame." Sabi ni Inggo habang binoblower ang buhok ko.
"Actually, hindi ko sya boyfriend." Ako
"Huh? Ano mo si hot fafa?" Inggo
"Haii Inggo, taken na to" turo ni Ate Yen kay Zeke " Pinsan sya ni Miguel at asawa ni Tam."
"Huuuuwwaaaatttt???? Bakit maagang nauubos ata ang mga fafabols??" Inggo "anyway, bagay naman kayo kaya keri na lang. Ay teka, baka mamaya may junakstra na kayetchii??"
"Wala no. Wala pa kaming baby." Ako
"Nagawa pa lang." Sabi ni Zeke. Ket kelan talago tong lalaking to. Napakabipolar. Natawa na lang tuloy si Inggo at mga tao sa parlor sa sinabi ni Zeke.
So nung matapos kami eh binayaran ko na pati na rin yung kay Ate Yen. Ayaw pa nga sana nya kaya lang napilit namin ni Zeke. Nakakahiya naman kasi. Then nagdinner kami. After naming magdinner eh naggrocery muna kami then umuwi na kami. Ngayong araw na 'to, first time ata naming gumalaw na parang magasawa. I mean, nung makaalis sila Ate Yen at Kuya Miguel. Siguro, nagkaroon kami ng acting hangover.
Sila Ate Yen at Kuya Miguel, nakakainggit ang samahan nila. Hindi sila sweet na typical, madalas nga silang magbarahan eh pero kita mo pa rin na mahal na mahal nila ang isa't isa. Ako kaya? May pagasa pa bang makakita ako ng ganung pag-ibig? Haiii. Tama na nga. Naloloka na lang ako sa kakaisip. Haii, Tamie, snap it out. Go back to reality. You are temporarily married. Act what your husband is asking. Eto lang naman ang role at magiging role ko. Haiiii.
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?