CHAPTER 43

4.1K 55 1
                                    

Zeke's POV

Buti na lang at maaga na kami pinauwi ngayon. Dibdiban na yung practice namin at etong si Cyrus, pinagpalit na nya talaga ang asawa ko sa pagiging varsity nya. Hindi ko alam ang dapat kong isipin. Dapat ko bang ipaglaban pa si Tamie? Mukhang malapit na rin naman sila sa isa't isa. Eto namang si Tamie, hindi nagsasalita, para kaming bumalik sa simula nung kinasal kami. Alam ko may kasalanan ako, yung nakita nya kami ni Heleyna kitang kita ko kung gaano sya nasaktan nun, pero parang ngayon, wala na lang sa kanya.

"Manang, anjan na po ba si Tamie?" Ako

"Naku, wala pa. Halika meryenda ka muna." Manang

"Sige po." Ako

Sa totoo lang namimiss ko na rin naman yung asawa ko. Antagal na naming hindi nakakapagusap. Hindi na rin pala kami nakakauwi, Nako! siguradong tampo na si Mama. Yayayain ko na lang pala umuwi si Tamie sa weekend. Haii nako, kelan kaya matatapos ang problema ko kay Heleyna. tsss.

Kailangan ko nga siguro pakinggan ang asawa ko sa nangyari sa kanila ni Patrick para maipaliwanag ko din ang sa amin ni Heleyna.

Narinig kong may nagdoor bell at binuksan naman ni Manang. Dinig na dinig ko naman yung pinaguusapan nila.

"Oh, Cyrus, napadaan ka. Halika pasok ka muna, magmeryenda ka muna." Manang

"Ah, anjan po ba si Tamie?" Cyrus

"Nako wala eh, kanina pa nga umalis eh." Manang

"Ganun po? Saan kaya yun nagpunta? Wala silang klase ngayon eh, wala din naman sya sa school. Tsk. Hindi na naman nagpaalam." Cyrus

Walang klase sila Tamie? College week nga pala nila. Tsss. Talagang alam na alam nya ang schedule ng asawa ko. At kailangan sa kanya magpaalam???

"Nako, hindi ko alam hijo eh. Dala nya yung kotse nya." Manang

"Ah ganun po ba? Sya sige po uuna na ako. pakibigay na lang po to kay Tamie. pasabi po, basahin nyang mabuti. Ge po manang." Cyrus said then he left.

Pagpasok ni Manang, itinanong ko kung ano yung ibinigay ni Cyrus.

"Manang ano yang pinabibigay ni Cyrus?" Ako

"Sulat eh. Eto oh. Ikaw na magbigay sa asawa mo ha? Mamamalengke pa ako, wala na tayong kakainin jan." Manang

"Ah, osige po. Eto po pala ang pera." Ako

"Nako, nabigyan na ako ng asawa mo kanina, nagpapabili pa nga ng mangga eh. Sige una na ako." Manang

Umalis na si Manang. At naiwan ako kasama yung sulat na binigay ni Cyrus. Ano naman kaya ito? love letter?? Psssh.

Pag tingin ko sa harap ng sobre,

The Medical City OB-GYNE Department

Dra. Kimberly Po, MD

Rm. 5570

Mrs. Tatiana C. Santiago

Laboratory Results/ Pregnancy Findings

Pregnancy Findings? Galing sa ospital? Hindi ko naman sana bubuksan eh kaya lang natempt ako dahil sa mga nakalagay sa sobre. Only to find out a bold lettered word that made me more confused.

POSITIVE

Buntis si Tamie? Kelan pa? At sa pagbabasa ko ng Papel na kasama nung sobre, nalaman kong she is 14 weeks pregnant. 14 weeks? That's more than fucking 3 months! Tapos hindi nya sinasabi sa akin? Ano ba ako dito? Diba ako ang asawa nya? I should be the one to know! Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Mixed emotions. Oo, masaya naman ako pero natatakot din ako. Maraming pumapasok sa isip ko at hindi ko kayang idigest lahat lahat. Naiinis ako na si Cyrus ang may dala nung sulat. Meaning alam na nya, at talagang nauna pa syang malaman ito sa akin? Tsss. This makes me crazy!

I patiently waited for Tamie to come. Nirerelax ko ang sarili ko. Hindi ko sya dapat biglain. Kailangan magkalinawan kami at magkausap ng maayos. Nung marinig kong may nagpark na kotse eh sinilip ko mula sa bintana. Dumating na nga si Tamie. Pero nawala ang ngiti ko nung marinig kong masayang nakikipagusap sya sa telepono nya

" Aiii nako Cy, wag ka nang magalit. Okay naman kami ni baby, andito na po kami sa bahay at promise ko, after ko uminom ng vitamins at gatas eh magpapahinga at matutulog na po ako. Wag ka nga jang paranoid Cy. Okay lang kami ni Baby. Naaliw lang ako sa mall kanina." Tamie

"Yes Sir! Goodnight! See you tomorrow!" Dagdag pa nya.

Then she hanged up. Alam ni Cyrus ang pagbubuntis nya? Aba! Buti pa kay Cyrus at nagpapaalam sya, ako na asawa nya, matyagang naghihintay tapos sa iba, ganun ganon na lang?? Sa halip na maexcite akong magtanong sa kanya, nagagalit ako. Inis na inis ako. Ano bang meron sa kanila ng Cyrus na yun??? Umupo ako sa gilid ng couch habang hawak yung lab results nya. Halos macrumpled na yun.

Nung pumasok sya, binigyan nya lang ako ng isang sulyap. Pag si Cyrus, pwede nyang itabi sa kama nya ako sulyap lang ang pwede??? tsk. Pigil na pigil ako sa galit ko. Ayokong syang saktan dahil buntis sya.

"Tamie. Let's talk." Pilit na mahinahon kong sabi. I tried so hard to stay calm pero naiinis talaga ako.

"May sasabihin ka ba Zeke?" kalmadong sabi nya. Talagang nakaya nya pang kumalma?! Argg!

"When are you going to tell me you are pregnant?" Sabi ko then I threw the lab results

Tumahimik lang sya. Galit na galit na ako. Gustong gusto ko nang manakit ng tao. Hindi sya nagsasalita. Wala ba akong karapatang malamang buntis ang sarili kong asawa?! Bullshit! Antagal kong hinintay na magsalita sya, nagdidilim na ang paningin ko. Galit na galit na ako.

"Sa akin ba yan?" tanong ko ulit.

"Anak ko ba yang pinagbubuntis mo?" Tanong ko ulit nung hindi pa sya sumagot. It took her a while bago nya maibuka ang bibig nya. Then she smiled. A painful smile.

"So you are thinking kung sa'yo to?" tanong nya while tears keep flowing from her eyes.

Natakot ako nung makita ko syang umiyak. Ano ba ang dapat kong gawin? She cried harder. My anger cool down. Nasasaktan din akong makita syang ganito. Hindi ko intensyon na paiyakin sya. Galit na galit lang talaga ako.

"Hindi ko alam na hanggang ngayon, ganan pa rin pala ang tingin mo sa akin. Of all people, of all Zeke, ikaw dapat ang may alam na hindi ako ganun. " I said in between my sobs. Iyak pa rin ako ng iyak.

"Pero sige, to give you peace, hindi mo anak ito. Marami rami din akong naging lalaki eh. Hindi ko nga alam kung sino sa kanila ang nakabuntis sa akin. O baka yung janitor sa school? o yung guard? Sorry, hindi ko kasi talaga alam kung sino sa kanila ang ama ng anak ko. Pero don't worry, hindi ikaw."

"Zeke I'm really sorry for our marriage. Sorry to make your life miserable. I'll give you your peace from now on." She ran to her room.

Tama si Tamie, ako ang dapat makaalam. I was the first man. And I know, I am the only man. ano ba tong mga pinagsasasabi ko?

Hindi ko alam ang gagawin ko. Pipigilan ko ba sya? o Hahayaan ko syang umalis? Anak ko ba ang pinagbubuntis nya? Hindi ko alam. Isa lang ang malinaw sa akin ngayon, I don't want to see her move out of our house. Parang ansakit. Parang napakabigat sa puso. I have so many things in my plate now.Hindi ko na alam ang uunahin ko. I need alcohol. I need to fix myself bago kami magusap ulit. Hindi pwede na pareho kaming naguguluhan.


A/N: TAMIE

A/N: TAMIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Love That Started In A Gym Dug OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon