CHAPTER 49

4.7K 65 0
                                    

Zeke's POV

Kahapon yung last day ng Practicum ko. At ngayon andito ako sa kwarto ko, magisang nakahiga. Miss na miss ko na si Tamie. Namimiss ko na ang kasweetan nya. Ang kapeng timpla nya. Ang pagngiti nya kapag may naiisip syang kalokohan.  Ang simpleng ayos nya at messy look nya kapag andito sa bahay. Ang mga kakulitan nya. Ang maganda nyang boses. Ang mga nakakatawa nyang gestures. Ang mga kapilyahan nya. Ang mga pagaasikaso nya. Ang pagmamahal nyang binaliwala ko. Ang mga halik nyang puno ng pagasang mamahalin ko. Miss na miss ko na ang asawa ko.

Kung bakit ba kasi hindi ako nagiisip. Pinagselosan ko pa si Cyrus, pinsan naman pala nya. Sabi ni Cy, pinatawad nya na daw ako sa ginawa ko pero kailangan ko daw paghirapan si Tamie. Kaya ayun, ayaw nyang sabihin kung asaan. Madalas nga nyang puntahan si Tamie tapos kinukwento nya na lang sa kin yung itsura ni Tamie. Sa gabi, nagkakasya na lang akong isipin yung mga kwento ni Cyrus. Si Chester, nagsorry na rin sa akin. Hindi raw talaga alam ni Tamie yung pagkikita nila ni Patrick. Sinet up lang daw nila si Tamie para makita ko, ayaw raw kasi sa akin ni Chester pero okay na kami ngayon.

***Cyrus Yu Calling***

Zeke: Par..

Cyrus: May regalo ako sayong gago ka.

Zeke: Ano? Sasabihin mo na ba kung nasan ang asawa ko?

Cyrus: Hahahaha! Nagpapatawa ka ba?! Asa ka! Hahaha

Zeke: Par naman eh.

Cyrus: Ano na? Magugustuhan mo yun! Tingnan mo na lang sesend ko sayo! haha. May you live in hell forever. Magsisi ka! Bwahahahahaha

Then he hanged up.

I waited for his gift and he sent me something that me me happy. A picture of my wife, smiling and pregnant. Talaga tong si Cyrus, hindi pa ginandahan ang pagkuha. Blurred but my heart knows it is my wife.

A/N: TAMIE'S RECENT PIC

Mula nung umalis sya, araw araw ko pa rin syang hinahanap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mula nung umalis sya, araw araw ko pa rin syang hinahanap. Araw araw nakikiusap ako sa mga kaibigan nya na sabihin sa akin kung nasaan sya. Madalas din akong na kina Ate Tanya. Nakikibalita na lang ako kung kamusta si Tamie, minsan nga nung kausap nila, narinig ko yung boses ni Tamie, sobrang saya ko. Nagsisi na talaga ako. Anlaki laki ng kasalanan ko.

Bumangon na ako para maghanda. Pupunta ako kila Ate Tanya. Ipapasyal ko ang mga bata sa mall. Si Calyssa, hawig na hawig nya si Tamie. Kapag tuloy nakikita ko sya, natutuwa ako. Ano kaya ang magiging anak namin ni Tamie? Excited na din ako pero sana mabigyan ako ng chance na makita sila. Pagdating ko kila Ate Tanya eh nakaayos na ang mga bata. Maghapon kaming naglibot sa mall. Sa kanila ako bumabawi habang wala pa si Tamie. 

"Tito Daddy, do you really love Mommy Tamie?" tanong ni Carmela habang kumakain kami sa isang fast food. Pauwi na kasi kami mamaya maya.

"Ofcourse Mela. I do love your Mommy Tamie." ako

A Love That Started In A Gym Dug OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon