Zeke's POV
Mejo matagal na rin kaming magkasama ni Tamie. Well, so far okay naman. We are both used to being wife and husband at home. Sa school, wala kaming pansinan. Para kaming strangers. Hindi rin kami nagsasabay sa iisang kotse. Gamit nya ang kotse nya tapos ako, gamit ko kotse ko. Okay naman kami sa set up. And as usual, ako pa rin ang nagluluto. Hindi kasi sya matutotuto eh. At hanggang ngayon my father's words are still bugging me. Maybe, I really need to know her more. Andito kami ngayon sa gym at nagpapractice. May exhibition game daw kami sa foundation week.
"Mga Par! Andun pala si Miss Beautiful sa may stage! Shet! Par, tingnan mo nga kung okay ako? Gwapo ba ako? Kukunin ko yung number. Wala kaseng pakinabang tong si Zeke, tagal na kasama nung napunish di man lang nahingi ang number." Vince
"Tumigil ka nga jan Vince!" Ako
"KJ mo Zeke." Vince
"Par, yung nakadress na violet ba yung crush mo? Par, shet. Talo talo na to! Type ko din yun Par. Ang ganda." Andrew
Nakakainis kasi itong si Tamie. Kung magdamit at mag ayos akala mo eh dalaga pa. tsk. Lagi na lang nakadress na maikli. Pagsasabihan ko nga to paguwi sa bahay. Tingin ko tama si Papa, kailangan ko syang kilalanin para magkasundo kami.
"Par, ansama ng tingin mo ah? Gusto mo rin ba yun?" Mateo. Hindi ako nagsalita.
"Par, tingnan nyo si Cy. Dumadamoves na agad. Nakikitulong sa PAC. Wahaha. Par, talo tayo ni Mr. Silent type oh." Andrew.
Nakita ko ngang tinutulungan ni Cyrus sila Tamie na magdala nung mga gagamitin siguro nila sa practice. Tsss. Nakakakainit talaga ng ulo kapag lumalapit si Cy sa asawa ko. Tsss. Hindi ko alam kung anong meron sa loob ko pero nagiinit talaga ang ulo ko kapag nilalapitan si Tamie ng ibang lalaki. Nakakakainis naman tong si Tamie na hinahayaan na lang na lapitan sya ng ibang lalaki. Arggg.
Buong maghapong hindi ako makapagseryoso sa practice dahil sa irita ko sa mga umaaligid kay Tamie. Lalong lalo na si Cyrus. Tsss. Gustong gusto ko tuloy sabihin na asawa ko na si Tamie so hands off na sila pero hindi pwede. Tss. Eto na nga ata ang sinasabi ni Papa.
Past 6 na nung makauwi ako at wala pa si Tamie. Tsk. Anu na naman kaya ang pinagkaabalahan nun?! So nagluto na ako ng dinner. Pag check ko ng orasan, 9pm na. Kaya pala nagugutom na ako. Kaya ayun, hindi ko na nahintay at kumain na ako. Past 10 eh umakyat na ako sa kwarto at nagbihis. Nanood ako ng mga palabas sa TV. Napaidlip na ako. Nalimpungatan ako nung makarinig ako ng kotseng kakaparada lang. Pag tingin ko sa orasan, it's past 3 am. Nakakainis na tong si Tatianang to.
She quietly opens the door. Tapos nung binuksan nya ang ilaw,
"Saan ka galing?" Ako
"Bar" Casual nyang sabi
"At this time? Ngayon ka lang umuwi! Para kang hindi babae!" Ako
"Bakit? Lalaki lang ba ang pwedeng umuwi ng umaga? Tss. Sige na Zeke, tutulog na ako." Sabi nya ta tutuloy na papunta sa kwarto nya.
Wala na akong nagawa. Nakakainis talaga tong babaeng to! Laman na naman ng mga bar. Akala ko pa naman tumigil na sya. Sa ilang buwan naming pagsasama mula ng encounter namin, hindi na sya nagbabar, at ngayon pa nya napili ha. Arggg. Bukas, humanda sya sa akin.
Tamie's POV
After magassign ng kanya kanyang gagawin namin para sa foundation day eh pinauwi na rin kami ni Ma'am Castro. Nasa parking na ako nung yayain ako ng mga kaibigan ko.
"Hey Tam!" Patchie
"Yes Patch?" Ako
"Tara bar tayo. May bagong bukas dun sa malapit sa condo ko." Patch
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?