Tamie's POV
"Anyway, who's up for dinner? I am hungry. And Imma celebrate our Tam's successful portrayal of Maria Clara." Papa
"Oonga naman. Nagutom ako sa pagiyak. Dali na anak, let's go and celebrate. I bet, you are also hungry, hirap ng ginawa mo no?" Mama
I just smiled at them and nod. Mabilis kong inayos ang gamit ko at sumama sa kanila. Sabi ko susunod na lang ako sa kanila. Ayaw pa sana ni Papa kasi nga gabi na pero syempre napilit ko din. Paano naman ang kotse ko diba? Pagdating namin sa restaurant eh naiwan muna kami ni Mama sa table. May kakausapin lang daw si Papa. At sa sobrang saya ko kanina eh hindi ko na natanong ang rason kung bakit ko sila magiging Mama at Papa.
"Ma, si Zeke nga po pala? Asan po sya?" Ako
"Aynako anak, hindi nga namin alam. Pero sabi naman nya eh susunod sya." Mama
"Ah ganun po ba?" Ako. Well, kahit masaya ako, nalungkot din ako sa pagiisip na hindi talaga ako gugustuhin ni Zeke.
Pwede bang ibargain ko na lang na pwede ko silang maging Mama at Papa kahit hindi ako pakasalan ni Zeke? Haiii. I can clearly see what will happen kung matutuloy ang kasal and my only prize for being wedded to him is this wonderful couple who'll gonna be my parents.
"Hija, pagpasensyahan mo na ang anak ko ha?" Mama
"Po? Okay lang po yun Mama." Ako then I sighed.
" Ma, may sasabihin po ako sa inyo." Then I sighed again
"Ano yun anak?" Mama
Kita ko sa kanya ang pangunawa kahit wala pa man akong sinasabi. How I wish I could have a mother like her. Someone who'll gonna spend couple of minutes trying to talk to me. Who would be wasting their time to watch their daughter's play. Gusto ko talaga syang maging Mama. Pero I cannot let Zeke suffer too. Bitch lang naman ako pero may puso din naman ako. I would be lying if I'll say I don't want to get married dahil gusto ko, gustong gusto. Baliw na nga ata ako sa kakaconvince sa sarili ko na ituloy ang kasal. But my conscience speak otherwise, kaya habang matino pa ang isip ko, I need to free him.
I sighed again. "Totoo pong walang nangyari sa amin ni Zeke. Kaya po may dugo sa palda ko kase po nagkaron ako nung gabing yun. Totoo po lahat ng sinabi ni Zeke na ginawa nya lang yun kase kailangang kailangan lang po. He just tried to be a gentleman." Then tumungo ako. Nahihiya ako.
"Tam? Hey chin up hija. Cmmon." Mama
"Sorry po. Hindi ko lang po talaga kayan pigilan ang gusto ng parents ko.Sorry po" I said while my I humbly bow down.
"Hey, Tamie, hija, c'mmon look at Mama. I'll be telling you something too." Then I looked up and reach her eyes
"Alam ko naman na walang nangyari. Even your parents. Alam nila. We just wanted you to be our daughter-in-law ikaw ba? Ayaw mo?" Mama
"Po?" Naguluhan lang talaga ako sa sinabi nya. Alam pala nilang walang nangyari, bakit pinipilit nila?
"Ipinaexamine ka namin and we learn na wala naman talagang nangyari. The truth is, we just want to protect the two of you. Maari kasing somebody tricked this kaya kayo nalock. Hija, you must understand that you came from a wealthy influencial family, so as my son and your credibilities are at stake. Sabi ng parents mo, if you'll not going to marry Zeke, mapipilitan silang isama ka na lang sa States. Would you like that to happen?" Mama asked
I wiggled my head. Ayoko. Ayoko sa States. Ayokong kasama sila. Lahat na lang ng ikikilos ko dun eh bawal.
"I appreciate you telling me the truth. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa'yo. Also, I want to be very honest to you too. Our family business is losing. Mahina na ang agriculture sa Nueva Ecija dahil sa sunod sunod na bagyo at unti unti nang bumababa ang harvest namin. Our furniture business is also declining. Your Dad offered us a good deal. He said that if Zeke marry you, we could be the sole dealer of furnitures in your hotel and resort chains. He would also be helping us with financials. Nahihiya nga ako sa'yo. We are being selfish at parang ginagamit ka namin. Pero Tam, importante sa asawa ko ang negosyo nya dahil minana nya yun. Sya rin ang nagpakahirap magpalago nun. Ayoko sanang mawala yun dahil alam kong malulungkot ang asawa ko pero we cannot push you."
Napatungo na lang ako. Sabi ko na nga ba. Hindi naman papayag sa kasalan ang Daddy ko kung wala kaming mabebenefit dito. Sa bagay, isa lang naman ang patutunguhan nito eh. Ipapakasal pa rin ako. Kung hindi kay Zeke, marami pa naming ibang choice si Daddy. Funny. Kanina lang ang saya ko, ngayon nadissapoint naman ako. Kaya pala ganun na lang ang parents ni Zeke akala ko pa naman genuine yung kanina. I am so gullible. I am so pathetic. At hindi ko na namalayan pang tumulo na ang luha ko. Naiiyak ako kasi akala ko, may magmamahal na sa akin ng totoo. Yung hindi dahil sa pera ng magulang ko.
" Pero please, don't think na we are doing this for business. I like you. I really do. Kung pwede nga lang ampunin na lang kita. I want you to be my daughter. Believe me hija. Kung ayaw mo naman talaga magpakasal, it's okay. We can call it off. 2 months pa naman eh. Pero pwede ba na Mama mo ako? Pwede bang ako muna ang Mama mo habang wala pa ang totoo mong Mommy?"
Tumingin ako sa kanya at kita ko ang sincerity sa mata nya.
"Hey, bakit ka umiiyak. Please Tam, don't cry. Nasasaktan si Mama." Mama while she hugs me.
I don't know but what she is doing makes me home. I can feel comfort in her hug. I can feel a mother. I can feel my hearts contentment.
"Tamie, ayaw mo ba talagang makasal sa anak ko?" Mama
"Mama, hindi naman po sa ayaw ko, pero paano po sya? May iba po syang mahal." Ako
"Ikaw? Ayaw mo ba? Ayaw mo ba akong maging Mama?" Mama
"Mama, gusto po. Gustong gusto ko po pero si Zeke po---" Mama cut me
"From now on, this will remain a secret. Ikaw ang gusto ko sa anak ko. And in time, Tamie, mamahalin ka rin nya. Okay? So tuloy ang kasal ha? Mama mo pa din ako ha?" I just nod as an answer.
Gusto ko rin naman silang tulungan. Kung ako lang ang way para maisalba nila yung business nila then go. After couple of minutes ay dumating na sila Papa at Zeke. SI Zeke halata mong irritable. Ayaw nya talaga siguro akong makita, pero para kay Mama at Papa, papayag ako magpakasal. After the dinner ay pinilit nila Mama at Papa na ihatid ako ni Zeke gamit ang kotse ko. Tahimik lang kami buong byahe. I just wonder, can I deal with that silence throughout my life?
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?