CHAPTER 45

4.3K 60 1
                                    

Tamie's POV

Kinabukasan eh maaga na silang nagsiuwi. Nagkaiyakan pa nga kami nung nagpapaalaman kami. Nagpromise na lang ako sa kanila na kokontakin ko sila kung saan man ako magpunta. I packed my things already. Ready to go na ako. Sa halip na magdrive, nagpahatid na lang ako sa dati naming driver papuntang Nueva Ecija. Ayokong maPagod ng husto, makakasama yun sa baby ko. Pupunta lang ako dun para magpaalam at humingi ng tawad tapos , aalis na ako ng bansa. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Andami kong ticket. Hindi ko alam kung saan ako matutuloy.

Mahaba ang byahe at nakatulog lang ako. Nagising ako nung makita ko na ang arko ng Nueva Ecija. Hindi ko namalayang tumulo na pala yung luha ko, ito na siguro ang huling pagpunta ko dito. Sayang, hindi mararanasan ng anak ko kung gaano kasarap mamuhay dito. Hindi nya na makikita kung gaano kaganda ang lugar na ito at kung gaano kasaya ang mga tao dito. Sa tarangkahan pa lang ng hacienda, napakabigat na ng loob ko. Ito na ang huling pagpasok ko sa lugar na itinuring kong paraiso. Ang lugar kung saan umasa akong balang araw, mamumuhay akong masaya dito kasama ang pamilyang inaasam ko. Hindi na yun matutupad. Maswerte na lang ako at naranasan ko pa. Hindi ko kalilimutang sabihin sa anak ko kung gaano kabuti ang pamilya ng ama nya na sana balang araw, kapag nakita nila ang anak ko, yakapin din nila ito. Sana lang talaga maging kamukha ni Zeke yung anak ko, baka sakaling matanggap sya ni Zeke. Sana.

Ipinatigil ko muna kay Manong Jun yung kotse bago kami pumasok sa mansion. Kinalma ko muna ang sarili ko. Hindi dapat ako umiyak. Kasalanan ko naman kasi lahat ito. Nung makalma na ako, huminga ako ng malalim atsaka lakas loob na pumasok sa mansion.

"Tamie?! Anak! Grabe namiss kita. Antagal nyong hindi nakadalaw, busy ba kayo? Halika halika, nako, wala pa naman ang Papa nyo. Asan na si Ezekiel? Naku, makukurot ko ang batang yan. Namiss ko talaga kayo." Mama

Ayaw kong umiyak. Pinipigil ko talaga pero hindi ko kaya. Umiyak na ako at inakap ko si Mama.

"Hija? Tamie? Bakit ka umiiyak? May problema ba?" Mama

"Ma, pwede po bang duon tayo magusap?" Ako sabay turo dun sa paborito kong lugar dito sa kanila.

Nung makarating kami sa hut swing, hinawakan ko ang kamay ni Mama at pilit na ngumiti.

"Ma, alam nyo po, masayang masaya akong naging parte ng pamilya nyo. Alam nyo po, kayo ang tumupad ng lahat ng dasal ko.Salamat po sa lahat lahat. Mama, hinding hindi ko po kayo malilimutan. Kayong lahat dito. Maraming maraming salamat po Mama. Mahal na mahal ko po kayo ni Papa." Hindi ko na napigil ang luha ko.

"Mama, alam mo ba kung gaano ako kasaya nung makita kong pinanuod nyo ako dun sa play? Ma, first time ko po yun. Wala pang naglalaan ng panahon nila para manuod nung non-sense na play na yun, kayo pa lang. Salamat sa mga ganitong pagkakataon na nakikinig kayo sa akin kahit yung mga kwento ko, walang ka kwenta kwenta. Mama, maraming salamat po." Then I cry harder.

"Anak, Tamie, wala kang dapat ipagpasalamat. Mama mo ako diba?" Mama pats my shoulder gently. I'll definitely miss this.

"Mama, sorry po. Selfish po ako. Dahil sa kagustuhan kong maranasan lahat yun, hinayaan ko na makasal kami ni Zeke. Sorry po. Dapat gumawa ako ng paraan para hindi kami makasal. Sorry po Mama." Ako while I am crying

"Tamie, may ginawa ba sa'yo si Zeke?" Mama

"Wala po. Nahihiya na nga po ako sa kanya. Pinipilit nya yung sarili nya sa akin. Ma, alam mo po, mahal na mahal ka ni Zeke, at kahit sukang suka na sya na makita ako araw araw, pinipilit pa rin nya po ang sarili nyang ituring akong asawa. Kasi yun yun ang gusto mo po diba? Mahal na mahal po kayo ni Zeke, wag po kayong magagalit sa kanya." Ako

"Ano bang sinasabi mo Tamie?" Mama

"Ma, maghihiwalay na po kami ni Zeke. Hindi po tama na maging selfish ako. Hayaan na po natin syang maging masaya. Nagpakabuti na po syang anak sa inyo. Yung dun po sa business nyo, wag po kayong magalala. Hindi na po yun maipupull out ng Daddy ko. Kung kailangan nyo po ng tulong, andito pa din po ako. Tutulungan ko pa din po kayo. Ma, sana mapatawad nyo ako. Napakaselfish ko po." Ako then Mama hugged me

"Hindi ka selfish Tamie. Kailanman, hindi ka naging selfish. Nahihirapan ka na ba? Sorry. Kasalanan namin, pinilit pa namin kayo dito. Wag mo isipin yung negosyo,wala yun kumpara sa inyo." Mama cried

"Ma, wala ka pong kasalanan. Wala po kayong kasalanan ni Papa. Ako po ang may kasalanan. Dahil sa mga ginawa ko kaya nangyari ito. Kung hindi ko binato si Zeke ng bola, hindi kami mapaparusahan, hindi kami malolock sa dugout at hindi mangyayari ito. Pero Ma, ito ang pinakamasayang parte ng buhay ko. yung naging parte ako ng pamilya nyo kahit saglit lang. Masayang masaya ako Mama." Sabi ko while hugging her tight.

"Tamie.." Umiiyak pa din si Mama

Kumalas ako sa pagkakaakap sa kanya then I wipe off her tears.

"Ma, wag ka nang umiyak please? Smile ka na. Alam nyo po, napakabuti nyo po. Napakaswerte ng babaeng mamahalin ni Zeke, napakaswerte ng taong magiging parte ng pamilya nyo. Sayang, hindi ako yun. Pero maswerte na rin po ako na minsan, naging parte ako ng pamilya nyo. Ma, wag po kayong magagalit kay Zeke ha? Kung magagalit kayo, dapat po sa akin. He loves you so much Mama." Ako

Tahimik lang kaming dalawa habang pareho kaming umiiyak. Tinatanaw ko yung lugar kung saan naging masaya ang puso ko. Hindi ko na ulit makikita to kaya kailangan eh sauluhin ko na ito. After siguro 10 minutes na tahimik lang kaming umiiyak eh nagpaalam na ako.

"Mama, aalis na po ako. Magiingat po kayo ha? Alagaan nyo po yung sarili nyo. Mahal na mahal na mahal ko po kayo." Tapos tumalikod na ako.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko at bumalik ako.

"Pwede ko po ba kayong akapin sa huling pagkakataon?"........

" Mama?" then we hugged each other like we don't want to go of what we have for the moment. I just wish, I can stay a little longer, pero hindi na pwede. Lalo akong mahihirapang umalis. So pagkatapos ko syang akapin, hindi na ako lumingon pa.

Sabi ko kay Manong Jun, hintayin nya na lang ako sa labasan. Nilakad ko na lang ang papalabas ng hacienda. Mamimiss ko tong lugar na 'to. Ang lahat lahat ng andirito. Kasamang maiiwan sa lugar na'to ang puso at pangarap ko.


A/N: TAMIE HUGGING MAMA

A/N: TAMIE HUGGING MAMA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Love That Started In A Gym Dug OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon