CHAPTER 34

3.8K 59 0
                                    

                  

Zeke's POV

Mula nung malaman ni Cyrus ang totoong sitwasyon namin ni Tamie eh parang mas lalo silang naging close. Kapag ginagabi ako ng uwi, naaabutan ko si Cyrus na sinasamahan ang asawa ko. Naiinis ako kapag nakikita ko syang kasama si Tamie pero hindi ko naman magawang magalit dahil wala namang nagbabago kay Tamie. Hindi naman kasalanan ng asawa kong maging ganoon ka attractive.

Andito kami ngayong makakabarkada sa isang bar. Nagcecelebrate ng birthday ni Andrewng babaero.

"Par! antanda mo na! hahaha." Vince

"Onga Par! 21 ka na! Pwede ka ng magasawa." Mateo

"Par, sorry late ako. May dinaanan lang ako. Happy Birthday Par!" Masiglang bati ni Cyrus

"ba, nagbabago ka na. Masayahin ka na ulit Par? Nakahanap ka na ba ng babae?" Andrew

"Loko! Hindi ako kagaya nyo. Tara inom na lang tayo. happy birthday Drew!!!" Cyrus

After some time eh nag punta na sila Andrew, Vince at Mateo sa dance floor. Naiwan naman kami ni Cyrus.

"Nagpaalam ka ba kay Tamie na andito ka?" Cyrus

"Sinabi ko kanina." ako

"Wala si Manang Rosa, magisa si Tamie sa bahay nyo. Sana 'wag kang magpagabi at hayaang magisa si Tam." Cyrus then umalis sya to accept a call.

Dumating naman si Mateo.

"Par, san punta nun?" Mateo

"Ah, sasagutin lang yung tawag nya." ako

"Grabe Par no? Parang lately, nagiging okay na si Cyrus. Palagi naman din syang hindi nakakasama sa paglabas namin gaya mo. Well, ikaw naiintindihan namin kase nagpapakabuti kang boyfriend kay Tamie, pero yang si Cyrus, ewan ko kung sinong babae ang sinusuyo nya. Araw araw na lang yang may dalang chocolate eh. Tinatanong nga namin kung sino eh, pero ayaw naman sabihin." Mateo

"Anong chocolate?" Ako

"Yung black chocolate. Ewan ko sa babaeng type nya, ediba mapait yun?" Mateo

Black Chocolate??? Eh, andaming ganun sa ref namin eh! Gago tong Cyrus na 'to ah?! Pinopormahan ba nya si Tamie?? 

"Pero, anlaki ng naging pagbabago kay Cy no? Well, kung sino man yung babae, dapat tayong magpasalamat na okay na yung kaibigan natin." Mateo

Dapat magpasalamat na inaagaw nya na ang asawa ko?? Bwisit. At sa inis ko eh umalis na ako sa bar. Nagiinit ang ulo ko sa mukha ni Cyrus. Pagdating ko sa bahay, nakita kong nasa sala si Tamie nakaupo sa sahig at may kung anong ginagawa sa laptop nya. And I saw the chocolate Cyrus has been giving her. Kinakain nya yung bwisit na tsokolateng yun habang busy sa ginagawa nya.

"Hi Honey. Ang aga mo ata? diba sabi mo late ka makakauwi." Bati ni Tamie na nakangiti.

"Pagod kase ako kaya umuwi na ako." sabi ko

"Ah, okay, kakain ka pa ba?" Tamie

"Hindi. Matutulog na ako." Tumalikod na ako. 

Mas nagagalit ako, talagang kinakain nya pa yung binibigay ni Cyrus?! Bukas na bukas bibilihan ko sya ng marami. 

"Nga pala, kanino galing yang chocolate na kinakain mo? Andami nyan sa ref." Ako

"Ah, eto? Kay Cy. Favorite ko kasi to eh. Nakakatuwa nga, lagi nya akong binibigyan. gusto mo ba?" Tamie

Hindi na ako sumagot bagkos umakyat ako sa kwarto. Porke't wala ako, nageentertain na sya ng iba? Paano na lang kung kailangan ko umalis at matagalan ako ng balik? Eh baka siguro iba na ang kasama nya sa bahay. Tsk tsk Siguro nga, hindi na talaga mawawala kay Tamie ang kalandian nya.

Tamie's POV

Sabi ni Zeke kanina, gagabihin daw sya ng uwi dahil birthday ni Andrew. Mejo sumaya ako kasi nagpaalam na sya ulit. Matagal na rin syang hindi nagpapaalam kung saan sya pumupunta. Nasasaktan ako pero ano nga bang magagawa ko diba? Ginusto ko to eh. Para sa pamilyang ginusto kong magkaroon, para sana may taong makakasama ko. Haii nako, tama na nga ang drama. Magsasaulo na lang ulit ako ng lines ko. Excited na excited talaga ako sa Burlesque. Nakaschedule kasi yung show nun sa 1st anniversary namin ni Zeke. Tuloy, napakahalaga sa akin ng December 20. 

"Hi Honey. Ang aga mo ata? diba sabi mo late ka makakauwi." Bati ko kay Zeke nung makita kong nakauwi na sya.

"Pagod kase ako kaya umuwi na ako." Zeke. May problema kaya sya? He'd been getting colder towards me nung mga nakaraan.

"Ah, okay, kakain ka pa ba?" tanong ko na lang

"Hindi. Matutulog na ako." Tumalikod na sya at paakyat na. Gusto ko nang umiyak, miss na miss ko na sya eh, pero nagsasawa na siguro sya sa akin.

Dati rati, kahit pagod sya sa practice, hahalik yan at yayakap. Mangangamusta kung anong nangyari sa araw ko at magababanta sa mga lalaki daw na nalapit sa akin. Maski pa ba pawisan sya at pilit kong itinutulak ay gagawa at gagawa yan ng paraan para mayakap ako. Nakakalungkot ng puso, alam ko, malapit nya na ako iwan.

"Nga pala, kanino galing yang chocolate na kinakain mo? Andami nyan sa ref." tanong nya.

"Ah, eto? Kay Cy. Favorite ko kasi to eh. Nakakatuwa nga, lagi nya akong binibigyan. gusto mo ba?" alok ko. Pero hindi na sya sumagot.

Haii, ansakit naman nun. I just smile, kailangang tatagan ko ang loob ko. Siguro nga, nagsasawa na sya sa akin. Alam ko, wala akong karapatang magreklamo. Wala kaming clear na usapan sa relasyong ito. Sabi nga ni Zeke, we'll work this out, pero siguro, he just really can't, we can't. Hindi nya ako kayang mahalin at hindi ko magawang mahalin ako ni Zeke. Maybe, malapit na ulit akong bumalik sa dati. Sana lang kayanin ko. Pero kakayanin ko kahit sobrang mahirap.

A Love That Started In A Gym Dug OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon