Tamie's POV
Tuloy pa rin naman ang buhay ko kahit officially ay engaged na ako. We still go out and go on bar hopping. Eh ganun din naman si Zeke. Hindi ko alam kung ano nang status nila ni Heleyna. Bahala na sya. Usapan namin eh walang pakialamanan sa buhay eh. Magasawa lang kami sa papel. Naayos na din yung details nung kasal namin. Sa Puerto Galera gaganapin. Sa isang simbahan. Tapos sa hotel namin ang reception. We only have 50 guests. Tig 25 kami sa partido namin.
As of now? Last day na ng pagiging single ko! Haiii, parang kelan lang. Dahil sa walangyang manong guard na nagkulong sa amin dito, makakasal kami ng wala sa oras. Haii. Masaya ako, totoo at bukal sa puso. Masaya ako na mgiging pamilya ko na sila Mama at Papa. Ilang ulit ko na ba sinabi yun? Bukod kase duon hindi ko na alam kung ano pa ang dapat ikasaya ko.
Zeke is really not happy. He is very obvious. Ginagawa nya lang ang lahat kahit mahirap dahil kay Mama. At isa ako dun sa mahirap na ginawa nya. He is so vocal in saying he hates our set up. Sus, hindi pa masabing he hates me. Ganun naman din yun. Kahit na ilang beses na rin nya akong hindi sinipot sa usapan, hinyaan ko na lang. Hindi ko na din sinasabi kila Mama. I conditioned myself for this. I am expecting worse to come.
After a year, kailangan na naming magfile ng annulment. Pwede na nyang magalaw ang thrust fund nya after the wedding. Ako? ?Hindi ko na ata magagalaw ang thrust fund ko. Ang condition kasi ng sa akin ay pag nagkaanak na kami ni Zeke which is imposible. Tingin nga ayaw akong tingnan ni Zeke eh, magkaanak pa kaya. My parents are just so wise. So now, kailangan ko lang makaisip kung paano ko itutuloy ang pagaaral ko after a year. Baka kase idisown ako nila Dad kase nga we'll be having annulment. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ipangtutustos. I think I need to save, para naman makatapos ako ng pagaaral. Anyway, matagal pa yun. Taon pa so bahala na, marami pang pwedeng mangyari.
Mamaya na ang flight namin ni Zeke at Ishie. Kami na lang yung sabay sabay papunta dun kase may pasok pa kami kanina. Andun na ang family ko at family ni Zeke. And he's so far from us. Parang hindi kami magkakilala.
"Best, sigurado ka bang magpapakasal kayo? Bakit parang sobra namang distant nya?" Ishie
"yaan mo sya. Baka nagdadalwang isip pa eh sana wag na nya ituloy." Ako
"Sure ka? Ayaw mo matuloy?" Ishie
"Ewan ko. Hindi na ako sure. Bahala na." Ako
"Wow ha. Bahala na. Motto mo na?" Ishie
"Oo. Ang kulit mo." Ako
Gabi na nung makarating kami sa hotel. Sinalubong agad ako ni Mama. Haii, kundi lang dahil sa kanila eh hinding hindi ko talaga ito itinuloy. I just love them at ayokong maghirap sila. They badly need our help para makabangon sila. Well, I've talked to Dad at ikinonfirm nya sa akin yun. Tutulungan lang daw nila sila Papa sa negosyo kung makakasal ako sa kay Zeke. Kung hindi daw matuloy hindi na rin daw nya tutulungan sila Papa. Kaya kahit umayaw na ako sa isip ko at sumuko na agad ako eh itinuloy ko pa din para makabangon sila. Siguro naman sapat na yung 1 year para mabawi nila yung nawala sa kanila. Haii.
Good Lord, bahala ka na po sa akin. Amen.
I was about to sleep when I heard a knock.
"Pasok." Ako
"Tamimay." Ate Tay at Ate Tanya. Sila ang pinakaclose ko na kapatid. Sila lang din yung andito sa Pilipinas. Si Ate Tay sa Cebu nakabase tapos si Ate Tanya andito lang din sa Manila pakalat kalat.
"Oh? Ginagawa nyo dito? Magbebeauty sleep ako. Kahit man lang mukha ko maganda sa araw ng kasal ko. Haha" Ako
"Haii, ikakasal na ang baby girl namin." Ate Tay
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?