CHAPTER 50

4.9K 61 0
                                    

Tamie's POV

Hindi ko alam kung ano bang gustong mangyari ni Zeke. When he said he want me back, I was so happy. Pero ayoko nang bigyan ng false hope ang sarili ko kaya I turned him down. Masyado akong mastress kapag umasa pa ako. And I can't afford to lose my child because of that false hope. Mula sa hotel ay sinundan ako ni Zeke pero hindi nya ako hinabol o kinukulit. He just followed me. Nung makarating ako sa villa, sinabihan ko yung guard na wag papasukin si Zeke. Mula sa bintana, tinanaw ko sya. Nung hindi sya pinapasok ng guard, hindi na sya nagpilit tapos umupo na sya dun sa may ilalim ng puno.

Umiiyak na ako, miss na miss ko na sya, pero ayokong umasa sa wala. Gusto ko umalis na sya. Baka hindi ko pa makayang kontrolin ang sarili ko at bumigay na naman ako. Nung mejo madilim na pinalabas ko si Elena. Sabi ko, iwang naka-on-call ang phone nya para marinig ko kung anu man ang paguusapan nila ni Zeke.

"Ser magole na daw po kayo doon sa hutil." Elena

"Pasabi kay Tamie, hindi ako aalis dito. Dito lang ako." Zeke

Hinayaan ko na muna pero nakatanaw pa rin ako sa kanya. Pagtingin ko sa langit, parang uulan kaya pinalabas ko ulit si Elena para sabihing pumunta na si Zeke dun sa hotel. At gaya kanina, naka-on call ang phone namin.

"Ser, magpasok na po kayo sa hutil. Magolan na po. Mabasa po kayo." Elena

"Okay lang ako. Basta dito lang ako. Ayoko ng mahiwalay kay Tamie, baka mamaya pag umalis ako dito iwan na naman nya ako. Dito lang ako." Zeke

"Ser, wag na kayo makolet, magpasuk na kayu sa hutil. Magolan ng malakas." Mukhang naiinis na si Elena

"Sige na Manang, pumasok ka na. Basta ako, dito lang ako." Zeke

Pumasok na nga si Elena.

"Senyora, kekolit po nimo asawa. Ayaw magole sa hutil. Para sya nanenenta mole sa imo." Elena

"Sige na Elena, magpahinga ka na muna. Titingnan ko lang tong makulit na'to. Baka mamaya pag umulan pumasok na rin yan sa Hotel." Ako

"Senyora, magtolog nimo ta. Dili man maayon sa imo magpoyat." Elena

"Sige na, aakyat na din ako." Ako

Umakyat na din ako sa kwarto pero nakasilip pa rin ako sa kanya. Humiga na ako. Hindi ko kayang matulog kaya sumilip ulit ako. Bumuhos na yung malakas na ulan. Pero hindi pa rin sya umaalis duon. Wala syang ka proteproteksyon sa lamig. Nakapolo lang sya at pantalon at talaga namang hinubad nya pa ang polo nya at natira ang white shirt. Sobrang lakas na ng ulan at nagaalala na ako kaya inistorbo ko ulit si Elena at pinalabas ko para papuntahin si Zeke sa hotel. Sabi sa news, malakas daw ang rainfall ngayon, haii nakupo Ezekiel.

"Ser, magkasaket ka ser. Magpasok na ta sa hutil. Tolog na se Senyora." Elena

"Manang, matulog na din po kayo. Okay lang talaga ako dito. Dito lang ako babantayan ko lang si Tamie. Hindi naman ako gagawa ng kahit ano. hindi ako manggugulo. Dito lang ako. Gusto ko lang makikita ko sya. Gusto ko lang malapit sya. Sige na Manang, goodnight." Zeke

Pinilit pa sya ng pinilit ni Elena pero hindi natinag si Zeke. Hindi naman ako mapakali, gusto ko na syang puntahan. Sinisilip ko pa rin sya. Nakita kong lamig na lamig na sya. Humiga na din sya at inakap ang sarili nya. Hindi ko na kayang magmatigas. Lumabas na ako. Sumunod naman sa akin si Elena at yung isa pang katulong.

"Tamie, patawarin mo ako. Mahal na mahal kita."

"Tamie, patawarin mo ako. Mahal na mahal kita."

"Tamie, patawarin mo ako. Mahal na mahal kita." Paulit ulit nyang sabi na parang nagdedeliryo na sya.

A/N: ZEKE UNDER THE RAIN

A Love That Started In A Gym Dug OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon