Tamie's POV
Asan na kaya yung lalaking yun? Aba, past 8 na wala pa din. Hindi naman nagtetext. Tsss. Hindi naman nagsabi kanina na gagabihin sya eh. Eto na nga ba kasi ang sinasabi ko, Am I still equipped? Masyado ko na atang sinanay ang sarili ko sa presensya ni Zeke kaya nahihirapan akong isiping mamaya lang eh tapos na rin ito. Pwede bang ipause muna yung oras? Gusto ko pa kasi syang makasama eh. Sana bago kami maghiwalay, marinig kong sabihan nya akong 'I love you' kahit one time lang, kahit hindi totoo, kahit peke. Para naman may baon ako diba? Siguro, kailangan ko na maghanda, 5 buwan na lang 1 year na kami. Sana maabutan namin yung anniversary namin, kahit kinabukasan na lang nun kami maghiwalay, pero sana yung anniversary namin maging masaya kahit joke lang din. Yung kasal kasi namin, hindi yun masaya. He never smile nuon. Kahit fake.
Tsk. Ayun may may tumigil nang sasakyan. Si Zeke na siguro yun, aii nako. San naman kaya galing tong mamang to? Lumabas na ako ng kwarto.
"Manang, nakauwi na po ba si Zeke?" tanong ko kay Manang na kapapasok lang
"Nako, hindi pa. Wala pa din ang asawa mo eh. Mauna ka nang kumain. Ay, nako, may bisita nga pala ang asawa mo" Manang " Hijo, pasok ka muna. Wala pa si Zeke eh, hintayin mo na lang baka parating na yun." Pinapasok na ni Manang yung bisita.
Parehong nanlaki ang mga singkit naming mata.
"Tamie??!!!!" /"Cyrus??!!!!" Sabay naming sabi
Then there was an awkward silence. Napatingin si Cyrus sa bahay namin at natigilan sya sa isang malaking picture na nakasabit sa may living room. Our wedding picture.
"You and Zeke were married????" Cyrus
"Ah—Cy— kase--- ano-- " I take a deep sigh. " Join me having dinner, I think you need to know. I'll tell you everything" ako
So since wala pa si Zeke at andito na si Cyrus eh wala na akong magagawa kundi sabihin na lang kay Cyrus ang totoo. So I told him everything. All the story. The truths and the lies of what we have now.
Matagal ang naging kwentuhan namin ni Cyrus dahil marami syang mga tanong and I need to answer everything. Past 11 na nung dumating si Zeke. At nung makita nya si Cyrus sa dining table eh nagulat sya ng husto. Hindi ko alam kung masasaktan ako sa makikita ko sa mukha nya. Visible kasi sa mga mata nya na ayaw nyang may makakaalam ng totoo naming relationship. Sabaygay naman, kahit kalat sa school na girlfriend nya ako, iba pa rin ang dating kung yung tingin nilang 'slut' eh pinakasalan mo.
I know they need to talk to kaya iniwan ko na muna sila sa baba at binigyan ng privacy. Hindi ako makaconcentrate sa binabasa ko. Iniisip ko kung anong mangyayari. Mejo nagtagal pa rin ang usapan nila. After an hour eh umakyat na rin si Zeke sa kwarto namin. Pagbukas na pagbukas nya ng pinto ay nagsorry na agad ako.
"Zeke, sorry. Ayaw ko naman sana talagang sabihin pero nakita na nya yung picture. Gusto mo ba tanggalin ko na? Baka kasi mamaya may pumunta pa ditong iba? O kaya dun na ako sa bahay ko uuwi. Pupunta na lang ako dito pagbibisita sila Mama. Baka mapahamak ka Zeke. Sorry. Hindi ko naman alam." Ako
"hey, hon, it's okay. Wala na tayong magagawa eh. And you don't need to go anywhere. This is our house. Atin ito. Okay?" Zeke hugged me.
"Sorry" then I hugged back.
"Stop saying sorry." Zeke
"Hindi ko na rin natanong kung paano nya nalaman na andito ka na nakatira." Ako
"Bakit daw ba sya nagpunta dito?" Zeke
"You left your things daw sa gym nung umalis ka kanina then, a classmate of yours approach Cyrus and gave the book he borrowed kasi daw may quiz kayo bukas eh baka kakailanganin mo. Kaya ayun, nagpunta sya para ibigay ang book. Hindi ko naman akalain na sya yung dumating kaya lumabas ako ng kwarto. Sorry talaga." Ako
I badly want to ask him kung san sya galing but I saw a lipstick mark in his collar. It isn't my shade. Pati yung amoy nya, she smells a different perfume which is definitely not my scent. Kaya hindi na ako nagtanong. Masasaktan lang ako sa sagot nya. Sabi ni Cyrus, 5pm pa raw nung umalis sa school si Zeke after a phone call, and I opt not to ask anything. I think, I should slowly put my guards on.
A/N: SHOCKED TAMIE
Zeke's POV
Maaga akong umalis para puntahan si Heleyna. Part of me, ay naguguilty dahil nagpakamesirable sya nung iniwan ko sya. she badly needs me. At ipinagppasya ko na lang na huwag nang ipaalam kay Tamie. Nagiisip ako nang pwede kong idahilan kung magtatanong sya. Past 11 na nung makarating ako sa bahay and I was so surprised when I saw Cyrus in our house. Nakakapagtaka na nalaman nya kung saan ako nakatira. I saw him having dinner with my wife. Kung siguro, hindi ko kaibigan to, binasag ko na ang mukha nya. Nakakagalit lang na makitang may ibang kasama ang asawa mo sa sarili mong bahay.
"Ahmmmn, aakyat na ako sa kwarto. Sige, magusap na muna kayo. Honey, una na ako ha? Cyrus, salamat sa pagdadala ng gamit ni Zeke. Good night." Tamie went up
"Par, bakit hindi mo sinabing kasal na kayo? Bakit mo tinatago?" Cyrus
"Par, hindi ko tinatago, hindi ko din naman gustong itago ito. Pero kailangan. Alam mo ang mangyayari sa akin kung malalaman ng school." Ako
Hindi ko alam pero kita ko kay Cyrus na nafufrustrate sya. Naipunas na lang nya sa mukha nya ang dalawang kamay nya. He looks so annoyed. Ganoon ba nya kagusto ang asawa ko?
"Par, hindi na ako magtatanong ng kung ano pa man. Wala rin akong pagsasabihan. Pero may isang bagay akong hihilingin sa'yo.Par, Zeke, Ingatan mo si Tamie, huwag na huwag mo syang sasaktan. Kung may mangyayaring hindi maganda sa kanya, tandaan mo to Par, walang kaibi-kaibigan sa akin. Alagaan mo si Tamie at pahalagahan mo sya. Yun lang Par." Cyrus
"Oo naman Par. Asawa ko si Tamie. Asahan mong gagawin ko lahat yun." Ako
After nun eh umalis na rin si Cyrus. Nung umakyat ako nagsorry si Tamie dahil sinabi nya kay Cyrus ang totoo. Naguguilty ako. Ako, hindi ko masabi sa kanya ang totoo. Naaapreciate ko na hindi sya nagtatanong kung saan ako galing o pumupunta these past few days. Sorry Tamie. sa ngayon, naguguluhan talaga ako sa sitwasyon namin. Whenever Heleyna needs me, I cannot do anything but help her. Maaaring mali dahil kay Tamie pero hindi maaalis sa aking mahal ko pa rin si Heleyna. Idagdag pa ang guilt na nararamdaman ko sa pagiwan ko sa kanya dahil kay Tamie.
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?