Tamie's POV
Tatlong araw na ang nagdaan simula nung malaman kong buntis ako pero hindi ko pa rin nasasabi kay Zeke. Natatakot ako sa magiging reaksyon nya pati, wala ring pagkakataon. Gabi na kasi sya umuuwi eh tapos maaga naman syang umaalis dahil may practice ata sila. Hindi na rin namin napagusapan yung mga nangyari nung nagdaang mga araw. Wala naman akong lakas ng loob na magtanong, alam ko naman kasi ang sagot. Titiisin ko na lang muna kung ano mang sakit para sa anak ko. Ayaw ko namang manganak ng wala sya at ayokong lumaki ang anak ko na walang ama.
Kanina, galing ako sa ospital at nagpacheck-up, sabi ni Dra. Kim, okay naman daw ang pagbubuntis ko. Since pupunta naman si Cyrus sa hospital mamaya para sa lab results ng Mama nya eh pinadamay ko na rin yung sa akin. Nagpunta kasi akong bangko para mainquire yung sa thrust fund ko. And luckily, pwede na yung makuha kapag nanganak ako. Mayroon na akong sure na gagastusin sa panganganak ko pati na rin pantustos sa kanya habang nagaaral pa ako.
Mejo ginabi na ako ng uwi, napasarap kasi ako kanina sa pamimili ng gamit ng magiging baby ko. Nakakatawa lang na hindi ko pa naman alam kung anong gender kaya puro puti na lang muna. Dun ko na lang iniwan sa bahay ko.
Andito na ako ngayon sa bahay nang biglang tumawag si Cyrus.
***CYRUS Calling***
Tamie: Yow! Andito na ako sa bahay.
Cyrus: Saan ka ba galing ha? Diba sabi ko sa'yo sasamahan kita kung saan ka man pupunta?
Tamie: Okay na po ako. Nakauwi na nga ako ng safe oh. Andito na ako sa bahay.
Cyrus: Tatiana!
Tamie: Aiii nako Cy, wag ka nang magalit. Okay naman kami ni baby, andito na po kami sa bahay at promise ko, after ko uminom ng vitamins at gatas eh magpapahinga at matutulog na po ako. Wag ka nga jang paranoid Cy. Okay lang kami ni Baby. Naaliw lang ako sa mall kanina.
Cyrus: Okay okay. SIge na. Magpahinga ka na ha? Don't forget your vitamins and milk Goodnight.
Tamie: yes Sir! Goodnight! See you tomorrow!
Then I hanged up.
Nagulat ako nung makita ko si Zeke na nakaupo sa may couch. He is so furious and he looks like someone who wants to kill somebody.
"Tamie. Let's talk." Sabi nya nung lalampasan ko na dapat sya.
Kinakabahan ako. Is he going to kick me out? Paano na yung baby namin? Napahawak na lang ako sa tyan ko then hinarap ko sya.
"May sasabihin ka ba Zeke?" tanong ko na parang okay lang ang lahat.
"When are you going to tell me you are pregnant?" Sabi nya then he threw the lab results in my face.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Should I tell him? Sa itsura nya, he was not happy. We are so quiet for a long time. Walang nagsasalita. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin. My heartbeat is 100 times faster. He wash his face using his hand. He looks frustrated and annoyed. Naiiyak na ako. Hindi ko alam ang pwede kong sabihin para kumalma sya.
"Sa akin ba yan?" He broke the silence.
And his words, break me into tiny pieces. So feeling nya hindi sa kanya to? He is doubting? Hindi ba talaga nagbago ang tingin nya sa akin? He thought I am allowing other man to take me? Hindi ko alam kung ano ang mas masakit, yung makita ko syang masaya kasama ang ibang babae o yung pagdudahan nya ako at hindi nya tanggapin yung anak ko. My eyes become cloudy. Nagiinit na ang mata ko. I never thought he'll say that. I know he had tendencies to be despicable pero not to this point.
"Anak ko ba yang pinagbubuntis mo?" inulit nya pang tanong. I can't hold my tears, hindi ko na kaya.
I smile genuinely. Pinilit ko talagang ngumiti. "So you are thinking kung sa'yo to?"
I cried hard. Alam ko naman na hindi magiging maganda ang buhay ko, pero sana, hindi na lang ako nagbuntis para hindi ganitong kasakit. Hindi ako nagsisisi na magkakanak ako, naiinis ako sa sarili ko kasi madadamay pa yung anak ko sa miserable kong buhay. I was shaking. Ansakit talaga.
"Hindi ko alam na hanggang ngayon, ganan pa rin pala ang tingin mo sa akin. Of all people, of all Zeke, ikaw dapat ang may alam na hindi ako ganun. " I said in between my sobs. Iyak pa rin ako ng iyak.
"Pero sige, to give you peace, hindi mo anak ito. Marami rami din akong naging lalaki eh. Hindi ko nga alam kung sino sa kanila ang nakabuntis sa akin. O baka yung janitor sa school? o yung guard? Sorry, hindi ko kasi talaga alam kung sino sa kanila ang ama ng anak ko. Pero don't worry, hindi ikaw."
"Zeke I'm really sorry for our marriage. Sorry to make your life miserable. I'll give you your peace from now on." I smiled and hurriedly pack my things.
Buti na lang at kokonti na lang ang gamit ko dito. Hindi pa rin ako tumitigil sa pagiyak.
"Baby ko, pasesnya ka na din ha? Gusto ko naman talaga buo yung magiging pamilya mo eh, kaya lang anak, hindi tayo kayang tanggapin ng Papa mo eh. Gusto ko talaga na mahalin ka din ni Papa mo, gusto ko makita ka nyang lumaki. Okay lang sa akin na masaktan kahit araw araw pa, pero anak, hindi pwede eh. Ayaw ni Papa sa atin eh. Ayokong pati ikaw maramdaman ito. Sorry anak, kasalanan to ni Mama eh. Hayaan mo, si Mama, mahal na mahal ka. Gagawin ko lahat para sa'yo." Then I went down.
I look at our wedding picture hanging on the wall. This will be the last time I'll be seeing it here. Di bale, bukas, ipapasunod ko na to sa bahay ko. Buti na lang at handa na ako sa mga mangyayari. Pero kahit pala ganoon, pain is nothing less. Ganun pa rin kasakit.
I called Cyrus. He's the only one I can run to at this moment.
A/N: TAMIE CALLING CYRUS
Mabilis na nakarating si Cyrus, and all I did was hug him tight.
"I won't leave you Baby. You know how much I love you. I'll father your baby, we can do this."
I ride on his car, for the last time I take a painful glance at Zeke's house. The home I used to have.
Goodbye Zeke.I love you so much. Sana, maging masaya ka na ngayong wala na ako sa buhay mo.
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?