Zeke's POV
6 pa lang ng umaga eh gising na gising na ako. Sobrang mixed emotions ang meron ako. Pero ang pinakanangingibabaw ay ang lungkot. Lungkot dahil ikakasal ako sa babaeng hindi ko mahal. Masa nakapagpalungkot pa ang walang tigil na text ni Heleyna.
SMS
From: Sweetie Heleyna
Sweetie, please. Let's talk. Ayoko. Hindi pa tayo break.
---
From: Sweetie Heleyna
Zeke, kahit ano gagawin ko. Please. Wag mo naman ako iwan.
---
From: Sweetie Heleyna Zeke, mahal na mahal kita. Please.
---
Hindi ko na lang nireplayan. Hirap na hirap na ako. Mahal na mahal ko si Ley. Hindi ko alam ang gagawin ko. Iniisip ko lang talaga si Mama. Para kay Mama to. Hintayin mo ako Ley, gagawa tayo ng paraan.
3:00 pm nung dumating kami sa simbahan. Hindi ko akalain na ang kagaya ni Tamie eh gugustuhin ang isang simple at very private na kasal. Red roses ang mga nakagayak sa simbahan. Pula rin halos lahat ang tela na nilagyan ng puti. Maganda naman ang simbahan. Kanina, nasilip ko ang pagdadausan ng reception at gaya sa simbahan simple lang din.
Kagabi may ibinigay na singsing sa akin si Mama. Engagement ring daw nila ni Papa. Pamana na raw iyon pero hindi ko ibinigay o ibibigay kay Tamie. Ibibigay ko lang yun sa pinakamamahal ko, kay Heleyna.
"Bro." Bati ng kuya ni Tamie
"Kuya." Sabi ko
"Alam kong naiipit ka lang din sa sitwasyon nyo. Sana isipin mo din na hindi gugustuhin ng kapatid kong sirain ang buhay mo. Gaya mo, napipilitan lang din sya. Pero sana, alagaan at mahalin mo ang kapatid ko. Kahit hindi ko sya nakasama ng matagal, mahal ko ang kapatid ko. Sana kung hindi mo sya mamahalin, pahalagahan mo man lang sya. Alam ko kung ano ang pakiramdam mo. Alam na alam ko, at sana kahit mahirap, iwasan mong saktan sya. Ingatan mo sya na parang mahal mo sya. Maraming salamat Zeke. Sana maasahan ko yan sa'yo." Kuya ni Tamie "Sige, anjan na sila sa labas. Magsisimula na ang kasal. Welcome to the family."
At nagsimula na ang entrance song.
Pumasok na kami, si Mama, halata mong tuwang tuwa. Si Papa, ganon din. Eto na ang araw na masasabi kong napakabuti kong anak. Sinunod ko sila kahit labag sa loob ko. Pinilit kong ngumiti kahit mahirap.Pumasok na ang parents ni Tamie. Tamie is really beautiful in her wedding gown, her gown is so simple but it doesn't make her any less. Hindi ko talaga aakalain na ganitong kasimple lang ang gusto nya. I heard pinipilit sya ni Mama na humanap ng mas maganda at mas mahal na gown pero tumanggi sya.
I saw tears running down her cheeks. Ganito rin ba nya kaayaw na makasal sa akin? Sa bagay, kung ako nga naiiyak na rin. And they were now here infront of us.
"Please do take care of my daughter." Daddy ni Tamie
"I will Sir." I think, I should. Habang asawa ko sya, I need to take care of her.
The sacrament of matrimony started. We say our I Do's, exchange rings, recited our vows and kissed. Nothing significant happened during the nuptial mass.It's just an ordinary wedding. It was 5:15 nung matapos ang mass. Sa reception kami tumuloy. The reception is beautiful as the sunset approach. Napakagandang scene kung sana lang mahal ko ang pinakasalan ko.
The whole reception was fine. Like what I said everything was ordinary. Tamie's Kuya gave us roundtrip plane tickets papuntang Paris for the Honeymoon. Then her eldest Ate for the hotel. Our parents gave us pocket money. Marami pa kaming natanggap na regalo. Past 8 na nung natapos ang lahat. Umakyat na kami sa hotel room namin. As expected share kami ng room. Ito na ata ang pinaka tinong na conversation namin mula nung maisipan nilang ipakasal kami.
a/n: RECEPTION
"Bukas pa ang flight natin diba?" tanong ko
Then she nod for an answer while she was preparing her suit. Magshoshower siguro.
"I'll just take a bath." Sabi nya then she pass by me.
I wonder what will happen to us. Haii. Marami akong naiisip gaya ng, paano pag nalaman sa school, si Heleyna, si Mama, ang negosyo ni Papa , si Tamie, ang sitwasyon namin, ang set up. Haiii. This makes me so crazy. Then after a while lumabas na sya. She's really sexy wearing only a robe and a nightie. Kaya ko kayang pigilan ang sarili ko kung araw araw kaming ganito? Tss. I badly need a cold shower. So dumiretso ako sa banyo at naligo. Pag labas ko I asked her.
"Paano ba yan, iisa lang ang bed."
"Dito ka na lang din sa bed. Hindi ako malikot matulog." Tamie
"Sure ka? Pwede tayong magtabi?" tanong ko ulit.
"Zeke, magasawa na tayo at hindi natin maiiwasan ang ganito. You can sleep beside me if you want." Inayos nya ang kama then she lay down removing her robe. Tsk. Kailangan ko rin pala ng maraming control para wala akong magawa.
"Maaga pa ang flight naten bukas. You need to sleep too.Kung ayaw mo talaga akong katabi, magpapahanda ako ng isa pang hotel room." She said after she faced me.
Hindi na ako nagsalita. Humiga na rin ako sa tabi nya. Tama naman si Tamie eh, kailangan na rin naming masanay dahil magasawa na kami. Haii, bahala na.
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?