Zeke's POV
3 days mula nung nagsembreak eh hindi ko pa rin nakikita si Tamie. Yung mga kaibigan nya ayaw pa din sabihin kung asaan sya. Nagpunta ako kila Ate Tanya pero ayaw rin nilang sabihin. Kung sana hindi ako nagpakatanga, sana, masaya akong kasama ang asawa ko. Nababantayan ko sana sya araw araw at sana magkasama kaming naghihintay sa pagdating ng anak namin. Haii Zeke! Ambobo mo kasi! Puro kasi init ng ulo ang pinaiiral mo!
"Zeke! Zeke!" Mateo
"Oh?" Tanong ko habang nagpapahinga kami sa may bench
"Anjan yung mga taga PAC. May practice daw sila." Mateo
Nagising ako nun. Bigla akong tumayo para puntahan sila. Naaalala ko na gustong gusto ni Tamie ang role nya dito kaya imposibleng bitawan nya yun ng ganun lang. Sabi nga nya, matagal nya daw hinintay yun at dream role nya raw yun.
"Par, sandali lang. May sasabiihin pa ako." Mateo
"Ano yun? Dalian mo! Baka anjan si Tamie." Ako
"Yun nga ang sasabihin ko, hindi na raw si Tamie ang gaganap sa lead role. Pinalitan na raw sya ni Ferella!" Mateo
"Ano???" Nagmadali pa rin akong pumunta kung saan sila nag meeting. Paalis na ata sila, lunch break na kasi nung makasalubong ko si Aira.
A/N: ZEKE TALKING WITH AIRA
"Aira." Tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya at tumigil sa paglalakad.
"Bakit?" tanong nya
"Hindi na si Tamie ang lead role? Bakit sya pinalitan? Dahil ba hindi sya naattend ng practice? Pwede nyo pa bang ipostpone yun? Alam mo kung gaano kagusto ni Tamie yung role na yun diba? Pwede bang hintayin nyo sya? Hahanapin ko sya. Gustong gusto nya yan eh." Ako
"Mag-usap tayo sa roof top. Sumunod ka na lang." Aira
Mabilis akong sumunod sa kanya.
"Aira, baka naman makakagawa kayo ng paraan? Gustong gusto ni Tamie yung role na yun eh. Hahanapin ko sya Promise!" ako
"Zeke, binitiwan na ni Tamie ang role at hindi na sya babalik." Aira
Natahimik ako. Ganun nya ba kagustong lumayo sa akin??
"Alam na namin ang lahat Zeke.Nung huli kaming mag-usap, sabi nya, iba na raw ang priority nya. She sacrificed her dream role para sa magiging anak nyo, I mean anak nya. Ayaw mo nga pala sa bata. Sorry."Aira
"Hindi. Hindi ko ayaw. Magulo lang ang isip ko nun Aira. Gusto ko yung magiging anak ko, mahal ko si Tamie. Mahal ko sila. " Ako
"Hindi porke't magulo ang isip mo may karapatan ka nang husgahan sya nang walang batayan. Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam nya. Ni hindi mo nga sya kinilala eh. Hindi ka iisang beses nahuli ni Tamie na kasama si Heleyna. Hindi dadalawa, hindi tatatlo. Napakaraming beses na hinyaan nyang masaktan sya dahil ayaw nyang mapasama ka. Dahil kung may ibang makakaalam ng ginagawa mo, baka magalit ang mga magulang mo sa'yo. Baka pag nalaman ng magulang nya, maapektuhan ang kabuhayan nyo. Mahal ka ni Tamie, Zeke. Mahal na mahal."
"Naiintindihan kita dahil si Tamie maraming naging boyfriend, pero diba't nakapasok ka na sa buhay nya? Nakita mo ang pangangailangan nya hindi ba? She've never been intimate, never, until you came. I don't know what you did to her to make her fall in love with you deeply she even trade everything for you." Then there was an awkward silence.
"Kung totoong mahal mo nga si Tamie, sana alam mo ang dapat mong gawain. Kasi sya, kahit gaano kasakit pa, ginagawa nya ang dapat para sa mga mahal nya. This would be the very last time I'll talk to you about this thing. Sana wag mo na kaming guluhin, dahil hindi ko alam kung ano ang aabutin mo sa mga kaibigan naming galit na galit sa'yo. " Then she left me.
Tamie sacrificed her dream role for our child. Sana may magawa din ako para sa kaila ng magiging anak ko.Pagbaba ko sa gym, nawalan na ako ng ganang maglaro. Kaya nagpaalam na lang ako at umuwi na lang ako. Pagdating ko sa bahay nakita ko si Cyrus na naghiintay. Nakasandal sya sa pader at maydala syang envelope.
"Pinabibigay ni Tamie.Pirmahan mo daw." Cyrus
Matagal tagal na rin kaming hindi naguusap ni Cyrus. Pagbuklat ko sa loob, annulment papers. Sa galit ko, pinunit ko lahat yun sa harap mismo ni Cyrus.
"Ang kapal ng mukha mo! Ikaw pa talaga ang nag ayos nyan!" Ako sabay suntok ko sa kanya.
Bumawi naman sya. Nagsuntukan kami ng walang tigil hanggang pareho na kaming mapahiga sa gilid ng kalsada.
"hayop ka Cyrus. Bakit si Tamie pa?! Bakit asawa ko pa." Ako
"Ikaw ang hayop Zeke. Bakit mo sya sinaktan? Bakit mo sya ginago?! Inano ka ba nya?" Cyrus
"Aayusin ko na dapat ang pamilya ko! Pero anjan ka, nakikisali. Ganoon mo ba kagusto ang asawa ko para agawin mo sya sa akin?" Ako
"Kahit kailan talaga, Gago ka na, Bobo ka pa." Cyrus
"Anong sinasabi mo jan?" Tanong ko
"Ano bang apelyido ko?" Tanong ni Cyrus
"Yu." Sagot ko
"Anong middle name ni Tamie?" tanong ulit nya. Teka? Yu din ang middle name ni Tamie ah?
"Pinsan ko sya Zeke. Sya ang kaisa isang tao sa angkan ng ama ko na tinanggap ako ng buo at hindi tinuring na bastardo. Mahal ko si Tamie, Zeke, mahal ko sya dahil itinuring ko syang kapatid ko. At yung gagong nag set-up sa inyo ni Tamie para mahuli mo syang kasama si Patrick, kapatid ko yun. Si Chester Yu. Sa lahat ikaw lang ang nakakaalam ng totoong pagkatao ko, hindi ko lang alam kung bakit hindi agad sumaksak jan sa kokote mo na pinsan ko si Tamie."
And that gave me more reason to hate myself for letting Tamie go. If only I knew her better. If only, I gave myself a chance to know her better. Nung makatayo kaming dalawa, sinapak nya ako ulit. Hindi na ako lumaban. I know I deserved every punch.
"Bugbugin mo pa ako Cyrus. Lumpuhin mo pa ako. Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin. Hindi ako lalaban. Pero pakiusap, sabihin mo sa akin nasaan ang asawa ko."
"I really want to do that I even want to kill you but I know Tamie won't be happy. She'll even scream to me because I punch you today. Pero tandaan mo, I won't tell you where she is. You suffer ."
"Par.."
"Hindi na tayo magkaibigan Zeke. The day I saw Tamie almost have miscarriage, our friendship ended there. I'll send you another copy of the annulment papers. Good bye Zeke , I wish you will never see her and your child."
There I was, lying on the doorstep of our house, crying in pain. What have I've done to Tamie? She doesn't deserve what I did to her. God, please let me make up with my family. I love them. I can't lose them oh Lord. My wife. She almost lost the baby, how are they now? would they be fine? Are they okay now? Oh God! Stupid Zeke! This is your karma.
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?