Tamie's POV
January 2 nung bumalik kami sa Manila. Sa condo nya daw muna kami titigil, sa weekend na lang daw kami lumipat kasi inaayos pa ang mga gamit sa bahay namin. Gusto ko sana eh sa bahay ko na lang muna ako kaya lang ayaw pumayag ni Mama, kaya ayun, makikitira na muna din ako sa condo ni Zeke.
Andito kaming dalawa sa sala. Kasalukuyan akong naglalaro sa ipad ko at gumagawa ata sya ng assignment nya. 10 am na. malapit na maglunch time, paano na kaya kami kakain? Wala syang kasambahay dito eh, sino kaya ang gagawa?
"Tamie, magluto ka na ng lunch natin." Zeke
"Zeke. Hindi ako marunong." Ako
"What? Anong hindi marunong? May rice cooker jan. Kahit na itlog na lang o kaya magprito ka jan ng kahit anong processed food, ham, bacon o hotdog. Sige na." Zeke
"Zeke, promise, hindi talaga ako marunong. Ni wala akong alam na gawaing bahay. Magpadeliver na lang tayo o kaya kumain sa labas." Ako
"Ano? Ibig mong sabihin pakakainin mo ako ng take out sa buong pagsasama natin?" Zeke
"Eh anong magagawa ko kung hindi ako marunong magluto?" Ako
"Siguro naman marunong ka maglaba at mamlantsa?" Zeke
"Hindi rin." Ako
" Eh maglinis ng bahay?" Zeke
"Hindi rin."
"Haii nako. Wala kang ka alam alam. Wala ka talagang kwenta." Zeke
Huminga na lang ako ng malalim.
"Pasensya na kung walang nagturo sa akin. Malay ko ba na kakailanganin kong matuto magluto? Na dapat marunong akong maglaba at mamlantsa? Pati na rin maglinis ng bahay? Para sabihin ko sa'yo, buong buhay ko si Manang Chayong ang gumagawa ng lahat.At patawarin mo ako dahil wala akong kwenta. Kung alam ko lang sana na yan ang batayan ng kwenta ko sa mundo nagenroll sana ako ng lessons para matutunan yan." Nagmadali akong pumunta sa kwarto.
Haii nako, simula na ng paghihirap ko. Dahil sa mga bagay na hindi ko alam, wala na akong kwenta.Sa sobrang inis ko, nagbihis ako at nagdesisyong doon na lang muna ako sa bahay ko. Naiinis ako kay Zeke.
A/N: TAMIE'S SIGH
Zeke's POV
Kagabi lang kami nakabalik ng Manila. At nagyon, heto ako at nagcacraming sa paggawa ng assignments ko. Nagkandatambak tamabak eh. Tapos ilang worksheet pa ang tatapusin ko. Nakaupo ako dito sa dining table while si Tamie eh palagay ko'y naglalaro sa ipad nya na prenteng nakaupo sa couch. Past 10 am na pero hindi pa rin sya nakakaisip na maghanda ng kakainin namin.
"Tamie, magluto ka na ng lunch natin." Sabi ko sa kanya
"Zeke. Hindi ako marunong." Sagot nya.
"What? Anong hindi marunong? May rice cooker jan. Kahit na itlog na lang o kaya magprito ka jan ng kahit anong processed food, ham, bacon o hotdog. Sige na." tsk. Ano ba naman 'tong naging asawa ko, walang alam.
"Zeke, promise, hindi talaga ako marunong. Ni wala akong alam na gawaing bahay. Magpadeliver na lang tayo o kaya kumain sa labas." Sabi nya na napaangat na ang ulo ko.
"Ano? Ibig mong sabihin pakakainin mo ako ng take out sa buong pagsasama natin?" inis na sabi ko
"Eh anong magagawa ko kung hindi ako marunong magluto?"sabi nya
"Siguro naman marunong ka maglaba at mamlantsa?" tanong ko ulit
"Hindi rin." Tamie
"Eh maglinis ng bahay?" tanong ko
"Hindi rin."Tamie
"Haii nako. Wala kang ka alam alam. Wala ka talagang kwenta." Naiinis na sabi ko para tumayo at magluto. Kapag ganitong napakarami ko pang gagawin, mabilis talaga uminit ulo ko.
"Pasensya na kung walang nagturo sa akin. Malay ko ba na kakailanganin kong matuto magluto? Na dapat marunong akong maglaba at mamlantsa? Pati na rin maglinis ng bahay? Para sabihin ko sa'yo, buong buhay ko si Manang Chayong ang gumagawa ng lahat.At patawarin mo ako dahil wala akong kwenta. Kung alam ko lang sana na yan ang batayan ng kwenta ko sa mundo nagenroll sana ako ng lessons para matutunan yan." Tapos pumasok na sya sa kwarto.
Tsk. Nagdrama pa. So nagsaing na ako. Tapos ibinabad ko na lang muna yung manok dahil frozen, iaadobo ko na lang. Nagulat akong paglabas nya eh nakabihis na sya.
"Oh saan ang punta mo?" Ako
"Uuwi sa bahay ko. Kung saan kahit wala akong alam eh may kwenta pa rin ako." Then she left.
Nakakainis ang arte nya. Hinayaan ko na lang. Nung gabi eh tumawag si Mama sa phone ko at nangangamusta tapos hinanap si Tamie. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya inamin ko na lang ang nangyari at syempre ako ang napagalitan. Kasalanan ko pa din ang lahat kahit na sya ang may kakulangan.
Friday na ngayon at hindi pa rin bumabalik si Tamie sa condo. Grabe naman syang magtampo. 5 days na ang nakakalipas eh. So hinanap ko sya. Kailangan ko na syang mapabalik sa condo dahil mas magagalit sa akin si Mama kapag nalamang hinayaan ko lang si Tamie. Pagpunta ko sa building nila, nakita ko si Ishie, yung bestfriend ni Tamie.
"Ishie!" tawag ko
"Ah, Zeke." Sabi nya "Sige na girls, una na kayo." Sabi nya sa mga kasama nya
"Tara, dun tayo sa parking lot magusap." Ishie
"Asan si Tamie?" tanong ko agad
"Nagtatampo yun sa'yo." Sabi ni Ishie
"Tsss. Naiinis lang ako kase wala syang alam na kahit ano sa gawaing bahay. Paano naman kami." Ako
"Zeke, you must understand that Tamie grew up alone only with the nannies and maids. What do you expect? Yun na lang ang consuelo nya sa magulang nya, ang maging buhay prinsesa sya kapalit yung paglaki nya magisa kaya sana maintindihan mo kung brat ang kaibigan ko. Isa pa Zeke, wag na wag mo sanang ipaparamdam sa kanya na wala syang kwenta. It is her greatest insecurity. Bata pa lang sya nung maramdaman nyang wala syang kwenta dahil feeling nya, walang nagpapahalaga sa kanya. Buti nga nawala na yun sa kanya. Sana naman wag mo na uulitin yun." Ishie
"Alam ko Zeke, hindi mo mahal ang kaibigan ko, pero sana wag mo naman syang sasaktan. Okay lang na wag mo syang mahalin pero sana, iwasan mong masaktan sya. Kahit gaano pa kasama ang ugali nya, sensitive din si Tamie." Dagdag nya pa
"Paano ko sya mapipilit bumalik sa condo?" tanong ko.
"Hindi mo na sya kailangang pilitin. Uuwi na sya mamaya. 'Wag mo na lang sana uulitin. Kung gusto mo syang matuto, turuan mo sya. At isa pa nga pala, wag ka na magsorry. Okay na yun, pagnaalala lang nya, magkakaroon na naman sya ng worth anxiety.Sige, una na ako. May klase na kami eh." Ishie
At nung gabi ngang yun eh umuwi na si Tamie sa condo. Okay na kami so far. Hindi ko na lang ulit binalikan yung issue. Hindi na rin ako nag sorry gaya ng sabi ni Ishie. Kinabukasan ay naglipat na kami ng gamit. Okay naman yung bahay. Kumpleto sa gamit. At since mejo malaki ang bahay na may 4 na kwarto, hiwalay na kami ng kwarto. I just hope everything goes well this time.
BINABASA MO ANG
A Love That Started In A Gym Dug Out
RomanceA rebel daughter and a good son, will they find love after being locked?