Ang Munting K'wento ni Bryan

382 15 3
                                    

"SORRY, pero si Jiro ng varsity team ang sasagutin ko," wika ni Mean sa akin noon.

"Hindi kita gusto... Si Arnold ang gusto ko dahil mas mayaman sya at mas may itsura kaysa sa 'yo," ani naman ni Mina sa akin.

"Naawa lang ako sa 'yo kaya hinayaan kita na ligawan mo 'ko. Sorry, but I don't like you," wika naman ni Mia.

"Hindi siguro ako ang right girl for you... Makakahanap ka rin ng mas higit sa 'kin, 'yong mamahalin ka. Aalagaan..." huling sinabi ni Jessa nang ako'y binasted niya noon.

Maraming beses na akong na-basted... Lahat na rin ng dahilan ay mukhang narinig ko na. Ang malungkot kong lovelife, lagi na lang akong rejected. Ilang babae na ba ang bumasted sa akin? Hindi ko na mabilang... Sobrang malas ko nga yata talaga sa mga babae, kung tutuusi'y hindi ko rin naman sila masisi. Sino ba namang babae ang magkakagusto sa akin? Hindi ako kagwapuhan, hindi pansinin... Naglalakas-loob na nga lang akong manligaw. Pero sa t'wing may nagiging karibal ako na gwapo, matalino't mayaman... agad akong binabasted ng nililigawan ko. Dahil tuloy sa mga naranasan kong iyon ay bumaba ang tiwala at tingin ko sa aking sarili. Naging mahiyain ako. Malungkutin. Bago nga ako matulog ay palagi kong tinatanong... May magkakagusto kaya sa akin? Maiinlove? Magkaka-interes? Pinanghihinaan na ako ng loob, kung bakit kasi laging attracted ang mga babae sa mga pogi. Pa'no naman ang mga kagaya ko? Hanggang panaginip at imaginations na lang ba ang magkaro'n ng girlfriend?

LINGGO ng hapon, tumambay muna ako sa may Manila Bay. Sumandal ako sa isang poste't malungkot na pinagmasdan ang paglubog ng araw.

"Hey! I see in your eyes that you're sad," nagulat ako nang biglang may nag-English sa tabi ko. "What's the reason behind your sadness?"

Isang babae na blonde ang buhok, maganda at kung hindi ako nagkakamali... isa itong foreigner. Mukhang mapapalaban ako ng English dito, hindi pa naman ako kagalingan pagdating dito.

"No... Nothing," nakangiti kong tugon na pilit nilagyan ng accent.

Umupo siya sa tabi ko, "You can't hide it from me. I really see it in your eyes... you're sad and the way you smile, it's simply fake."

Pasimple kong pinagmasdan ang dagat. Tama naman siya, malungkot ako ngayon... Emo', iyon yata ang tamang term. Pa'no ba naman ako ngingiti ng totoo kung ganito ako? Tapos, bigla pang sumulpot ang babae na ito. Sa dinami-rami ng p'edeng interb'yuhin... ay ako pa talaga ang napili. Sumimple pa nga ako ng tingin sa kaniya...

"Wow!" sabi ng utak ko, kamukha niya si Taylor Swift.

"Hey! Why are you staring at me?" napahiya ako ro'n, napansin niya pala ako.

"Now, tell me why you're sad. I will listen, but by the way... I'm Bella," pagpapakilala niya at tapos ay nakipagkamay sa sa akin.

Makulit din ang babaeng ito.

"I... I'm Bryan," napangiti ako bigla, ang lambot kasi ng kamay niya.

"Nice meeting you... Bryan," wika niya. "So, start telling me the story behind the sadness in your eyes..."

Ewan ko ba kung saan galing ang foreigner na ito... ang kulit, pero sige na nga! Huminga muna ako ng malalim, "It's just... It's just a non-sense problem. My lovelife!"

Sumeryoso siya bigla, "Continue it, Bryan..."

"You know... I... I feel so sad because I'm so unlucky. Everytime I... I court a girl, they always reject me, basted..." bigla akong nalungkot habang sinasabi ko 'yon.

"I think... it's because, I'm an ugly guy. I'm not the kind of guy that girls like to be..." Hindi ko na rin alam kung tama ba ang english ko.

Bigla siyang napatitig sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

K'wentong SorbeteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon