Paano Tinalo ng Bida ang mga Kalaban?

54 1 0
                                    

Paano Tinalo ng Bida ang mga Kalaban?
ni Taong Sorbetes

Walang trapik sa EDSA at wala nang mga pasaway sa kalsada. Wala nang droga sa bawat probinsya at lahat ng mamamayan ay nagtutulungan. Walang krimen at masayang tutulog ang bawat isa sa bawat tahanan. Maraming trabaho at tama ang sahod ng mga manggagawa. Bawat bata ay nakakapasok sa eskwela at lahat ay may libreng serbisyo sa mga ospital. Walang mahirap! Ang bawat Pinoy ay kumakain ng sapat na pagkain sa bawat araw. Mura ang bigas. Mura rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bawat pamilihan. Malinis na kapaligiran. Walang mga pasyalan na marumi at lahat ay binabalikbalikan. Tuturuan ko na maging disiplinado ang lahat na sinimulan ko sa aking sarili mula pagkabata.

Kulang pa nga ito sa marami ko pang plano para sa Pilipinas kapag ako ang nanalo. Mahal ko ang aking bayan kaya ako ay tumakbo. Ngunit hindi nga talaga iyon sapat para magwagi sa eleksyon.  Ngayon, heto ako at nakaupo sa tapat ng maliit kong telebisyon. Pinapanood sa balita ang paborito kong action star noong kabataan nito. Siya na ngayon ang pangulo ng bansa. Hindi niya ako natalo sa naganap na halalan. Hindi lang talaga ako pinayagan ng Comelec... Sa kadahilanang... wala akong pera para mangampanya... at...

Isa lang akong simpleng Pilipino.

K'wentong SorbeteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon