Si Mildred at ang Kaniyang Pag-ibig

1.5K 31 7
                                    

NASA kalagitnaan na ako ng aking buhay bilang third year highschool. Heto ako, nakatayo sa may pinto ng aming classroom habang tumitingin sa mga nagdadatingan kong kaklase. Tinitingnan ko rin ang mga dumaraan sa labas. Heto nga't kasama ko rin ang mga kaibigan kong sina Rommel, Darwin, Arnel at ang pinakamaangas sa kanilang si Romeo. Sila ang mga itinuturing kong mga tunay na kaibigan dito sa school. Kahit nga sinasabi ng marami na bad influence sila sa akin ay wala na akong pakialam. Kilala kasi sila na mga basagulero, bulakbol at ‘yong laging nadadala sa guidance office dahil sa mga kalokohan. Pero para sa akin ay wala lang iyon, dahil kaibigan ko sila. Kahit pa nga ako ay kasama sa top ten ng aming section ay hindi ko sila iniiwasan.

"Mildred! Si Mae, paparating na!" sabi sa akin ni Arnel.

Siya naman si Mae, naging classmate ko siya simula second year high school. Siya rin lang din ang crush ko rito sa school. Kaso...

"Mildred, lapitan mo na!" sabi naman ni Romeo at bigla na lang nila akong itinulak papalapit kay Mae. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay natapilok ako sa isang naka-usling bato, at upang hindi ako masubsob sa lupa ay agad akong kumapit kay Mae. Subalit matindi ang sunod na nangyari, sa tapat ng mismong 'ano' niya ako napasubsob at ang mga kamay ko naman ay napadakma sa puwet niya. 

Lahat ng mga estudyanteng nakakita sa amin ay nabigla sa mga nangyari samantalang ang mga kabarkada ko ay napapikit na lang.ukhang ayaw na nilang makita at malaman ang mga susunod na magaganap.

"Bahala na si Batman..." Gumana pa ang kapilyuhan ko nang oras na iyon, mas isinubsob ko na lang ang mukha ko sa tapat ng pinagsubsuban ko.

Napatili sa galit at inis si Mae dahil sa ginawa ko. Namumula siya sa galit at hiya dahil sa akin. Para siyang mabangis na leon na parang hindi na ako bubuhayin.

HINDI na kami naka-attend sa aming first subject dahil sa nangyari. Ipinatawag kasi kami sa office at doon kami'y nasermonan. Mabuti na lang at warning lang muna ang inabot namin, ng natanggap ko.

"Kayo kasi eh! Bakit n'yo kasi ako itinulak? Mas lalo nang nagalit sa akin si Mae nito," sabi ko sa kanila habang hinihimas ko pa ang namamaga at namumulang pisngi. Pinaulanan niya kasi ako kanina nang malalakas na mga sampal.

Simula kasi nang sumama ako kina Rommel ay itinuring na ni Mae ako bilang kaniyang mortal enemy. Ang ginagawa ko na nga lang ay asarin siya, nang sa gano'n ay pansinin rin niya ako kahit paano. Kung dati, b'wiset ang tawag niya sa akin, baka kapag nakita niya ako mamaya... manyakis na.

"Pasensya ka na p're, hindi naman namin alam na ganito ang mangyayari. Sorry..." sabi naman nila sa akin.

"Ayos lang iyon. Nangyari na eh!" Tumawa na lang ako ako na parang walang nangyari.

Sikat na naman kami sa school. Lalo na ako, isang pandayo sa mga contest, isang honor student... subalit isa na raw manyakis. Pagpasok pa lang nga namin sa room ay ramdam ko na ang tensyon. Malagkit kung makatingin at nagngangalit ang mga ito. Napasulyap ako kay Mae at pansin kong namumugto ang mga mata. Marahil ay umiyak siya at nandoon na rin ang pagkainis at galit sa akin. Lalo na siyang mapapalayo sa akin kung magkagano'n.

Lumipas ang mga araw at patuloy ko pa rin siyang inaasar subalit iba na ngayon. Totally snob na talaga ako at lagi niya rin akong pinariringgan sa school.

"Bakit kaya may mga taong ipinanganak na bastos at MANYAKIS?! Dapat sa mga iyon ay sinususpinde na!" pasaring niya lagi sa akin. Pero kahit ganito kami ni Mae, hindi ko pa rin maipagkakaila na mahal na mahal ko siya. Sabi nga lagi ng mga tropa ko ay 'wag daw akong mawalan nang pag-asa. Kung kami talaga ay kami pa rin. Kaso sa mga nangyayari ngayon, mukhang nawawalan na rin ako ng pag-asa.

ISANG araw, gumawa ng list of partners ang aming guro sa MAPEH. Si Ma'm Montales, isa sa mga guro na dapat ay magpakatino ang mga estudyante or else... Babagsak sila at proven na iyon ng mga nagdaang batch. Kaya kinatatakutan.

K'wentong SorbeteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon