Sinaktang Manunulat

56 2 0
                                    

Sinaktang Manunulat
Ni Taong Sorbetes

Nananahimik ang aking puso,
Nang bigla mong hinaplos ito.
Kahit ito'y bagsak at 'di buo,
Pilit mo pa rin itong itinayo.

Pinasaya mo ang lungkot ko.
Pinatawa ang paghikbi ko.
Nakulayan mo ang aking mundo.
Sa kabila ng kadiliman nito.

Masaya tayong nagsama,
Tila ba wala ng hadlang pa.
Bawat oras ay masaya,
At araw-araw ay maligaya.

Ngunit bigla akong nagising.
Na iba na 'yong kapiling.
Akala ko'y tayo na sa huli.
Iyon pala'y isa kang sinungaling.

K'wentong SorbeteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon