Tunay na Ligaya

160 6 3
                                    

KINAIN na namang muli ng dilim ang buong paligid. Hudyat na rin ito sa kanya upang suotin ang maikli niyang itim na skirt at isang spaghetti dress. Nakangiti pa nga siya matapos isuot iyon at pagkatapos ay humarap sa malaki niyang salamin para kilatisin ang maganda niyang katawan. Ang sexy ko talaga, ito ang nasa isip niya nang sandaling iyon. Iniliyad pa niya ang kanyang dibdib at iniusling bahagya ang kanyang pwetan. Itinaas pa niya ang kanyang palda, dahilan para mapahagikhik siya sa ginawa niyang 'yon. Matapos iyon ay pansamantala siyang naupo sa kulay rosas niyang kama.

Napangiti siya, naalala niya noong bata pa siya... pangarap niyang makapangasawa at magka-anak sa isang makisig na lalaki. Mala-Piolo Pascual, ito ang lagi niyang naiisip at siya rin lang ang nakakaalam nito. Labing-walong taon na siya ngayon, at tila ba'y paraiso na sa kanya ang makaranas ng isang romansa. Walang masamang mangarap, lagi niya itong isinasaisip. Alam niyang kalandian ang iisipan ng iba, subalit ito ang kanyang gusto. Ano ba namang masama kung gustuhin niyang makatalik ang isang lalaki? Ito ang sinabi niya sa kanyang sarili nang oras na iyon.

Napakagat-labi naman siya't napatingin sa kawalan. Isang napakainit na eksena rin ang biglang pumasok sa kanyang isipan...

Napuno ng ungol ang loob ng isang silid dahil sa isang pangyayaring nagaganap sa dalawang pares ng tao. Nakatilikod siya't medyo nakausli ang pwetan habang ang isang binata naman ay may kung anong ibinabao't kinukuha sa kanyang kaselanan habang nakakapit pa ito sa balakang niya. Ramdam na ramdam niyang pagkikiskisan ng kanilang katawa't laman. Animo'y musika ang kanilang impit na ungol na sinabayan pa ng pagsasalpok ng kanilang mag balat.

Nakaramdam siya ng pag-init sa pagitan ng kanyang hita habang iniisip iyon. Paraiso, ito siguro ang mararating niya 'pag nadiligan siya ng mainit na nektar mula sa isang makisig na lalaki. Pasimple tuloy siyang natawa at nagdesisyong lumabas na sa kanyang silid dahil may lakad sila ng mga barkada niya. Ngunit isang 'di-inaasahang tao ang kanya palang makikita...

"A-arturo?!" Nagulantang siya nang makita ang kanyang ama. "A-anong ibig-sabihin nito? Bakla ka?" pagalit at pasigaw pa nitong sinabi sa kanya. Nangatog naman siya sa takot. Hindi niya kasi akalaing uuwi ang kanyang ama dahil nasa abroad ito. Bata pa siya nang huli niya itong makita sa personal at ni minsa'y 'di niya ipinaalam ang tunay niyang pagkatao rito.

ANG tunay na paraiso ay ang lugar na kung saa'y masaya ang isang tao. Takot na takot nga si Arturo sa kanyang ama pero kailangan na rin niyang magpakatotoo. Gusto niyang sumaya, at dito siya masaya.

Lumipas ang ilang buwan at natanggap na rin siya ng kanyang ama. Isa na siyang ganap na pusong-babae. Kung may isa man siyang pinagsisisihan, iyon ay ang walang-kwenta niyang pangarap. Pangarap na bunga ng imahinasyon...Masayang pamilya, ito talaga ang paraiso at wala ng iba pa.

Song: Paradise by Coldplay

WAKAS

K'wentong SorbeteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon