Sabonilism

84 3 1
                                    

Sabonilism

UNANG beses ko pa lang na nakita kita, amoy ko na kaagad... este ramdam ko na pala. Hindi nga ako nagkamali, ako nga ang bibilhin mo. Bukod kasi sa malaki ako, alam kong alam mong effective ako sa 'yo.

Halos masuka ako, pero mabuti na lang at nakayanan ko nang unang magdikit ang ating mga balat. 'Lang'ya! Ang bango-bango mo. Gusto ko sanang itanong kung naliligo ka pa ba. Kadiri! Tapos nakita ko pa ang ano mo. Bukod sa maiitim, nakakasulasok pa ang amoy. Gusto ko na ngang isigaw sa 'yo noong... "Tao ka ba o basura!?"

Pero sabi nga, masasanay at masasanay rin ako sa iyo. Lumipas ang mga araw, nakakapalagayan na kita ng loob. Malaki na nga ang pasasalamat mo siguro sa akin kasi natanggal ko ang putok mo. Sumaya na rin ako, kahit minsan mahirap. Lalo na kasi kapag ikinukuskos mo ako sa butas ng p'wet mo. Tangina! Para akong nasa impyerno. Pakiramdam ko'y hindi ka naghuhugas pero nakikita naman kitang hinuhugasan iyan. 'Lang'ya! O talent mo lang talaga iyan? I mean, super power.

Sabi mo pa nga sa akin, ikaw lang dapat ang gumamit sa akin. Nakakatuwa, na-appreciate ko iyon. Pakiramdam ko, napakalaki ng silbi ko sa iyo. Pero kung tutuusin talaga, ang laki ng utang na loob mo sa akin.

Subalit isang araw, lagi ka na lang umuuwi na badtrip. Nalaman ko iyon kasi lagi kang nag-e-emote sa loob ng C.R. kung saan ako nakahimlay. Kitang-kita ko lagi sa mga mata mo ang inis.

"Tangina! Sira-ulo talaga ang mga iyon!" inis mong sinabi sa harapan ng basag mong salamin minsan.

"Kasalanan mo rin kasi..." Gusto ko sanang sabihin sa iyo kahit isa lamang akong sabong-panligo. Paano ba naman, noong isang araw. Dito mo sa boarding house pinatuloy ang mga tropa mo. Nag-inuman pa kayo hanggang umaga. Gusto ko nga sana silang pigilan kinaumagahan, pero wala na akong nagawa. Ginamit din nila ako nang sila'y maligo. Nakakatuwa na hindi pero iyon ang unang beses kong madikit sa balat ng ibang tao, maliban sa 'yo.

Ngayon, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Na-basted ka na rin kasi ng nililigawan mo dahil sa sikreto mo. Tapos nalaman niya iyon nang malaman ng tropa mo ang itinatago-tago mo. Nang araw nga na nag-uwian sila noon... Tumawa na lang ako nang tumawa. Kung naririnig mo nga ay baka mabingi ka. Paano ba naman, nalalinan mo na rin siguro ng buni ang mga kaibigan mo. Baka maghapon na silang kumamot nang kumamot.

MAKATING WAKAS

K'wentong SorbeteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon