Chapter 4 - Sarcasm

2.5K 119 3
                                    

Sabado ng tanghali, ilang araw makalipas ang fashion show, humahangos na kumatok si Sam sa pinto ng Condo Unit ni RJ.  Lumabas si Gerald from his Unit. 

Gerald:  Huy nakakabulahaw ka ng kapitbahay bro!  Tawagan mo at malamang malalim ang tulog non. Pagod na pagod ang dami ng flights niya kahapon eh.

Sam:  Sorry, eto na tatawagan ko na. 

Natapos ang sampung ring hindi sumagot si RJ, sinubukan ulit tawagan wala pa rin.

Sam:  Grabe naman sa pagkamantika matulog to si RJ.

Gerald:  Bakit ba kasi ang aga-aga nandito ka?

Sam:  Tumawag si Pat, we are invited to a thanksgiving swimming party  ng mga models today. Pili lang ang inimbita puro close friends lang nila. So pati sila Valeen at Anne.  They even specifically asked kung invited ba tayo.

Gerald:  Huwag kang excited, baka nakakalimutan mo, pinagbigyan ka lang ni RJ.  How sure are you na gugustuhin niyang sumama this time?

Sinubukan ulit tawagan ni Sam, sumagot na ito, mukhang bagong gising nga ang boses.

RJ:  Hello Samuel, ang aga-aga tumatawag ka, this must be a matter or life and death kung hindi lagot ka sa akin.

Sam:  Open the door nandito ako sa harap ng pinto mo kanina pa.

Pinagbuksan ni RJ ng pinto si Sam at humiga ulit sa couch.

RJ:  Wala ka bang alam gawin sa buhay mo kung hindi  bwisitin ako?  Sinira mo ang panaginip ko eh!

Sam:  Pasensya na, natataranta lang ako eh.

RJ:  Bakit na naman ba?

Pumasok sa pinto si Gerald at naupo sa pangisahang couch.

Sam:  Invited tayo sa isang swimming party ng mga models today tumawag si Pat kanina.

RJ:  O tapos?

Sam:  Anong o tapos? Syempre we need to go.  Bro, si Patricia yon alam mo namang hindi ko matatanggihan si Patricia.

RJ:  Eh di huwag mong tanggihan, go... ayan isama mo si Gerald, ano bang problema mo?

Sam: Sumama ka na bro.

RJ:  Nampotah bro ang tanda mo na gusto mo pa may chaperon ka?  Spare me I'd rather sleep kaysa makipagplastikan  sa mga modelong yon.  Alam mong ayoko ng mga gathering na ganyan.

Gerald:  Sinabi ko na sa yo diba?

Sam:  Bro, ikaw lang may matinong kotse.

RJ:  Take the car then, go!

Sam:  Bro naman, alam mo naman ikaw ang wingman ko eh.

RJ:  Ayos ka ah! Ngayon ka pa nangailangan ng wingman eh hindi na nga mabilang ang dami ng babaeng naikama mo ng wala ang tulong ko.

Sam:  Bro, alam mo namang hindi naman pangkama lang si Patring eh.

RJ:  Bakit pang ano ha? May iba ka pa bang kailangan sa babae? 

Sam: Bro pangmatagalan yon, pang habangbuhay.  Bro, sige na naman.

RJ:  Kilala mo ako Sam, pag wala ako sa mood wala ako sa mood.  Hindi mo ako mapipilit makipagplastikan. Kapag may nakita akong hindi ko gusto I will deal with it in my own terms.

Sam: Oo, be as you please basta gusto ko lang nandon ka. 

RJ:  Saang lugar ba to?

Sam:  Corinthians Bro, bahay daw nung  Manager nila pero tayo tayo lang.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon