Chapter 53 - Ang pagsilang

2.1K 95 1
                                    

Kabuwanan na ni Maine ng panahon na yon. Nasa bakasyon naman si Rickey kasama ang Lolo Tatay at Lola Nanay niya. Isang sabado na nasa gym si RJ at Gerald. Bumangon si Maine ng maramdaman niyang basa ang kamang hinihigaan niya. Takang-taka siya at nahihiya sa sarili dahil ang inisip niya ay naihi siya sa kama. Hinawakan niya ang basang bedsheet at inamoy. Napakunot ang noo niya dahil hindi naman amoy ihi ang bedsheet, para lang itong nabasa ng maligamgam na tubig. Napamulagat siya ng maisip na kabuwanan na niya at maaaring pumutok na ang panubigan niya. Nagsimula siyang nerbyosin at magpalpitate. Hinagilap niya ang cellphone habang pinakikiramdaman ang sarili. Hindi naman sumasakit ang tyan niya, sinilip din niya ang hita, wala din namang dugong tumutulo dito. Pinilit kalmahin ang sarili at ng makita ang cellphone tinawagan si RJ.

Maine: Bes, pwedeng uwi ka muna now na.

RJ: Ok, tapos naman na kami eh. Baba na kami dyan.

Ilang minutong nakaraan masayang nagtatawanan pa si RJ at Gerald papasok sa condo unit ni RJ.

RJ: Bes, nandito na kami, may kailangan ka ba?

Maine: Nandito ako sa kwarto. I think my waterbag broke.

RJ: Ano?

Biglang napatakbo si RJ at Gerald sa kwarto at nakita nilang nakatayo si Maine at itinutupi ang bedsheet.

RJ: Oh, anong ginagawa mo?

Maine: Nagising akong basa ang kama eh hindi naman amoy wee-wee. Pakilagay na nga to sa laundry basket at maliligo ako.

RJ: Maliligo? eh if your waterbag broke dapat pumunta na tayo sa hospital.

Maine: Bes, kalma! Hindi pa sumasakit ang tyan ko at hindi din ako nagbe-bleed.

RJ: Ok, sige alalayan na kita papunta sa banyo, iaabot ko na lang ang towel at damit mo.

Pumasok na si Maine sa banyo. Natatarantang kumuha ng maternity dress at panty si RJ sa kabinet kakamadali tumama ang siko nito sa kabinet.

Gerald: Bro, tama si Maine. Kalma! Sa itsura mo parang ikaw ang manganganak eh. Breathe!

RJ: Ok, ok.

Gerald: O ngayon isipin mo kung ano ang kailangan mong gawin.

Kinatok ni RJ si Maine at iniabot ang towel at damit. Humarap kay Gerald.

Gerald: What's next?

RJ: Ok, tawagan ko ang OB, bro pwedeng pakilabas na sa salas yang baby bag at tsaka yang knapsack na katabi, yan ang mga dadalhin sa hospital eh. Tapos bihis ka na din, samahan mo kami.

Gerald: Ok, sige ilalabas ko na ito at magbibihis na ako. Basta kalma ha.

RJ: Ok bro, thanks!

Kinausap ni RJ ang OB at sinabi ang nangyari. Mayamaya lumabas si Maine ng banyo.

RJ: May masakit na ba sa yo?

Maine: Wala pa naman.

RJ: Kausap ko si Doc sabi niya within 24 hours dapat manganak ka na. Kahit na wala pang labor pains pumunta pa rin daw tayo kasi, open ka na daw so prone ka to infection mabuti ng nasa ospital para less germs at para matingnan ka na din daw niya.

Maine: Ok sige na maligo ka na. I wore an adult diaper just in case I bleed or anything. Hintayin na lang kita sa salas.

Mabilis ngang naligo si RJ, bago pa ito natapos nasa veranda na si Maine at Gerald at nagpapabalik-balik ng lakad si Maine.

RJ: Oh, bakit ka nagpapabalik-balik dyan?

Maine: Sabi ni Nanay MaryAnn dapat daw naglalakad para matagtag.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon