Chapter 48 - Pagtulong

2K 99 0
                                    

Dumulog nga sila RJ at  Maine sa Doctor.  Naging maayos naman ang resulta ng mga test nila at lumabas na pareho naman silang walang problema. Kaya  binigyan na lang sila ng vitamins at ipinaliwanag sa kanila ang ovulation at fertility circle ni Maine para makatulong. Pinayuhan din sila na magrelax at maglaan ng oras para sa isa't isa at magdasal.

 Samantala, dumaan ang mga araw, napilit ni RJ na tanggapin ni Andrew ang perang ibinibigay niya para sa pagpapagamot ng Ina. Pero desidido na itong umalis papuntang Italy. Sinubukan na din nila ni Maine na kausapin si Gara pero lagi lang itong nagkukulong sa kwarto.  Lagi nitong sinasabing masama ang pakiramdam ko. Si RJ ang hindi nakatiis at nakipagkita kay Andrew.

RJ: Bro, noon pa natin plinano na magtwo for the road parang ngayon lang tayo nagkaron ng pagkakataon ah.

Andrew: Oo nga eh.

RJ: Kamusta si Mama mo?

Andrew: Maayos naman, malakas naman siya at ayos na din ang lahat ng kailangan niya para sa pagalis namin pati na ang hospital na magaasikaso sa kanya sa Verona.

RJ: Kamusta kayo ni Gara.

Natigilan si Andrew pero casual na sumagot ito.

Andrew: Ok naman. Tulad ng sabi ko sa yo  mapo-postponed nga lang ang mga plano namin.

RJ: Bakit sabi ni Rickey, hindi ka daw nagpupunta sa bahay nila? Namimiss ka na nung bata eh.

Andrew: Busy kasi eh, hayaan mo tatawagan ko mamaya and when I get the chance dadalawin ko.

RJ: Alam mo bang nakaleave si Gara? Sabi ni Tatay nagpasya daw na magleave kasi wala sa trabaho ang isip. Alam mo bang kahit dumadalaw kami, hindi niya kami hinaharap, laging masama ang pakiramdam. Ang tagal na nga namin siyang hindi nakikita eh. May nangyari ba?

Andrew: Baka nalulungkot lang sa pagalis ko.

RJ: Bro naman, kung may problema kayo, baka may maitutulong kami ni Maine?

Andrew: Walang ibang makakatulong sa kanya kung hindi ang sarili niya. Niyaya ko siyang sumama sa akin ang bilis ng pagkakatanggi. Hindi daw niya pwedeng iwan si Rickey. Don't get me wrong bro, naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya. Ang sa akin lang, all her life ginawa na niya ang lahat para kay Rickey, para sa pamilya niya. Hindi ba pwedeng para sa sarili niya naman? Gusto ko lang sanang marinig na umoo siya para malaman ko na totoong gusto niya akong makasama kahit saan at kahit kailan dahil ganon niya ako kamahal pero wala eh. Mali ba ako bro?

RJ: Hindi naman, may karapatan ka namang masaktan at may katwiran naman ang mga sinabi mo.

Andrew: Mahal na mahal ko si Rickey at hindi naman namin iiwan yung bata ng ganon lang. Sa magulang naman nya iiwan tapos nandyan ka naman sigurado naman akong hindi mo pababayaan si Rickey. So, bakit hindi pwede? bakit ayaw niya?

RJ: Hindi ko din maipaliwanag eh dahil alam ko naman kung gaano ka niya kamahal. Ang naiisip ko lang hindi niya lang talaga kayang iwan si Rickey.

Andrew: Hindi ko kakayaning magpaalam pang muli sa kanya kaya hindi na ako nagpapakita. Ayoko na ding dagdagan pa ang sakit na pareho naming nararamdaman. Wala naman na ding makakapagpabago sa desisyon niya eh.

RJ: Kailan ang alis ninyo?

Andrew: Sa makalawa.

RJ: Eh di malamang na matatagalan pa bago tayo magkita ulit?

Andrew: Yung totoo? Hindi ko alam kung magkikita pa tayo eh kaya uminom na lang tayo at magpakalasing para sa una't huling inuman natin. 

Nalungkot si RJ sa narinig pero wala siyang magawa.  Ang gusto lang niya maging masaya si Gara pero bakit parang napakailap ng kaligayahan para sa dating nobya.  Sa mga pagkakataong ganon naitatanong ni RJ sa sarili kung tama ba ang mga naging desisyon nila ni Gara sa buhay?Masaya siya sa buhay na pinili niya pero bakit si Gara hindi.  Naisip niya, "there must be something wrong somewhere?"

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon