Chapter 46 - Marriage Goals

2.3K 97 0
                                    

Pagbalik nila galing Boracay, mas naging at ease si RJ at Maine sa pagiging magasawa.  Marahil dahil  nakumpirma ni RJ na mahal talaga ni Andrew si Gara at si Maine, nakita din niya na may pagtatangi si Gara kay Andrew kaya nakampante na ito.  Dahil na din mas naging close silang apat bilang magkakaibigan.

Si RJ, pinilit bawasan ang pagsigaw at natutong makipagusap ng maayos kay Rickey at Maine kapag may hindi ito nagugustuhan.  Si Maine naman ginawa ang lahat para ipakita kay RJ na pwede siyang maging simpleng maybahay.

Kapag pareho silang may trabaho, inihahatid muna ni RJ si Maine sa trabaho nito bago ito pumunta ng airport.  Kapag maagang umuuwi si Maine sinisiguro nitong makakaluto siya ng masarap na hapunan.  Si RJ naman lagi-t lagi ng may pasalubong para kay Maine. Nagpapalaundry sila ng kanilang mga damit pero ang uniform ni RJ personal na nilalabhan ni Maine at kahit anong pilit ni RJ ayaw nitong pumayag na ipalaundry na lang ito.  Kapag wala namang shoot or fashion show, madalas na nasa bahay lang si Maine, naglilinis ng bahay.  Bihira na itong lumabas kasama ng mga kaibiga at kung lalabas man sinisiguro nitong nakauwi na siya bago pa dumating si RJ.  O kaya naman doon na niya niyaya sila Patricia, Valeen, Anne at Gara na magpa spa, magpamanicure at pedicure.

Masaya ang kanilang naging pagsasama kaya madaling lumipas ang apat na buwan at dumating ang araw ng kanilang first wedding anniversary.

Naghanda sila ng isang hapunan para icelebrate ang kanilang unang taon bilang magasawa. Inimbitahan nila ang kanilang pamilya pati ang pamilya ni Gara at lahat ng kanilang malalapit na kaibigan.  Ginawa ang party sa Clubhouse ng Raja Gardens. Nagpacater sila para sa 50 persons.  Maagang dumating doon si Daddy Rick at Ryzza kasama din si Marco.  Hindi naman makakarating ang magulang ni Maine dahil kasalukuyang bumibiyahe sa Asia.  Si Maine mismo ang nagbake ng cupcake na giveaways nila.

Alas sais ng gabi ng dumating sa Clubhouse si RJ na naka black suit at yellow gold na longsleeves at yellow na tie  at naka yellow gold na haltered long cocktail dress naman si Gara at nakasilver na stiletos.   Bandang alas syete ng magsimulang dumating ang mga bisita.  Dumating sila Tatay Teddy at Nanay MaryAnn kasama si Rickey.

Rickey:  Happy Anniversary Papa and Mommy!

Humalik at yumakap ito kay RJ at Maine.  Nagmano at humalik naman sila RJ at Maine kila Tatay Teddy at Nanay MaryAnn. 

Tatay Teddy:  happy anniversary sa inyo mga anak.

Nanay MaryAnn: Congratulations.

RJ at Maine:  Salamat po, Tay, Nay.

Hinatid sila ni RJ sa lamesa kung saan nandon sila Daddy Rick at Ryzza. Tuwang-tuwa ang magama ng makita si Rickey,  Nagpabibo naman ito sa kanyang Lolo at Tita.

Mayamaya, lumapit si RJ kay Tatay Teddy at Nanay MaryAnn.

RJ:  Tay, nasan si Gara?

Tatay Teddy:  Magkasabay sila ni Andrew at kukunin pa daw ang regalo nila sa inyo.

RJ:  Ang kulit talaga ng dalawang yon, sinabi ng huwag ng magdala eh.

Nanay MaryAnn:  Hayaan mo na. Bakit mo ba hinahanap?

RJ: Eh kasi ho, si Gara ang emcee at sila ang katulong ko sa regalo ko sa misis ko.

Daddy Rick: Ano na naman kayang kalokohan ang gagawin mo?

Natatawa si RJ. 

RJ:  Basta Dad, panoorin ninyo mamaya.

Mayamaya, dumating si Andrew at Gara kasama si Paolo.  Pagkamano kay RJ at Maine tumakbo si Paolo papunta kay Rickey.  Nagmano ito kay Tatay Teddy at Nanay MaryAnn.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon