Chapter 62 - Paglilihi

1.8K 78 9
                                    

Makalipas ang dalawang linggo, nagulat si Andrew at Gara ng dumating sa bahay nila si RJ, Maine, Sam at Patricia.  May bitbit na seafood pasta si RJ at Maine, may bitbit naman na 3 bucket na fried chicken sila Sam.

Andrew:  Oy, this is a surprise

RJ:  Magcelebrate tayo ng pagiging Daddy mo.

Naghigh-five silang dalawa 

Sam:  Congrats Bro, padating ang tropa at nagbitbit na kami ng pagkain para hindi na magluto si Gara.

Maine:  Oo nga, congrats ulit!

Patricia:  Hi Gara!

Gara:  Oy nadalaw kayo?

Andrew:  Hon, idea ni RJ at Maine, magcecelebrate daw tayo.  Upo kayo.  Teka mag-iced tea na muna tayo habang hinihintay natin  yung iba.

Naupo sila sa living room at nakinig sa kwento ni Andrew at Gara.  Mayamaya dumating sila Ryan at Anne, may dalang hilabos na sugpo.  Kasunod din nilang dumating si Gerald at Valeen na may dalang manggang hilaw  at bagoong at si Marco at Taki na may bitbit na cheesecake.

Inihain na nila sa lamesa ang mga pagkain.

Gara: Bie, balatan mo na yung manggang hilaw bilis.

RJ:  Aba, oo naman para sa yo Bie nanginginig pa.

Sam:  Sabihin mo lang kung anong gusto mo Gara, magkakandapa kaming lahat sa pagkuha.

Gara:  Ang OA ninyo.

Nung inilapag ni RJ ang mangga at bagoong sa harap ni Gara, kumuha ito at kumain. Sarap na sarap ito.

Gara:  Oh, huwag ninyo akong panoorin, kumain na kayo.

Nagkanya-kanya ng kuha ng pagkain ang mga ito.  Panay ang kwentuhan nila habang kumakain.

Gara:  Alam nyo nung makita ni Andrew na positive umiyak siya.

Ryan:  Kahit siguro ako maiiyak eh.

Valeen:  May pinaglilihian ka na ba or meron ka bang ayaw na amoy?

Andrew:  Yung amoy ng bagong saing na kanin gusto niya.  Pero ayaw niya ng amoy ng pabango.

Anne:  Nagke-crave ka ba sa pagkain?

Gara: sa manggang hinog at manggang hilaw pa lang naman.

Ryan:  Favor Gara kapag maglilihi ka sa tao huwag kay Gerald ha.

Gerald:  Tado! Grabe ka sa akin ha!  Ako kaya ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa. 

Natawa silang lahat, lumabas ang dimples ni Andrew ng tumawa ito biglang tinusok ni Gara ang dimples ni Andrew ng daliri niya at kinurot ang pisngi nito.

Andrew:  Awww Hon

Gara:  Ay sorry Hon

Hinalikan niya ito sa pisngi at hinaplos ang parte na kinurot niya.  Ngumiti si Andrew,

Andrew:  Ayan, ilang araw na niyang pinagtitripan ang dimples at pisngi ko.

Valeen:  Eh di malamang na magkadimples din ang anak ninyo.

Gara:  RJ, pahinging sugpo please, pakibalat na ha.

RJ:  Sugpo coming up!

Tahimik lang na nagmamasid si Maine.  Nang matapos kumain.

Taki:  Ate Gara, may dala kaming cheesecake sabi kasi yun daw ang favorite mo eh.

Gara:  Wow! Thanks!

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon