Chapter 30 - Lukso ng dugo

2.2K 100 2
                                    

Bandang alas onse ng umaga ng pumarada ang kotse ni RJ sa tapat ng bahay nila Gara.

Gara: Eto ang bahay namin, property ito na namana ni Tatay. Halika pasok tayo.

Pumasok sila sa gate at tuloy tuloy sa pintuan. Nakita nila na nakaupo sa salas  ang Nanay at  Tatay ni Gara.   Lumapit si Gara sa kanila at nagmano.

RJ: Good Afternoon po. Tito Ted

Nagmano si RJ at nakipagkamay kay Tatay Ted.

RJ: Good afternoon po, Tita Ann. Kamusta na po?

Nagmano at nagbeso naman siya kay Nanay MaryAnn.

Tatay Ted: Ricardo, ikaw na ba yan? Aba'y binatang binata ka na.

Nanay MaryAnn: Ang tangkad mo na at lalo kang gumandang lalaki.

RJ: Nagmature lang ho pero minsan isip bata pa rin. Masaya po ako na nagkita tayo ulit.

Tatay Ted: Maupo ka, Mary Ann ikuha mo ng maiinom si RJ.

Gara: Nay si Rickey ho?

Nanay MaryAnn: Baka nasa kwarto. Kakapaligo lang niyan galing dito si Drew kakaalis lang nagbasketball sila.

Gara: RJ, sandali ah magbibihis lang ako.

Mayamaya narinig ni RJ na may kausap na bata si Gara.  Rinig na rinig niya na tawagin nito ng Mama si Gara.  Napatingin si RJ sa mga magulang ni Gara pera wala siyang makitang reaksyon sa mukha ng mga ito.

Gara: Iwan mo muna yan at bumaba ka na don, may ipapakilala ako sa yo.

Rickey: Susunod na po ako, you go ahead.

Gara: Rickey, ano ba? ang kulit mo

Rickey: Mama, ano ba? ang kulit mo din, matatapos na akong ligpitin ito eh

Gara: Dyosko ngayon ka pa talaga nagpakaresponsible ha. Sige sumunod ka na ha.

Bumaba na si Gara, napansin ni RJ na kinakabahan ito pero natawa lang si RJ.  Umupo si Gara sa tabi niya.  

Gara: Pasensiya ka na ha, yung anak ko ang kulit eh.

RJ: Obviously, anak mo nga makulit eh.

Napatingin si Gara sa kanya, pilit inaalam ang reaksyon ni RJ sa sinabi niya pero hindi niya ito kinakitaan ng pagkainis at kahit pagkagulat man lang.

Gara: Rickey ano ba?! Ang tagal mo.

Rickey: Mama, magmamalling ka po ba? nagmamadali ka na naman.

Natawa si RJ.  Nagsasalita si Rickey habang bumababa. Gumagalaw pa ang kamay na parang nagmwemwestra ng kung ano.

Rickey: Alam mo Mama, babae ka nga  po, you change your mind a lot of times. Sabi mo dapat nililigpit ang toys pagkatapos gamitin tapos ngayon naman po gusto mo iwan ko yung mga toys ko don. Why are you masungit ba? Is it the time of the month?

Gara: Ano? at anong alam mo sa time of the month?

Rickey: A lot, kapag masungit, mainit ang ulo, laging galit at tinatamad po ang babae, it is the time of the month.

Gara: At kanino mo natutunan yan?

Rickey: Kay Tito Drew po, kasi nagsusumbong ako nung isang araw pano pinagalitan mo ako over a small thing and sabi niya dapat daw pagpasensyahan kita kasi baka its the time of the month.

Gara: Yang Tito Drew mo kung ano anong tinuturo sa yo!

Rickey: Pero Mama bakit yung girl na classmate ko maganda sana pero everyday masungit. Ano yun everyday time of the month?

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon