Chapter 40 - The Bride

2.3K 112 6
                                    

Sa bahay nila RJ.  Magkakasabay na nagbibihis si Daddy Rick, RJ at Rickey.  

RJ:  Daddy, sa palagay ninyo ok na ho kaya lahat doon sa kabila?  

Daddy Rick:  Huwag kang magalala, nakausap ko na sila Balae, ok naman na daw.

Isang mansyon sa Tree Farm ang nirentahan para sa reception at lugar na pagaayusan sa bride at buong entourage.  Walang kaalam-alam si RJ sa mangyayari.  Kumpleto na ang buong entourage.  Nasa isang kwarto sila Gara, Maine, Patricia, Valeen, Anne, Taki, Ryzza at nagpapaayos. Nasa kabilang kwarto naman ang mga boys. 

Maine:  Gara, natatakot ako.  Papano kung tanggihan ako ni RJ.  That would be embarrassing.

Gara:  Maine, kilala ko si RJ, bawat galaw at kilos lalo na ang mga mata niya kaya sigurado akong mahal na mahal ka non.  Kung nakita mo lang kung papano siya umiyak at nagalala nung maaksidente ka.

Maine:  Gara, you are a very good person, you have such a heart of gold for doing this. 

Gara:  Tulad ng sinabi ko sa yo, mahal ko si RJ sobra and because of that I wanted him to be happy. So, I really hope you will do the same, love him the way I would.

Ngumiti si Maine.  

Maine: Promise I will.

Gara:  Isa lang ang hiling ko, let us be a part of his life lalo na si Rickey.

Maine:  Don't worry you will both be part of our lives.

Nagyakap ang dalawa. 

Gara:  Ano ladies let's get this show on the road na baka naiinip na yung aming groom.

Patricia:  Wait kuhanan ko muna kayong dalawa.  Grabe Gara, today you definitely look like Maine. 

Gara:  Wait till you see me walk later, tinuruan ako ni Maine rumampa.

Nagtawanan sila. Lumabas na ng kwarto at nagpunta sa sasakyan, Sa isang Van sasakay ang buong entourage at si Maine at Gara sa wedding car.

Sampung minuto bago magalas kwatro ng dumating sa simbahan sila RJ. Pinapila na sila agad ng organizer ng simbahan. Paghinto ng kotse namin sa tapat ng simbahan tinawagan ni Gara si Daddy at sinabing dumating na sila. Sinabihan na niya ang organizer na dumating na ang bride at pwede ng magsimula.

Habang naglalakad kinausap ni RJ ang ama.

RJ: Daddy, bakit kaya kinakabahan ako?

Daddy: Ganyan talaga kapag ikinakasal anak. Basta ang isipin mo lang ay ito, kahit anong mangyari ngayon, mahal na mahal ka ni Gara at ng anak niyo. Gusto nilang maging masaya ka. Kaya huwag mong sayangin ang pagkakataong maging masaya.

Tumugtog ang wedding march song, nagsimula ng lumakad si RJ kasunod ang ama. Nang makarating sa harap inabangan na ni RJ ang iba pa.  Nagulat siya ng makita si Sam na naglalakad magisa.  Kinamayan siya nito.

Sam:  Hindi makakarating ang Bestman eh kaya ako na lang.

Sumunod ang mga Ninong at Ninang.  Nagulat ulit si RJ ng makita  Si Josh at Anne, Gerald at Pat, Ryan at Valeen. Napatingin siya kay Daddy Rick bumulong

RJ:  Dad anong nangyari?

Daddy Rick:  Hindi ko din alam.

Naglakad ang dalawang pamangkin sa pinsan ni RJ  bilang flower girls, sumunod si Rickey bilang Coin at Ring bearer sa tabi ito ni RJ dumeretso

Rickey:  We love you Papa, we want you to be very happy.  

Tumayo ito sa tabi ng ama. Kasunod na sina Ryzza at Marco.   Dahan-dahang lumalakad si  Gara sa aisle.  Fully made up ito, nakaladlad ang kinulot na buhok sa biglang tingin aakalain mong si Maine ito. Pero tinignan ito ni RJ sa mata, hindi si Maine ito at ng ngumiti nagulat siya.  Si Gara ang naglalakad bilang Maid of Honor.  Nakatitig si RJ sa mata ni Gara nakangiti ito, tumutulo ang luha pero masayang nakatitig sa kanya. Tumulo na din ang luha ni RJ. Nang makarating ito sa  sa harap, hinawakan ni Gara ang pisngi niya. Umiiyak siya.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon