Chapter 49 - Conflict

1.9K 93 6
                                    

Isang linggong hindi nagkita o nagkausap man lang sila RJ at Gara.  Puro international flights kasi ang byahe niya.  Hindi din niya nadadalaw man lang si Rickey pero palagi naman silang nagkakausap sa cellphone.  Pero wala na siyang balita sa kung ano na ang nangyayari kay Gara nung ihatid kasi niya si Rickey wala din ito sa bahay nila.  Kaya nagulat si RJ ng tumawag si Gara at nakiusap kung pwedeng magkita sila.

RJ: Mukhang seryoso ang usapang ito at sa labas ka pa nakipagkita sa akin eh.

Gara: Iniorder na kita ng coffee mo.

RJ:  Thanks Bie, so what's up?

Gara:  Itatanong ko lang, yung offer mo sa akin noon na tutulungan mo akong matupad ang mga pangarap ko, does it still stand?

RJ: Oo naman, ano bang balak mo?

Gara: Gusto kong magenroll ng Culinary Arts. Ibinigay niya kay RJ ang papel na nakuha niya. That's a four months course for Diploma in Culinary Arts at gusto ko ding magtake ng Italian Culinary Course.

Nung sabihin ni Gara ang Italian, napangiti si RJ.

RJ: Susundan mo si Andrew?

Gara: Gusto kong subukan, pero ayokong pumunta don para lang hanapin siya tapos huli na pala at umuwing luhaan. Kung pupunta ako doon, gusto ko naman na may fallback ako. Tatapatin kita I cannot afford to pay for the tuition fee for both which is roughly in total 220,000. Yung mga gamit kaya ko na yon since may konting savings pa naman ako. Ano sa palagay mo?

RJ: Walang problema Bie, I can pay for your tuition fee. Ang totoo masaya ako na pumayag ka na. Dahil sa laki ng naitulong mo sa akin gusto kong bumawi sa yo. Kapag natapos ka ako na din ang bahala sa ticket mo I can use my millage para makabili ng ticket mo papunta don. Pano yung trabaho mo?

Gara: Actually, nagfile na ako ng resignation simula nung bumalik ako after my leave. Tinatapos ko na lang yung 15 days at turover. Aaminin ko sayo nahihirapan ako, mahal ko si Andrew eh. Pakiramdam ko I lost a part of me nung mawala siya kaya hindi na ako makafunction ng maayos. So, naisip ko din baka by doing something I love and has the passion for would help cope up with the emptiness.

RJ: Sa palagay ko tama ka dyan.

Gara: Pakiusap ko lang tungkol kay Rickey sana pabayaan mo ng sila Tatay at Nanay ang magalaga sa kanya, yung set up ngayon sana ganon pa rin pagalis ko. Kasi si Rickey na lang ang kasama nila eh.

RJ: Bie, tulad ng sinabi ko noon, wala akong balak baguhin ang set up natin at hindi din naman namin kakayanin ni Maine dahil pareho kaming madalas na out of town at out of the country.

Gara: Salamat ha, napakabuti mo.

RJ: Dahil naging mabuti ka din sa amin ni Maine at kay Rickey. Teka nga pala, hindi ba ipinarenovate ninyo ang bahay? Kamusta na pala itinuloy tuloy mo pa rin ba?

Gara: Oo, nagdownpayment naman na kasi si Andrew para don, so kung sa pagalis ko makapagtrabaho, ipagpapatuloy ko ang pagbabayad non. Sana nga bago ako makaalis matapos na yon. Dahil gusto kong patunayan kay Andrew, wala na akong ibang hinangad kung hindi ang makasama siya.

RJ: Tama lang yan Bie, may karapatan kang lumigaya kaya dapat sundin mo ang gusto ng puso mo.  Tama na muna yang pagiging practical at martyr mo.

Gara: Bie, sigurado ka bang okay lang kay Maine na tulungan mo ako?

RJ: Sigurado ako, marunong tumanaw ng utang na loob ang asawa ko Bie kaya wag kang magalala at kung sakali mang mali ako, wala pa din naman siyang magagawa dahil pera ko naman ang ibibigay ko sa yo.

RJ: So, kailan mo gustong magenroll?

Gara: Kakausapin ko muna sila Tatay at Nanay. Tawagan kita bukas.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon