Chapter 34 - Pagtutuwid

1.9K 85 1
                                    

Masayang masaya si RJ.  Kinabukasan, tinawagan niya ang ama.  Tuwang-tuwa din ito sa balitang engaged na sila ni Gara.  Sinabi nito na siguraduhing uuwi sila sa kaarawan ng kanyang ama para maipakilala si Gara at Rickey sa pamilya at kaibigan.

Nagtimpla ng kape at naupo sa veranda si RJ.  Binalikan ang nagdaang gabi, nakita niya kung gaano kasaya si Gara at naiyak pa ito.  Ang nasa isip niya, "Gagawin ko ang lahat para makabawi sa yo, tutuparin ko ang pangako ko, bubuuin ko ang pamilyang pinangarap natin noon. Gagawin kong pinakamasaya ang mga araw na magkakasama tayo because that is what you deserve. Para sa lahat ng ginawa mo para sa akin, kapalit ng dakilang pagmamahal mo, kapalit ng mga paghihirap mo ibibigay ko ang buong buhay ko para sa inyo ni Rickey.  Kahit anong mangyari hindi ko hahayaang masaktan o mahirapan ka pa.  This time ako naman Gara, ako naman ang magsasakripisyo."

Lumabas si Gerald galing  sa unit nito.  May hawak din na mug ng kape.  Binati niya ng good morning si RJ pero ni hindi siya nilingon nito. Tulala ito, nakatingin sa malayo.  Inulit ni Gerald ang pagtawag at pagbati dito.

Gerald: FAULKERSON GOOD MORNING!

Nagulat si RJ, nilingon ang pinanggalingan ng malakas na tinig.

RJ:  Bro naman nandito lang ako sa malapit bat sumisigaw ka.

Gerald:  Bakit hindi?  Eh nag- good morning na ako sa yo parang wala kang narinig eh. Lalim ng iniisip mo 15 feet below sea level tol.  Ano ba nangyayari sa yo?  Ano bang iniisip mo?

RJ:  I proposed to Gara last night and she said yes!

Gerald: Wow! Congrats bro!  Teka kung ganon eh di dapat naguumapaw ka sa saya, eh bakit parang ang lalim ng iniisip mo. Nagdadalawang isip ka ba?

RJ:  Don't get me wrong... masaya talaga ako, sobra!   Masaya ako na matutupad ko ang pangako ko kay Gara at mabubuo ko ang pamilyang pinangarap namin noon.

Hindi kumbinsido si Gerald, lumipat siya sa veranda ni RJ at naupo sa garden set.

Gerald:  Ako nga tapatin mo, may iniisip ka pa bang iba?  May gumugulo ba sa isip mo?

RJ:  Yung totoo, desidido ako sa decision ko at alam ko din na magiging masaya kami ni Gara pati na si Rickey.  Pero may gumugulo talaga sa isip ko bro.

Gerald:  Ano?

RJ:  Hindi ko nabanggit sa yo, may ibang lalake sa buhay ni Gara.  Si Andrew, bestfriend niya.  Ito ang naging father figure ni Rickey noong wala ako. Sobrang close sila ni Gara, alam mo bang noong ipakilala ako ni Gara kay Rickey nandon siya, at siya ang nageencourage kay Rickey.

Gerald:  So, nagseselos ka?  Kinakabahan ka na baka hindi sigurado si Gara sa pagtanggap sa yo o na baka napipilitan lang siya?  Ikaw din naman may ibang babae sa buhay mo at siya ang nagpasaya at pumuno sa kakulangan sa buhay mo.   Hindi mo nga siya niligawan pero we both know na minahal mo si Maine.

Napatingin si RJ kay Gerald.

RJ:  Pero Ge, hindi ko kayang balewalain ang kung anong meron kami ni Gara. Gusto ko ito, ito ang tama.  Ayokong magsuffer ang anak ko kapag nagkamali ako ng desisyon.  Maine, will always be there.   Hindi man kami magkatuluyan alam kong magiging matalik ko syang kaibigan. Kaya hindi naman siya mawawala sa buhay ko eh.

Gerald:  Yun naman pala eh, malamang na ganyan din yung Andrew na yon kay Gara.  Kung ano man ang meron sila ni Gara. Siguradong mas pinili ni Gara na gawin ang tama, mas gusto din niyang buuin ang pamilyang matagal na ninyong pinangarap, para sa yo at para sa anak ninyo. Kaya wala ka ng dapat na iniisip pa.

RJ:  Tama ka.  Hindi na ako dapat nagiisip ng kung ano-ano pa. This is it! Ito na yung pinakahihintay namin ni Gara at sisiguraduhin kong matutupad namin ang pangarap na yon. Ibibigay ko kay Gara at Rickey ang buhay na dapat matagal ko na ibinigay sa kanila. Tatapusin ko ang sakripisyo ni Gara. She has sacrificed her feelings for me before, she faced life alone kahit alam niyang mahihirapan siya para lang maabot ko ang pangarap ko.  She has loved me greatly and unconditionally and I will do the same.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon