Chapter 38 - Sigaw ng puso

2.4K 105 0
                                    

Apat na buwan na lang ay ikakasal na si RJ at Gara.  Kumpleto na ang lahat.  Nakareserved na ang simbahan, nakapili na ng designs ng mga gowns,  ng venue ng reception pati na menu, florist, makeup artist, hair stylist, video and photo service. Kailangan na lang magconfirm sila at magbayad ng mga down payment.  Kumpleto na din ang lahat ng mga papeles at documentong kailangan pero hindi pa rin  ito pinapafill- up ni Gara kay RJ ang kanilang marriage license application.

Nasa harap ng Liliw Church si  Maine at Gara, kakukuha lang nila ng form ng application for church wedding. 

Maine:  O ayan na girl, all set ka na.  Kaya dapat mafill-upan na ninyo ang marriage license application form tapos ako ng bahala kung hindi makakapunta si  RJ nakausap ko na si Tito.  Basta kumpleto ang requirements kahit hindi na kayo pumunta for interview ok na pati yung family planning seminar ayos na kasi may anak na naman kayo.  Kailangan maisubmit mo yang sa Church two 1/2 months before the wedding date kasi 8 weeks yung marriage bond tapos seminar pa.

Gara:  Ok nakasulat na lahat ng deadlines dito sa planner ko so don't worry. Mamaya sasagutan at pipirmahan na namin yan.

Biglang kinuhan ni Gara ng picture si Maine gamit ang cellphone niya. 

Maine:  Oh bakit mo ako kinuhanan ng close up.

Gara:  Tignan mo ito.

Tinanggal ni Gara ang ponytail at iniladlad ang buhok, sinuklay at inayos katulad ng ayos ng buhok ni Maine.

Gara:  Kuhanan mo ako ng side view katulad ng kuha ko sa yo kanina.

Ginawa naman ito ni Maine.  Mayamaya pinakita ni Gara ang dalawang litrato kay Maine.

Gara: Alam mo ngayon ko lang narealize na magkamukha pala talaga tayo. Pero mas makinis, mas maputi at mas maganda ka sa akin ng mga dalawang paligo.

Nagtawanan sila.

Maine: Ikaw talaga, mas maganda ako kasi kailangan eh, puhunan ko ang ganda ko sa trabaho eh. Hard work kaya ang maging laging maganda sa paningin ng iba. Minsan naiingit ako sa yo kasi ikaw lahat naisusuot mo wala kang pakialam kahit ano pa ang itsura mo. Ako, kahit minsan gusto ko hindi pwede kasi I need to look good all the time. Pero tama ka magkamukha tayo, noong una kaming nagkita ni RJ, kaya niya ako nilapitan dahil akala niya ako ay ikaw.

Gara: At least consistent ang ex mo at fiance' ko sa gusto niya sa babae.

Napatingin si Maine kay Gara, pulang pula ang mukha nito.

Maine: Gara, hindi ko ex si RJ. Oo may pagtingin kami sa isa't isa noon pero alam ko simula't simula pa hindi niya ako makukuhang mahalin tulad ng pagmamahal niya sa yo.

Gara: Pero alam mong minahal ka niya sa paraang alam niya at kaya niya. That's very familiar to me.

Maine: Anong ibig mong sabihin? May minahal kang iba?

Gara: Meron, katulad ni RJ, minahal ko siya sa paraang alam ko at kaya ko dahil hindi ko din siya kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko kay RJ kaya umalis siya. At katulad ninyo, naging bestfriend din ang turingan namin ni Andrew.

Maine: Well, at least hindi ako nagiisa. Gara, napalapit ka na sa akin kaya gusto kong maging tapat sa yo. Kung ano man ang nararamdaman ko para kay RJ maaring ganon din ang nararamdaman ni Andrew para sa yo. Kaya siguro naman naiintindihan mo kung bakit ko ginagawa ito. Mahalaga kayo sa amin at masaya na kami na masaya kayo. Sana sa ating dalawa na lang ang napagusapan natin. Ayokong isipin ni RJ na ginugulo ko kayo dahil wala naman sa intensyon ko ang gawin yon.

Gara: Salamat sa honesty mo Maine at huwag kang magalala wala akong sasabihin kay RJ. May isang pakiusap ako, pagkatapos ng kasal sana hindi ka mawala sa buhay ni RJ, sa buhay namin dahil ang mga kaibigang nagmamahal sa amin katulad mo at ni Andrew ang kailangan namin.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon