Chapter 36 - Hadlang

1.9K 94 1
                                    

Dumaan ang ilang buwan at hindi pa din napaguusapan ni Gara at RJ ang kanilang kasal. Isang hapon na galing sa pagsuswimming ang magama, papasok na sana si RJ sa kwarto nila sa Condo ng marinig niyang may kausap si Gara sa Cellphone nito.

Gara:  Soul, hindi pa namin napaguusapan eh.  Ayoko nga baka sabihin pa niya atat na atat akong magpakasal sa kanya eh.

MAya-maya nagring ulit ang cellphone ni Gara.

Gara:  Hi, Dad! Naku nasa pool pa ho eh.  Hindi pa ho Dad, wala pa kaming napapagusapan tungkol don. Bakit ho?   Ay ok lang dad, itake down notes ko na lang para kapag nagusap kami mabanggit ko sa kanya sandali ho at kukunin ko yung listahan.  Sino, po si Engr.  Enrico Gatmaitan?  Ok po, actually po si Tita Sylvia nilapitan din ako nung birthday ninyo, nagpiprisintang ninang.

Tumawa si Gara at kinausap ang sarili.  

Gara: Hay naku Gara lahat na ng tao pinaguusapan ang kasal mo eh kami kahit date nga hindi pa namin napapagusapan.  Good luck talaga!

Biglang nagsalita si RJ galing sa salas at naglakad papasok ng kwarto.

RJ: Bie, we're back nasa shower sa labas na si Rickey, magsashower lang din ako.

Gara: Ok nandiyan naman sa banyo ang towel mo.

Rickey: Mama, tapos na po akong magshower.

Gara:  Yes, baby kumukuha lang ng towel.

Kumuha ng towel sa kabinet si Gara at tumakbo palabas ng kwarto.  Nakita ni RJ ang cellphone ni Gara tinignan niya ang call log nito.  Si Andrew at ang Daddy niya ang kausap ni Gara. Kinuha niya ang notebook sa lamesa at nakita niya ang listahan ni Gara.  Napailing na lang siya at naitanong sa sarili, "ano ka ba Ricardo, bakit nga ba hindi mo pa siya kinakausap tungkol dito, ikaw ang nagpropose so dapat may follow up yun." Napakamot siya sa batok at pumasok na ng banyo.

Nang gabing yon, habang nasa salas sila at nanonood ng TV, tinanong niya si Rickey.

RJ: Nak, nakita mo na ba yung singsing ni Mama?

Rickey: Opo Papa, yung bigay mo po sa kanya? Ang ganda po di ba Mama lagi mong suot yon?

Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita ko sa kanila ang singsing at pinagpatuloy ang panonood ng TV.

RJ: Alam mo ba kung para saan yon?

Rickey: Hindi po.

RJ: It's an engagement ring, ibig sabihin niyaya ko na si Mama na magpakasal and she said yes.

Rickey: Talaga po? Magpapakasal na po kayo? Titira na po tayo sa iisang bahay?

RJ: Oo naman, okay ba sa yo yon?

Rickey: Opo, gustong gusto ko po yon. Yehey!!!

Nagtatalon ito, natatawa na lang si Gara sa reaksyong ng anak. Bigla itong huminto at bumalik sa upuan sa tabi namin.

Rickey: Papa, kaylan po kayo magpapakasal?

RJ: Itanong natin kay Mama.

Tumingin sila kay Gara, pero mukhang hindi sila narinig dahil engrossed sa pinanonood.

Rickey: Mama, kaylan po kayo magpapakasal ni Mama?

Gara: Ewan ko dyan sa Papa mo, siya ang nagyaya baka may date siya na gusto niya.

Humiga si RJ sa couch at ipinatong ang ulo sa hita ni Gara.

RJ: Bie, bukas magpakasal na tayo.

Gara: Ano? Bukas?

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon