Chapter 6 - Ang kabilang mukha

2.3K 113 1
                                    

Lumipas ang mga buwan, naging busy si RJ at ang mga kaibigan nito sa trabaho.  Panay naman ang international fashion show ng grupo nila Maine.  Hanggang isang araw...

Daddy Rick:  Hello RJ, anak! Kamusta?

RJ:  Oh Dad, napatawag kayo? Ok naman ho, kayo ho kamusta naman?

Daddy Rick:  Tumawag kasi si Mayor, Fiesta dito sa atin sa susunod na linggo. Kasama ka daw sa pararangalan bilang isa mga Huwaran ng Sta. Rosa.  Kaya kailangan mong umuwi.  

RJ:  Ganon ho ba?  Sige ho hayaan ninyo at aayusin ko ang schedule ko para makauwi ako.

Daddy Ricky;  Mabuti kung ganon, kamusta ka daw sabi ng mga kapatid mo.

RJ:  Paki kamusta na lang din ho ako sa kanila.

Biyernes ng hapon ng kinasundan na linggo ng umuwi si  RJ sa bahay nila sa Laguna.  Kailangan kasi niyang dumalo sa pagpupulong para sa paggagawad ng parangal sa mga Huwaran sa kanilang Lugar.  Doon na siya sa Munisipyo dumeretso.  Pagdating nya, naupo siya sa pinakalikod na bakanteng upuan at nakinig. Maya-maya, may ipinakilala ang host nga naturang meeting.

Host:  Ngayon pakinggan natin si Ms. Maine Mendoza, isa sa mga pararangalan natin sa linggo ng gabi. 

Nagulat si RJ, nang marinig ang pangalan at makita si Maine sa harapan.  Hindi niya akalain na taga Laguna din pala ito.

Maine:  Magandang gabi po, maari pong hindi ninyo ako kilala dahil hindi naman po ako taal na taga-Sta Rosa.  Pero dito na po kami nanirahan ng sampung taon.  Bilang pagtanaw po ng utang na loob sa paaralang pinanggalingan ko dito, magkakaron ho ako ng proyekto.  Isang fashion show for a cause at magbebenta din po kami ng mga damit na  imomodelo namin sa fashion show.  Ang lahat po ng malilikom na kita ng nasabing fashion show ay idodonate po sa Mababang Paaralan ng Sta. Rosa Laguna.  Kung meron po sa inyo ang nais na magvolunteer para sa proyektong ito, lapitan ninyo lang po ako. Maraming salamat po.

Nang matapos ang buong meeting, may ilang taong lumapit kay Maine.  Samantalang kausap naman ni RJ ang sekretarya ng Mayor.  Makalipas ang trenta minutos nagpaalam na ito kay RJ.  Nakita ni RJ si Maine na naiwang magisa.  Nilapitan niya ito.

RJ:  Small world, Ms. Mendoza.

Maine: Oh, Mr. Faulkerson.  What are you doing here?  Are you stalking me?

RJ:  Huwag kang masyadong feeling superstar Miss.  I was born here and grew up here at pumunta ako dahil ipinatawag ako ni Mayor.

Maine: Oh so isa ka sa huwaran ng Sta.Rosa, Laguna.   What a coincidence! Or is it fate?

RJ:  Now I regret, na kinausap pa kita.  Diyan ka na nga!

Maine:  Ok, ok... sorry if am coming in to strong, force of habit.  Glad actually that I see a familiar face, wala kasi talaga akong kakilala.  

RJ:  Well, in case you didn't notice, naiwan ka ng magisa dito.  Sa lalim ng iniisip mo, hindi mo na ata napansin.

Luminga-linga si Maine.

Maine: Oh my Gosh! Hindi nga.  Thanks!  Namumrublema lang kasi ako.

RJ:  I can listen kung kailangan mo ng makikinig sayo.  Tutal for a cause naman yan eh.

Maine: Salamat ha. Ang totoo, okay na ang buong team na gawin ito, may mga sponsors na din at suppliers ng mga damit na pumayag na consignment.   Pero I need some help for advertisement and selling of tickets. The fashion show is on Sunday night bago ang awarding. Kailangan ko din ng mga tao para sa sale na gagawin after the fashion show.  Kaya eto natutulala na ako.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon