Chapter 8 - Friendship Goals

2.2K 108 1
                                    

Dumaan ang mga buwan, kapag may pagkakataon nagkikita-kita ang mga ito.  Katulad ng gabing iyon.  Naghahanda si RJ para magmovie marathon ng biglang tumawag si Sam.

Sam:  Bro, busy ka ba?  San ka?

RJ:  Nasa bahay lang, magmo-movie marathon ako eh.  Bakit?

Sam:  Nabo-bored kami pwede bang sumali sa movie marathon na yan?

RJ:  Ok lang basta ba, huwag kang magreklamo sa kung anong movie ang papanoorin ko eh.

Sam:  Oo kahit ano pa yan, tsaka magdadala na din ako ng pizza.

Mayamaya pa dumating si Sam, kasama si Patricia at Maine.

RJ:  Bro, akala ko naman ikaw lang. I didn't know you had company.

Sam:  Nasa mall kami eh, bored na bored na ako sa kakashopping nitong dalawa kaya isinama ko na.  Hope you don't mind.

Hindi umimik si RJ at alam ni Sam, nabad-trip ito. Pero kilala din niya ang kaibigan hindi siya ipapahiya nito.

RJ:  Tuloy, upo kayo oh, wait kukuha lang ako ng mga baso at tatawagin ko lang si Gerald.

Pinuntahan ni RJ si Gerald.

Gerald:  Oh, akala ko nanonood ka ng movie?

RJ:  Manonood pa lang, bad trip dumating si Sam kasama si Patring at Maine. 

Gerald:  Bakit naman bad trip?  Eh alam mo naman atang pupunta siya eh.

RJ:  Tumawag nga siya na pupunta siya pero ni hindi naman niya sinabi na kasama niya yung dalawa. Isalang mo nga itong popcorn dyan sa microwave mo at samahan mo ako ayokong magmukhang foursome ang movie marathon na ito.

Natatawa si Gerald, pero sinunod naman nito ang kaibigan.  Mayamaya pa bitbit ang popcorn bumalik na sila sa unit ni RJ. Nakaupo sila Sam sa mahabang couch. Bumati si Gerald sa kanila at ibinaba ang popcorn sa lamesa.

RJ: Gerald, dyan ka na sa mahabang couch.

Naupo naman si Gerald sa tabi ni Maine. Isang horror film ang isinalang ni RJ.  Natatawa si Gerald kaya naman pala niyaya siya.  Ayaw ni RJ na napaupo sa tabi ni Maine dahil ayaw nitong sa kanya ito humawak kapag natakot na.  Naenjoy naman nila ang unang movie, nagkakantyawan pa at nagtutuksuhan kung sino ang matatakutin.  Naglabas ng sanmig light in can si RJ. Iniabot kay Gerald at Sam.

RJ:  Pat, Maine, kayo gusto niyo or coke na lang?

Sumagot naman ang dalawa na coke na lang.  Nakadalawang movie pa sila bago nagpaalam na si Sam na ihahatid ng pauwi sila Patricia at Maine.

Palaging ganon ang nangyayari. Magkikita si Patricia at Sam, laging niyayaya ni Sam si RJ na samahan siya at palagi ding dumadating si Maine kung saan man sila nandoroon.   At dahil wala naman ding choice si RJ, silang dalawa ni Maine ang naguusap.  Mali pala, si Maine ang dumadaldal at nakikinig lang si RJ.  Sumasagot naman si RJ pero kung ano ang tanong yun lang din ang sagot ni RJ.  Hanggang sa nainis na talaga si Maine.

Maine:  You know what RJ, sabihin mo lang kung ayaw mo akong kausap, ok lang naman yon eh.

RJ:  Bakit mo nasabi yan eh panay nga ang sagot ko sa tanong mo eh. 

Maine:  oo nga pero you are just answering my question, you're not making conversations.

RJ:  Ganito naman talaga ako eh, hindi ako mahilig dumaldal at wala ka din naman ikinukwento kung hindi mga napuntahan mo na lugar or mga fashion shows mo or mga nakilala mo ano namang gusto mong sabihin ko?

Maine:  Ikaw naman ang magkwento.

RJ:  Ano namang ikukwento ko na hindi pa naikwento ni Sam ah lagi naman kaming magkasama sa mga flight. So magiging redundant lang.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon