Chapter 29 - Level up

2.2K 107 0
                                    

Nang linggong yon nasa Europe flight si RJ, pero kahit malayo siya hindi niya nakakalimutang itext at tawagan si Gara.  Hanggang sa mapapayag niya itong susunduin niya sa opisina ng biyernes na yon.  Alas sinko pa lang bihis na at nagkakape na sa veranda si RJ ng dumating si Gerald sa flight nito.

Gerald:  Good morning! Ang aga-aga saan ang lakad mo?

RJ:  Susunduin ko si Gara.

Gerald:  Aba, talagang desidido ka ha.

RJ:  Maraming taon na ang nawala sa amin bro.  Hindi na ako papayag na may panahon pang masayang.

Pagbaba ni Gara at ng mga kaopisina nito ng building nasa harap na ng building nakapark ang kotse ni RJ. Nakita agad siya ni Vangie.

Vangie: Ayan na ang Piloto mo oy!

Ngumiti at kumaway si RJ.  Lumapit ang mga ito sa kanya.

RJ: Good morning ladies! Good morning Bie!

Vangie: ang aga aga naman ang cheesy!

Gara: Good Morning!  RJ, this is my other friends. Loise, Gianne, Barbie and JC.

RJ: You guys wanna join us for breakfast?

Wynona: Hindi na, you two go ahead. I'm sure, you have a lot of catching up to do.

RJ: Pasensya na kayo, hiramin ko muna itong friend nyo ha. Pa-Europe kasi ang flight ko so wala ako this weekend.

Vangie: Ok lang, basta ba isosoli mo ng buong buo eh.

Gara: RJ wait lang ha, usap muna kayo tatawag lang ako sa bahay.

Tumalikod si Gara at lumayo ng konti.  Matapos tumawag, ibinulsa ang phone at  lumapit na ulit sa grupo.

RJ: Bie, ano ok na?

Gara: Yah, let's go. Pano guys una na kami.

Pinagbuksan  ni RJ ng pinto ng kotse  si Gara at iniharang niya ang kamay sa ulo nito pagpasok . Napansin ni RJ na may isinenyas si Gara kay JC.  Tumango si JC. Umarangkada na si RJ  nakita niya na sumilip ito sa bintana ng may madaan silang isang lalake sa kanto.  Tinignan ni RJ sa rear view mirror at nakita niya si Andrew ang bestfriend ni Gara.  Nakatingin lang ito. Tahimik lang si Gara na nakikinig sa music.

RJ: Ok ka lang?

Gara: Oo naman medyo pagod lang. Saan ba tayo magbebreakfast?

RJ: Eh di sa favorite nating fastfood.

Gara: Gusto ko yan matagal na akong hindi nakakakain don eh.

Pagdating nila doon maraming tao at maingay kaya nagtake out na lang at magpunta sa Park sa may Legaspi St.

Gara: Saan naman tayo kakain dito? Upo na lang tayo sa grass?

RJ: Hindi, sandali hold this, may kukunin lang ako.

Pagbalik nito may bitbit itong kumot ng Cebu Pacific.

RJ: O di ba at least ngayon napakinabangan ko ang tagal na nito nakalagay lang sa compartment.

Inilatag niya ang kumot sa ibabaw ng damuhan at naupo sila. Inilabas niya ang pagkain. Natuwa si Gara ng makita ang Bacon mushroom melt at biggie fries at biggie na rootbeer.

Gara: Wow Bie, whopper meal ito ah! Thanks! I miss this... kakalimutan ko muna ang diet.

RJ: Wow! You called me Bie! Nagdadiet ka eh ang payat mo na nga.

Gara: Hindi naman ako nagda-diet pero I don't eat much of this kind of food. Pero dahil Bacon mushroom melt ay bahala na!

RJ: So, hindi ka na talaga kumain sa Wendy's?

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon