Chapter 39 - The Day

2.1K 95 0
                                    

Nang makarating sila sa bahay, tahimik si Gara.  Inilabas nito ang mga papeles na kailangang  sagutan at pirmahan ni RJ.   

RJ:  Oh, bakit ikaw hindi mo pa pala nasasagutan at napipirmahan ito eh.

Gara:  Mauna ka na, just make sure wala kang makakalimutang sagutin at pirmahan para hindi na pabalikbalik.

Ipinakita niya kay RJ ang lahat ng napili nila para sa kasal, wala namang reklamo ito.  Ibinigay ni Gara ang listahan ng mga kailangang bayaran. Nagbiro si Gara

Gara:  Ano mahihimatay ka na ba sa babayaran?

RJ: Ok lang yan, kayang kaya ko yan. Gusto mo magpakasal pa ulit tayo sa Manila.

Nang gabing yon, naiwan si Gara na nagiisip. Pinauna na niyang matulog si RJ at Rickey. Akala niya siya na lang magisa ang nandon, pinalaya niya ang damdamin na pilit itinatago. Umiyak siya ng umiyak at tahimik na humikbi. Mayamaya lumapit ang Daddy  Ni RJ, naupo sa tabi niya at inakbayan siya.

Daddy: Narinig ko ang sinabi ni RJ kanina ng maaksidente si Maine. Yun ba ang iniiiyak mo?

Gara: Oho, pero hindi naman ho ako nagulat dahil matagal ko ng ramdam. Pero masakit pa rin pala kapag mismong sa labi niya nanggaling.

Daddy: Kung ganon, nasasaktan ka pala eh bakit itutuloy mo pa ito.

Gara: Mahal na mahal ko ho si RJ Dad. Isang pagmamahal na kayang magsakripisyo para sa kaligayahan niya. At kanina ng marinig ko ang sinabi niya alam kong hindi ako ang magpapaligaya sa kanya ng buong buo. Totoong mahal ako ni RJ alam ko yon pero alam ko din na ginagawa niya ito para pantayan ang pagmamahal ko sa kanya. Pero mali eh, dahil mahal ko siya hindi ko kakayaning habang buhay siyang magmamahal na hati ang puso niya. Pero hindi ko din ho kayang hindi ituloy ang kasal.

Daddy: Ano ang plano mo?

Gara: Sabi niyo narinig ninyo ang sinabi niya kanina. So alam ninyo na mahal na mahal ni RJ si Maine hindi ba?  Hindi nito kakayanin ng mawala ng tuluyan si Maine sa kanya.

Tumango si Daddy Rick

Gara:  Daddy, may gusto ho akong gawin pero kailangan ko ho ng tulong ninyo.

Kinabukasan bago umalis si RJ pabalik ng Manila, dumalaw ito kay Maine.  Lihim na pinagmamasdang mabuti ni Gara si RJ, at kitang kita niya sa bawat haplos nito sa kamay ni Maine ang pagaalala at sa  mga mata nito ang pagmamahal. Maaaring kayang itago ni RJ sa iba ang nararamdaman niya pero hindi kay Gara dahil alam nito ang  ikinikilos niya.  At sigurado si Maine sa nakikita niya.  Makalipas ang isang oras nagpaalam na si RJ.  Niyakap niya si Maine  at hinalikan sa noo.  Humalik si RJ sa pisngi ni Gara,  yumakap at tuluyan ng umalis.

Pinahid ni Gara ang luha niya. Nakita ni Maine yon.

Maine: Sis, may problema ba?

Gara: May tanong ako, kung sakaling nagkapalit tayo ng posisyon, papayagan mo bang maging bahagi kami ni Rickey ng buhay ni RJ kahit na magasawa na kayo?

Maine: Oo naman, malamang tayong dalawa ang maging bestfriend at si Rickey ituturing kong parang tunay kong anak. Ikaw ba, papayagan mong maging bahagi pa ng buhay ni RJ kapag magasawa na kayo?

Gara: Oo naman, malamang ikaw ang ninang ni Rickey sa Kumpil at ninang ng magiging anak namin.

Maine: Bakit mo naitanong?

Gara: May isa pa akong tanong... sana sagutin mo ng totoo yung bukal sa loob mo at huwag mong intindihin kung ano ang mararamdaman ko.

Maine: Gara, ano bang pinagsasasabi mo?

Gara: Mahal mo pa ba si RJ?

Maine: Gara, ano ka ba?

Gara: Gusto kong malaman Maine. Gusto kong malaman ang totoo bago man lang ako magpakasal sa kanya gusto ko alam ko ang lahat. You owe me the truth.

Maine: Ipangako mo sa akin na tuloy ang kasal kahit na ano pa ang marinig mo.

Gara: Pangako.

Maine: Oo Gara, mahal ko si RJ. Mahal na mahal at dahil sa pagmamahal na yan kaya gusto kong maging masaya siya, magawa niya ang gusto niya. Huwag mong pagdudahan ang pagmamahal sa yo ni RJ, Gara dahil kung minahal man niya ako, hindi non kayang tapatan ang pagmamahal niya sa iyo.

Umiyak si Gara at niyakap niya si Maine.

Gara: Mahal ko siya Maine, mahal na mahal at ayokong habang buhay siyang maipit sa pagmamahal na yan. Dahil alam kong mahal ka pa niya at hindi niya kakayanin na mawala ka ng tuluyan sa kanya. Yan ang sinabi niya ng paulit-ulit nung maaksidente ka. Minsan ng may nasaktan sa dakilang pagibig ko para kay RJ. Tama na yon. Ayokong pati kayo ni RJ masaktan dahil lang sa pagmamahal ko sa kanya.

Maine: Gara, ikaw ang mahal ni RJ, ikaw lang ang makakapagpaligaya sa kanya. Siguro nasabi lang nya yon dahil akala niya may masamang mangyayari sa akin.

Gara: Hindi Maine, sa mga pagkakataong ganon lumalabas ang totoong sinasabi ng puso.

Maine: Gara, please kalimutan mo na yon. Ituloy mo ang kasal hindi kakayanin ni RJ kapag nawala ka sa kanya, kayo ng anak mo.

Gara: Huwag kang magalala, itutuloy natin ang kasal at hindi kami mawawala kay RJ dahil sinabi mo naman na papayagan mo kaming maging bahagi ng buhay ninyo.

Maine: Hindi kita maintindihan Gara.

Gara: Hindi mo kailangang maintindihan ako. Ito lang ang dapat na tanggapin mo mahal na mahal ko si RJ at gagawin ko ito dahil sa pagmamahal na yan. At kung mahal mo talaga siya papayag ka sa gusto kong mangyari.

Maine: Magpagaling ka dahil ikakasal ka na. Teka kaya mo na bang magsulat? Marami ka pang kailangan fill-upan at asikasuhing papeles.


My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon