Chapter 32 - Ms. Congeniality

1.8K 84 0
                                    

Simula noon kapag walang pasok si Gara at walang flight si RJ, sa condo unit ni RJ namamalagi ang kanyang magina. Kapag maagang nakakabalik galing sa flight si RJ nagpupunta siya sa bahay nila Gara at siya ang kasama ni Rickey magaral at maglaro habang natutulog si Gara. Sinusundo din niya si Gara galing sa opisina sa umaga. Ginampanan ni RJ sa abot ng makakaya niya ang pagiging ama kay Rickey. Kahit saan pa siya naroroon kapag nagtext at tumatawag ang anak lagi niya itong sinasagot. Masaya sila pero may pagkakataong tahimik si Gara at parang nagiisip at napansin din niyang madalang ng magpunta si Andrew sa bahay ni Gara pero kapag inaabutan niya ito doon may konting inggit siya sa closeness nito kay Rickey. Pero inisip nalang niya, "ganon talaga si Andrew ang nagpuno sa kakulangan ng bata sa ama kaya ito naging malapit kay Andrew. Dapat magpasalamat pa siya na lumaki ang anak na maayos."

Hindi lang yon ang napansin ni RJ, halata din niyang mahalaga si Andrew kay Gara. Pero alam niyang wala siya sa posisyon para kwestyunin yon dahil aminado siya na pareho lang sila dahil may pagtingin din naman siya kay Maine. May mga pagkakataong lumalabas si Gara kasama si Andrew at ang mga kaibigan nila, na ipinagpapaalam naman sa kanya ni Gara katulad ng kung papaanong nagsasabi siya kay Gara kapag may lakad ang barkada kasama si Maine.

Dahil madalas nga si Gara at Rickey sa Condo Unit niya, nakilala na ng kanyang magina sila Gerald, Sam at Ryan. At kasundo at kabiruan naman ni Gara ang mga ito. Kadalasan kapag nagyayang magbasketball ang mga ito don sila naglalaro para makapanood si Rickey at tuwang tuwa ito. Habang si Gara ipinagluluto sila ng hapunan. Katulad ng hapon na yon. Matapos magbasketball at magswimming bumalik na sa unit ang magkakaibigan kasama si Rickey.

Gara: Baby sino ang nanalo this time?

Rickey: Syempre Mama, panalo pa din si Papa at Tito Ge.

Sam: Papano naman kami mananalo ang lakas mangasar nyang anak mo. Talo na nga kami sa game talo pa sa kantyaw.

Rickey: Tito Sam, joke lang naman po yon eh.

Gara: Oy kayong dalawa sigurado ba kayong darating ang mga girlfriend ninyo? Madami itong niluto ko, kapag hindi sila dumating kayo ang uubos nito.

Gerald: Don't worry darating sila. Kaya dyan muna kayo at maliligo na ako.

Ryan: Bilisan mo pagkatapos mo ako naman.

Sam: Pagamit ng banyo, Gara ha.

RJ: Kunyari ka pang nagpapaalam sanay ka naman na dito naliligo. Sige na. Bie, maliligo na din kami ni Rickey sa kwarto ha. Ok ka lang dito?

Gara: Don't worry kaya ko na ito.

Nagluto si Gara ng roast chicken with mushroom sauce, mashed potatoe, buttered veggies at seafood pasta at naghanda din siya ng garlic french bread. Nagpalamig na din siya ng wine at red wine. Nang matapos maligo ni RJ at Rickey, naligo naman si Gara habang inaayos nila ang lamesa sa garden sa harap ng veranda nila. Dumating sila Patricia, Valeen at Anne. Nagsuot lang ng maong na shorts, blue na 3/4 sleeves na dress shirt at sneakers si Gara at nakaponytail ang buhok. Bahagyang naglagay ng lipstick at pabango. Inabutan niyang ipinakikilala ni RJ si Rickey sa mga ito.

RJ: This is my Son, Rickey. Rickey this si Tita Pat, Tita Val and Tita Anne.

Rickey: Hello po, good evening!

Lumapit si Rickey at inabot ang kamay ni Pat.

Patricia: Rickey pwede bang kiss na lang?

Pumayag naman ito at humalik sa pisngi ng tatlong dalaga.

Anne: You look like a small RJ.

Patricia: Oo nga, ganyan ka din ka cute nung bata ka pa.

Rickey: Opo, kasing cute ko si Papa when he was four.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon