Chapter 67 - Confrontation

2K 89 7
                                    

Simula noon, lalong naging tahimik si RJ.  Kapag wala itong flight at nasa bahay lagi lang itong nakikipaglaro kay Raine o kaya nagmomovie marathon ng cartoons kasama si Rickey.  Sa gabi naman kapag tulog na si Raine, naiiwan ito sa salas at nakaharap sa laptop.  Hindi niya binibigyan ng pagkakataon si Maine na makausap siya.  Ayaw niyang mapagsalitaan niya ito.

Ilang araw na niyang iniisip, matagal ng alam ni Maine na si Gara ang kakambal niya pero hindi nito nakuhang sabihin sa kanya, hindi nito nakuhang kausapin si Gara para humingi ng dispensa.  Ganon ba ka selfish at self-centered si Maine?  Habang masama ang loob ni Gara at namumrublema sa nangyari sa kanila, si Maine naman nagpapakasaya sa pakikipaglapit sa magulang nila.

Nang gabing yon, tinawagan ni RJ si Andrew.

RJ:  Bro, kamusta?

Andrew:  Ok naman.

RJ:  Si Gara? 

Andrew:  Ok din naman, tulog na eh.

RJ:  Kamusta naman ang pagtanggap niya sa sinabi ni Nanay?

Andrew:  Syempre sumama ang loob, pero kilala mo naman si Gara kapag nakapagisip-isip na ok na. Nanggaling na dito sila Nanay at Tatay nagkausap na sila. Nung una, ako hindi makapaniwala eh.  Pero kapag naiisip ko na magkamukha sila at maraming bagay ang pareho sila naisip ko hindi naman imposible na kambal nga sila.

RJ:  Oo nga eh, pero magkaibang-magkaiba sila ng ugali. Kung ano ang pagkaselfless ni Gara ganon din ang pagkaself-centered ng asawa ko.

Andrew:  huwag mong sabihin yan bro.  Marahil iba kasi siya ng kinalakhan at sanay siyang nakukuha ang naisin at wala naman din siyang  naging kasama habang lumalaki siya kaya sanay siya na sarili lang ang iniisip.

RJ:  Mabuti ka pa naiintindihan mo, ako kasi hirap na hirap akong intindihin eh.

Andrew:   Dahil nakasanayan mo ang pagkaselfless ni Gara.  Naiintindihan ko si Maine dahil nagkaron ng pagkakataon sa buhay ko namamuhay na magisa, walang ibang inisip kung hindi sarili ko lang pero nababago yan ng experience at ng panahon.  Dahil ipinapakita mo naman ang pagmamahal mo at lahat naman ng nasa paligid niya ay minamahal siya, magbabago din yan.

RJ: In fairness to her, hindi naman talaga siya selfish eh, hindi ko lang maintindihan parang pag dating kay Gara hindi niya kayang magbigay eh.  Ewan ko ba?

Andrew:  Pilitin mo na lang na intindihin siya. Baka sakaling kapag ginawa mo yon malaman mo ang sagot sa tanong mo.

RJ:  Salamat ha, pasensya ka na din sa istorbo. 

Andrew:  Wala yon bro, magkaibigan tayo eh.

Umakyat na si RJ sa kwarto matapos kausapin si Andrew at isara ang mga pinto ng kabahayan.   Sa pagaakalang tulog na si Maine pumasok ito ng kwarto.  Nagulat siya ng abutan si Maine na nakaupo sa couch at nagbabasa.

RJ:  Bakit gising ka pa?  Matulog ka na late na.

Maine:  Gusto kitang makausap.

RJ:  Ano namang paguusapan natin na hindi pa natin napagusapan eh tayong dalawa lang naman ang laging magkasama.

Maine:  Napansin ko lang, naging seryoso ka na ulit, hindi ka nagbibiro o nangungulit tapos nitong mga nakaraang araw sobrang tahimik ka.

RJ:  Seryoso naman talaga ako noong makilala mo ako, nakikipagkulitan ako at nakikipagasaran sa mga kaibigan ko dahil ganon din sila sa akin.  Yung pagiging tahimik ko wala lang ako sa mood mag salita at wala din naman akong maikukwentong hindi mo pa alam dahil tayong dalawa ang madalas na magkasama.

Maine: Wala ka bang gustong itanong sa akin?

RJ:  Wala, at mukhang wala ka din namang gustong sabihin sa akin.  Dahil kung meron matagal mo ng sinabi. 

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon