Chapter 56 - Flashbacks

2K 84 1
                                    

Nagdatingan ang lahat ng bisita. Pinanonood lang nila Mama Precy, Papa Mark, Nanay MaryAnn, Tatay Teddy at Tita Maggie sila RJ at Maine habang sinasalubong ang mga ito. Dumating din si Daddy Rick at Ryzza.

Mama Precy:  Mukhang masaya naman sila ano?

Nanay MaryAnn:  Oo, tignan ninyo si Raine, akala mo naiintindihan na niya ang nangyayari panay ang ngiti eh.

Tatay Teddy:  Oo nga mabuti, hindi cranky.

Mama Precy:  Nakatulog naman kasi siya kanina ng mahaba-haba.

Papa Mark:  Oo, naku kung nandito kayo kanina matatawa kayo sa magasawa, natataranta eh.

Tatay  Teddy:  Mabuti nandito ang ibang mga kaibigan nila.

Nanay MaryAnn:  Kung nandito si Gara malamang siya ang katulong ng mga yan sa paghahanda.

Mama Precy:  Oo nga naikwento sa amin ni Maine na magkaibigan sila ng Mama ni Rickey.

Tatay Teddy:  Kung nakita ninyo sila ng magkasama aakalain ninyong magkapatid sila.

Papa Marc:  Naikwento nga ni Marco na ng unang magkita si RJ at Maine, akala ni RJ si Maine ay ang anak ninyo.

Nanay Precy:  Magkaibang magkaiba sila sa kilos at pananamit.  Dahil si Gara namin, hindi mahilig magayos at laging nakatali ang buhok. Pero ang sabi ni RJ noon, kapag itinataas daw ni Maine ang buhok niya at titignan mo ito ng nakaside view kamukha niya si Gara.  Kaya noong makilala namin si Gara nakita ko agad ang pagkakahawig nila.

Papa Marc:  Nakakatuwa din ang nangyari sa mga anak natin, at mabuting nanatili silang magkakaibigan.

Tatay Teddy:  Si Rickey marahil ang dahilan, madaling napalapit si Rickey kay Maine  at dahil wala namang ipinakitang masama si Maine kay Gara kaya naging magkaibigan sila.

Nagkatinginan sila Papa Marc at Mama Precy dahil parehong nasa isip nila ang mga pagkakataong inaatake ng sakit niya si Maine at pinagdududahan si Gara. Natutuwa ang mga ito na walang nabanggit si RJ sa mga magulang ni Gara tungkol dito.

Inihatid ni RJ ang ama at kapatid sa lamesa nila Papa Mark.

Daddy Rick:  Balae, kamusta na?   MaryAnn, Teddy, Maggie.  Mabuti naman at nakarating kayo.

Nagkamay ang mga ito at nagbeso naman si Ryzza sa lahat ng naroon.  Yumakap si Rickey kay Daddy Rick.

Daddy Rick:  Naku, sobrang namiss ka na ni Lolo apo.

Rickey:  namiss ko na din po kayo. Pero sabi po ni Papa pwede na kami pumunta sa inyo palagi kasi malaki na si  Baby Raine.

Naupo si Daddy Rick sa tabi ni Rickey.  Si Ryzza naman tumabi kila Marco sa kabilang lamesa.

Tatay Teddy:  Kumpadre, tagal mong nawala ah.  Balita ko malakas ang negosyo mo sa US ngayon.

Daddy Rick:  Ok lang naman, tsaka nanatili ako doon kasi may inaasikaso akong property.

Tatay Teddy:  Ang sabi ni Maine taga Laguna daw kayo, matagal din kaming nanirahan doon. Taal na taga doon ang mga biyenan ko.

Papa Mark:  Oo, taga doon akong talaga.  Pero si Maine, tumira lang doon ng maghigh school na sa States siya lumaki.  Bata pa nagmomodel na siya doon, nong umuwi dito nagaral at nakatapos ng Business Course tapos bumalik siya doon para magtrain sa pagiging Model dahil yon talaga ang hilig niya.  

Nanay MaryAnn:  Napakaganda naman niya at magaling na Modelo.

Mama Precy:  Salamat, sabi ni Maine matagal na kayong hindi nakakauwi ng Laguna?

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon