Chapter 68 - #sistergoals

2.2K 86 0
                                    

Kinalinguhan ng umaga pagkatapos magagahan, umalis si RJ kasama si Raine para pumunta sa park at makipagkita kila Andrew, Rickey at Paolo para magbike at maglaro.  Naiwan si  Maine na naghuhugas ng pinggan ng maalala niyang mag-grocery.  Matapos ang ginagawa, nagbihis ito ng maong na pantalon at v-neck na 3/4 na blouse at nagsuot ng snickers, kinuha ang susi ng kotse ni RJ at nagdrive papunta sa pinakamalapit na grocery. Pagdating don, nakita niya ang yellow carnation, naisip lang niyang bumili.   Papalabas na siya ng mapadaan sa isang stall ng Bibingkinitan. Naisip niya, gusto ni Gara ito, yung maraming cheese at itlog na maalat.   Bumili siya at napaisip, "Dadaan ako sa bahay nila kapag nakita ko siya sa labas ibibigay ko ito."   Habang si Gara naman bagong ligo at naka-yellow na maternity gown, naiwan sa bahay na nakaupo sa Garden habang nageembroider ng pangalan sa mga damit-damitan ng mga anak.  

Marahang nagmaneho si Maine sa tapat ng bahay nila Gara, nang makita niya ito sa garden. Huminto siya, pumarada sa tapat ng bahay at binitbit ang bibingka at carnation pagbaba ng sasakyan.  Napalingon sa gate si Gara ng marinig ang pagparada ng kotse. Naitulak ni Maine ang pinto.

Maine:  Bakit hindi nakalock ang gate ninyo?

Gara:  Kasi mahihirapan pa akong pagbuksan ang kung sino mang dumating. Marunong ka palang magdrive?

Maine: Oo pero bihira kasi lagi namang si RJ ang nagmamaneho para sa akin.

Gara:  Parang ako lang, marunong din ako pero bihira akong magdrive kasi nandyan si Andrew laging nakadikit sa akin.

Maine: ang clingy nila no?

Gara:  Oo nga, akala mo naman hindi natin kaya ang sarili natin.

Maine: Eto oh carnation, paborito mo ito di ba? Para naman masaya ang aura sa dining table ninyo. Tsaka may dala akong bibingka, gusto mong kumain.

Gara:  Salamat, teka kukuha ako ng flower base at platito.

Maine:  Ako na bahala, bago ka pa makapasok sa loob at makalabas malamig na ang bibingka.

Natawa si Gara, naisip niya "oo nga naman."  Pumasok si Maine sa loob ng bahay, nakahanap naman agad ng flower base. Nilagyan ng warm water at konting sugar tsaka inilagay ang bulaklak.  Kumuha ng tray, naglagay ng dalawang platito, tinidor, baso at ang timpladong iced tea na nakita sa ref.  Binitbit niyang lahat palabas sa garden at ipinatong sa ibabaw ng garden table at naupo sa tapat ni Gara. Nagslice ng bibingka at nilagyan ang mga platito.

Maine:  Ano ba yang ginagawa mo?  Marunong ka ba talaga niyan?

Gara:  Oo naman, tignan mo.

Maine:  Wow! oo nga ang cute Eya itong isa tapos yan naman Yza.

Gara:  Para hindi magkapalit-palit kapag sinusuot na nila. Tsaka para paglaki nila makikita nila yan at malaman nila meron talagang para sa kanila eh di hindi sila magseselosan.

Maine:  Ouch naman, bumusina ka naman sis!

Gara: Sorry, I didn't mean anything about that.

Maine:  Ok lang, praning naman talaga ako. Pasensya ka na sa mga sinabi ko noon ha, may sapak kasi ang utak ko. I didn't mean them. Kung nagseselos man ako hindi dahil naniniwala akong may relasyon pa rin kayo pero ang totoong pinagseselosan ko yung lalim ng pinagsamahan ninyo.

Gara: Sis, may lalalalim pa ba sa kagustuhang makasama ka pang habang buhay?  Sa palagay mo ba magpaparaya ako kung hindi ko nakita ang malalim na ugat ng pagmamahalan ninyo ni RJ?

Natahimik si Maine.

Gara:  Ang meron kami ni RJ, mga alaala , magaganda at masasakit na alaala. Mananalo ba yon sa realidad na meron kayong magkasama ngayon? Sorry, kung nasasaktan ka sa kung papano namin itrato ang isa't isa pero matagal ko ng narealize yung kagustuhan ni RJ na ibalik ang pagmamahal ko, tuparin ang pangako at mga pangarap namin at ibigay ang makakapagpasaya sa akin ay parang mga Kuya ko noon, na matatakbuhan at mahihingan ng tulong, mapaglalambingan ng hindi ako susungitan, kaibigan na tumanggap sa akin kahit sa kahinaan ko at kapatid na lagi kong masasandalan.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon