Chapter 35 - Pagtatagpo

1.9K 93 1
                                    

Lalong naging madalas ang pagstay nila Gara at Rickey sa Condo ni RJ.  Masayang masaya naman si Rickey kapag kasama ang ama.  Minsan nagpaalam si Rickey kay RJ.

Rickey:  Papa, pwede po ba magpunta ako palagi kila Tito Drew next week?

RJ:  Pwede naman kasi buong week na Europe ang flight ni Papa.  Bakit niyayaya ka ba ni Paolo?

Rickey:  Opo Papa, nalulungkot po kasi siya kasi 10 days na lang aalis na ang Papa niya eh  Kaya po gusto ko siyang samahan para sumaya siya at tsaka para makasama ko din po si Tito Drew.

Napatingin si RJ kay Gara.  Tahimik lang itong nakikinig sa kanila.

Lumapit si RJ kay Gara at hinapit ito sa bewang. 

RJ:  Totoo bang aalis na si Andrew?

Gara:  Yup, may visa na siya ticket na lang ang hinihintay niya.

RJ:  Bakit hindi mo naikwento sa akin?

Gara:  I just didn't thought you wanted to know. 

RJ:  Bie naman, bestfriend mo si Andrew at kahit papano kaibigan ko na din naman siya, of course I would want to know.  Kaya pala  minsan malungkot ka eh.  Mami-miss mo sya eh no?

Gara:  Hindi no, mabuti nga makaalis na yon kaysa nagmumukmok dito.  Tsaka para makahanap na siya ng bagong girlfriend o baka naman ngayon na malalayo na siya eh marealize ni Anna kung gaano niya kamahal si Drew.

Hindi umimik si RJ pero alam niyang ayaw lang umamin ni Gara dahil ang totoo madalas niya nitong nakikitang tahimik at nagiisip.

Simula ng umalis si Andrew, halos araw-araw na tumatawag si Rickey kay RJ at katulad ng pangako nito lagi naman nitong sinasagot ang tawag ng anak. Kapag wala itong flight at day off madalas na doon sa condo niya naglalagi ang magina. Masayang masaya naman si Rickey kapag kasama si RJ. Minsan sa isang linggo kung idate ni RJ si Gara. Nag-a-out of town din sila. Nakapunta na sila ng Boracay, Bohol, Cebu at Davao. Ilang ulit na din silang umuwi sa bahay nila RJ sa Laguna at tuwang tuwa ang Daddy at mga kapatid niya kay Rickey. Kung tutuusin wala na siyang  mahihiling pa pero ilang buwan na din simula ng magpropose siya at kahit minsan hindi pa nila napagusapan ni Gara ang tungkol sa kanilang kasal.

Hanggang sa dumating ang birthday ng Daddy niya. Umuwi sila ng Laguna kasama sila Nanay MaryAnn  at Tatay Teddy. Tuwang tuwa ang mga magulang niya ng makilala sila Tatay at Nanay. Balae na nga kung magtawagan sila. Isang buffet dinner party ang inihanda nilang magkakapatid at ni Gara at Rickey para sa daddy ni RJ. Doon nakilala ni Gara  ang buong angkan ni RJ at si Maine, ang bestfriend ni RJ.

Dumating si Maine at lumapit sa lamesa namin, nagmano ito sa Daddy ni RJ. Tumayo si RJ, hinawakan ito sa braso at nagbeso sila.

RJ: Maine, meet my parents-in-law, si Tatay Ted at Nanay MaryAnn, si Maine ho bestfriend ko.

Maine: Hello po, its nice to meet you.

Sandaling tinitigan ni Nanay MaryAnn at Tatay Teddy si  Maine.  Napansin nila agad ang pagkakahawig nito kay Gara.

Tatay Teddy:  Ikinagagalak ka naming makilala.  Hijo taga dito din ba si Maine?

RJ:  Opo Tay, taga dito din siya sa Laguna pero nangungupahan siya sa Manila para mas malapit sa opisina nila.

RJ: This is my cute son, Rickey.

Rickey: Hi po.

Maine: Hi Rickey, kamukhang kamukha mo nga ang daddy mo.

Tumayo si Gara at bumati kay Maine. Hinawakan ni RJ ang kamay nito at iniakbay niya ang kabilang braso sa balikat ng kasintahan.

RJ: This is my Fiance' and future wife, si Gara.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon