Chapter 27 - Ang sikreto

2.1K 112 2
                                    

Kinabukasan nagising si RJ bandang alas otso ng umaga. Maluwag ang dibdib niya. Naisip niya tama lang na nasabi niya kay Maine ang lahat ng nasa loob niya para clean slate siya kapag nagkita sila ni Gara.  Pero aminado si RJ, bawat sakit na naramdaman ni Maine ng kausap niya ito dobleng sakit ang nararadaman niya dahil totoo namang may pagtingin at pagmamahal siya dito, totoo ding attracted siya dito pero para sa kanya kasi hindi sapat yon. Ang relasyon hindi lang isang pakiramdam, hindi isang emosyon lang. Para sa kanya isa itong desisyon. Matagal na niyang napagdesisyunan ang buhay niya. Isa lang ang pinangarap niya simula pa noon. Ibalik kay Gara ang pagmamahal na ibinigay nito sa kanya. Ang pagmamahal na hindi makasarili, ang pagmamahal na walang inisip kung hindi siya ay mapabuti. Mahalaga sa kanya ang pangakong binitawan niya kay Gara na aabutin niya ang pangarap para sa pagbabalik niya sabay nilang tutuparin ang pangarap nilang isang pamilya.  Hanggan't hindi naiintindihan ni Maine yon at tanggapin  hindi siya titigilan nito at lalo lang niya itong masasaktan.  Wala siyang ibang naisip na paraan para lumayo ito sa kanya kung hindi ipakitang  hindi siya apektado sa nararamdaman nito.

Naisip niya, magkamukha mang tignan si Maine at Gara, maaring pareho silang may pagkasimple at pareho din silang hindi susuko sa kahit na anong hamon sa buhay, pero magkaiba sila pagdating sa pagmamahal.  Kung si Gara ang naging si Maine, kung narinig nitong hindi siya liligaya malamang na magparaya na ito.  Pero si Maine iba, she want to get what she wants kahit na may masasaktan siya.

Lumabas siya sa veranda bitbit ang tasa ng kape nakita niya si Gerald na nagwo-workout.

Gerald:  Good morning!

RJ:  Good morning! Workout pa rin nagpapamacho ka ba para kay Val?

Gerald:  May pinaghahandaan lang, pupunta siya mamaya eh malay mo di ba? Nakakahiya namang manginig ang tuhod ko.

RJ:  Too much info bro, ibuhos ko kaya sa yo itong kape.

Gerald:  Ikaw, mukhang relaxed ka, masaya pero may iniisip ka.  Dahil ba yan sa paguusap ninyo kagabi?

RJ:  Oo eh, pinilit ko namang huwag umabot sa ganito eh. Pero wala eh nasasaktan ko na siya kahit hindi ko man sadyain eh.  Hindi ko maintindihan, masikista ata. Nasasaktan na ayaw pang tumigil eh.

Gerald:  Ano ata talaga eh, pag mahal mo, mahal mo eh. 

RJ:  Hindi naman ako manhid bro, mas nasasaktan ako eh. Kaso anong magagawa ko, alangan namang pabayaan ko lang siya eh di lalo siyang masasaktan non di ba?  Hindi nga niya ako masisi kasi ginusto naman niya pero ako hindi ko mapigil na sisishin ang sarili ko eh.  I should have tried harder nung una pa lang eh.

Gerald:  Kahit ginawa mo yon, you will still end up in the same exact situation kasi personality ni Maine yan eh.  Hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya. Parang sa tele nobela lang.  Not unless...

RJ:  Not unless ano?

Gerald: Not unless makita niya sa sarili nyang mga mata kung bakit ganon na lang ang pagmamahal mo kay Gara, makita niya kung na totoong mas mahal ka ni Gara.  Kasi pakiramdam ko hindi nagsisink-in sa utak niya kung ano ang mga ginawa ni Gara para sa yo. She might have heard it but never really believed it.  She needs to see it for herself. 

RJ:  Ganon, parang lalo naman akong kinabahan sa yo.

Gerald:  Huwag kang kabahan hindi naman katulad ng mga babae sa tele-novela si Maine na mangsasaboy ng asido eh.    Kung ako sa yo, magrelax ka at magpagwapo para sa pagkikita ninyo ni Gara mamayang gabi.  Saan nga kayo magme-meet?

RJ:  Sa TOC, Top of the City

Gerald:  Wow, sosyal! Akala ko ba simple lang si Gara.

RJ:  Oo, kaya ko nga siya dadalhin don eh because I wanted to see if she is the same woman I have known.  Hindi niya alam kung anong klaseng lugar yon eh.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon